065

130 6 5
                                        

I looked at my phone when it vibrates. Napatingin ako kung sino ang tumatawag, mabilis ko naman itong sinagot noong nakita ko kung sino ang tumatawag.

"Hi" he said from the other line. "Nandito na ako sa labas ng bahay niyo" napatingin naman ako sa labas at nakita ko ang kotse na naroon.

"Wait, bababa lang ako. Punta ako riyan" I said and then ended the call.

I excitingly run downstairs. Napatingin muna ako sa aking itsura sa salamin na nadaanan ko bago ko binuksan ang pintuan. Napangiti ako ng makita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa akin.

I opened the gate and then I saw him standing straight beside his car.

"Tara na?" he asked me pagkatapos niyang makaupo sa drivers seat. He opened the door for me earlier at pumunta din siya sa drivers seat.

Tumango ako sa kanya. Napatingin ako sa dinadaanan namin. Ilang minuto ang nakalipas ay dumaan muna kami sa Jolibee para mag drive thru. Nagmaneho ulit siya at napunta kami sa dagat. Yung pinuntahan din namin noon, pumunta kami sa likod ng kanyang sasakyan at inopen ang likuran nito.

Pumwesto kami doon at nakatanaw sa dagat. He opened all the food that he bought earlier.

"Here" he handed me a plastic bag napatingin ako doon at ngumiti naman siya doon. "I bought you some chocolates and then the one that you tild me earlier to buy and some ice cream too" sabi niya at napangiti ako dahil doon.

Pumunta ako sa gilid niya at hinalikan ang kanyang pisngi. "Thank you" sabi ko sakanya at nakita ko ding namula ang kanyang tenga dahil sa aking ginawa.

Tinakpan niya din ang kanyang tenga nung nakita niyang nakatingin ako doon.

"Bakit ka tumatakip ng tenga mo?" natatawa kong sabi sa kanya.

"Tss. Don't look at me" sabi niya and rolls his eyes. Napatawa ako dahil sa reaction niya.

"Asuss kinikilig po ang isang Zadkiel" kiniliti ko pa ang tagiliran nito at natawa naman siya.

"Stop it, Lia" sabi niya habang tumatawa.

Bigla ko naman naisip ang sasabihin ko sakanya. Sumeryoso ang mukha ko kaya napatingin din siya sa akin.

"What's wrong Lia?" he asked me nakita ko din ang pag alala sa kanyang mukha.

"May sasabihin ako sayo 'lian" sabi ko sakanya kaya sumeryoso din siya. Pinigilan ko naman tumawa sa aking kaloob looban.

"Ano 'yon?" kyuryosong tanong niya.

"Ano kasi..." sabi ko at pinutol ko din iyon at kumain pa kunyari ng burger na nasa aking kamay.

"Tigilan mo na panliligaw mo, Zadkiel" sabi ko pa dito at nakatingin sa kanyang mata kaya nakita ko din ang pag-iba ng kanyang ekspresyon.

"Ayoko" sabi niya pa.

"Tigilan mo na nga kasi" sabi ko pa dito sa kanya. Nagbabago din ang ekspresyon niya.

"Ayaw ko nga kasi" sabi niya pa.

"Zadkiel" mas sumeryoso ang aking tinig at nakita ko namang tumulo ang isang butil ng luha galing sa kanyang mata kaya nataranta ako.

"Hala, bakit ka umiiyak?" may pag aalala ko ding sabi.

"Sabi mo tigilan ko na panliligaw ko sayo" sabi niya pa sa akin at napayuko at nakita ko ang pag pahid niya sa kanyang mga luha.

"Tigilan mo na nga kasi eh" sabi ko pa at mas pinunasan pa niya ang kanyang mga luha.

"Tigilan mo na nga kasi, ayaw mo nun? Tigilan mo na panliligaw mo edi magiging boyfriend na kita" sabi ko pa sakanya. At napatingin din siya sa akin.

"Ha?" napiyok niya pang sabi sa akin.

"Hindi po ako unli na tao kaya one time ko lang po yon sasabihin" sabi ko pa sakanya.

He suddenly hugged me tight, mas mahigpit pa sa mas mahigpit kaya napasabi nalang ako ng..

"Sandali hindi ako makahinga" sabi ko pa sakanya kaya napabitaw din siya. "Hindi ko naman pala akalain na uhugin at sadboy ka pala eh" sabi ko pa.

"Hindi ako sadboy sadyang gusto lang talaga kita" sabi niya pa kaya ako naman ang napatulala dahil doon.

He's very consistent noong una palang talaga noong sinabi niyang liligawan niya ako. At sana hindi magbago iyon.




on the leash Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon