WHEN she was a kid. Madalas na gumagala sila ng magulang niya sa zoo. She remembered how happy she was by just looking at those animals. At the age of five years old, some of the animals were scary and some weren't for her.
The first time she saw the tiger. She cried a lot. She was only three years old that time. She wanted to go home immediately. Hindi nila natapos ang pag iikot sa zoo dahil hindi siya mag tigil sa pag iyak.
And ever since she cried. The next year, hindi niya mabilang kung ilang beses silang dumalaw ng zoo sa tuwing may free time ang kaniyang magulang. Isa sa pinupuntahan nila ay ang zoo hanggang masanay siya na hindi umiyak sa tuwing nakikita ang tigre.
For a kid like her, it may be torturing. Imagine, she doesn't like someone but they are persistent until she starts to like them. Tinuruan siya ng magulang niya na harapin ang problema. They taught her to try and try until she succeeds.
"Mama, I didn't cry," she told her mom. Ngumiti ang ina niya sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. "Very good, honey."
Being a kid, she was excited to tell her dad as well. Binuhat siya nito at hinalikan sa pisngi. Tuwang-tuwa siya dahil nakakuha siya ng halik sa kaniyang magulang.
She promised to herself that she will be brave from that day on.
FIRST day of school. Nasa grade one na siya. Ibig sabihin, kailangan na niya iwanan mag isa. Hindi katulad no'ng nasa day care pa lang siya. Her mama always with her. Iiyak lang siya ay pupuntahan na siya agad ng kaniyang ina.
But this time, her mama told her. "You're big na, Rainbow. You're going to school na rin sa big school. You'll make new friends but mama won't be there with you, is that okay, honey?" Shempre, hindi. She was only six years old.
Hinatid siya ng kaniyang ina sa unang araw. Hindi niya pa sana gusto mag paiwan. Nakikita niya rin kasi sa ibang mga bata na hindi rin gusto ng mga ito mag paiwan. Some of them were crying pero siya ay hindi umiyak. She promised to be brave.
And her mama told her, she's a big girl na. Hindi man niya gusto maiwan ay nag paiwan siya and her mama didn't lie when she told her magkakaroon siya ng kaibigan dahil sa unang araw pa lang ay nagkaroon na siya ng mga kaibigan.
SA unang pagkakataon. Hindi lang pamilya niya ang bisita niya sa kaarawan niya. She invited her new friends to her birthday. The whole day, hindi tumigil ang pagtawa nila at kasayahan nila.
She was happy. She was with her family and new friends. Sa araw na rin iyon nakakuha siya ng maraming regalo at maraming halik sa pisngi. Just the way she loved.
No'ng gabing iyon ay binuksan niya ang mga regalo na binigay sa kaniya. Hindi rin siya nakalimot magpasalamat. Tuwang-tuwa siya habang binubuksan ang mga ito. Ang ama niya ay kinukuhanan siya ng video habang ang ina naman niya ay tinutulungan siya na buksan ang mga regalo.
BINABASA MO ANG
Saving, Rainbow
Genel KurguDalawang puso pinagtagpo ng pagkakataon. Trigger warning ahead. 𝗥𝗘𝗔𝗗 𝗔𝗧 𝗬𝗢𝗨𝗥 𝗢𝗪𝗡 𝗥𝗜𝗦𝗞. Book cover: chichi graphics