Chapter 28

18.8K 594 193
                                    

Simula nang magtalo kami ni Francis sa fiesta sa bayan ng San Mariano ay hindi na niya ako pinapayagang lumabas dito sa loob ng bahay. Pareho kaming galit at may alitan sa isa't-isa at hindi ko na magagawang magsorry dahil wala naman akong ginawang masama para magalit siya sa akin.

Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa pagkatao ko. Wala akong maalala kahit isang ala-ala noong kabataan ko. Basta't nagising nalang akong nasa ospital ako pagkatapos ng aksidenteng nangyari sa amin tatlong taon na ang nakakalipas.

Hindi man ako kumikibo o madalas na magtanong kina Francis o Kuya Jeddaih ay hindi naman ako tanga o manhid katulad ng iniisip nila.

Alam kong may itinatago sila sa akin at aalamin ko iyon.

Dahil nasa loob lang naman ako ng bahay ay naisipan ko na lang na maglampaso ng sahig namin. Nasa trabaho pa ngayon sa talyer si Francis at sinabi niyang gagabihin raw siya ng uwi dahil mag-oovertime sila ni Goyong na pandagdag kita rin ngayong araw.

Mas mabuti nang gabihin siya ng uwi dahil kung magkakasama lang kami sa loob ng bahay ng maaga pa ay baka mag-away at magkasagutan na naman kami.

Pagkatapos kong maglampaso ng sahig ay nagpahinga muna ako saglit saka naligo at nagbihis ng damit. Nang matapos na ako ay kaagad akong dumiretso sa maliit naming sala at nagbasa nalang ng english novel book ni Nora Roberts na may title na Stars of Fortune.

Habang nagbabasa ako ay nakarinig ako ng pagkatok sa gate mula sa labas ng bahay namin kaya sinara ko muna ang binabasa kong libro at tinungo ang labas para tignan kung sino ang dumating.

Napangiti ako nang makita si Cesar na nakangiti rin sa akin. Kaagad ko naman siyang pinapasok sa loob ng bahay namin.

"Bakit pala nandito ka pa? Hindi ka sumama kila Kuya Jeddaih sa Maynila?" tanong ko kay Cesar pagkaupo niya sa luma naming sofa.

"Oo, e. Dinalaw ko 'yung mga magulang ko sa kabilang baryo. Bukas pa ako uuwi ng Maynila." sagot naman ni Cesar.

"Ganon ba. Gusto mo ba ng juice o snacks?"

"Tubig na lang." nakangiting niyang sabi.

Tumango naman ako at nagpunta sa kusina para kumuha ng isang basong tubig. Nang makabalik na ako sa sala ay inabot ko na kay Cesar ang isang basong tubig at kaagad niya itong ininom. Umupo naman ako sa tabi niya.

"Nag-away ba kayo ni Francis? Nung nandito kami noong isang araw ay hindi kayo nagpapansinan." tanong ni Cesar ng inilapag nito sa lamesa ang baso ng tubig niyang wala nang laman.

Bumuntong-hininga ako. "Nag-away nga kami. Nagselos na naman siya noong nagpunta kami ni Gelyn sa fiesta sa bayan ng San Mariano. Nagkasagutan kami dahil sa mga lalakeng tumitingin sa akin sa fiesta pati na rin 'yung pagkakakilala namin ni Governor Sandoval ay pinagselosan niya rin." sabi ko at napailing nalang.

"Masaya ka ba kay Francis, Aliyah?"

Napahinto naman ako sa tanong ni Cesar.

Masaya nga ba ako kay Francis? Masaya naman ako dahil asawa ko siya at alam kong mahal na mahal niya ako pero nasasakal na rin ako masyado sa sobrang pagiging possessive at mahigpit niya sa akin na kahit kaunting kalayaan ko ay hindi pa niya maibigay.

Alam kong over-protective lang siya dahil sa aksidenteng nangyari sa amin noon pero hindi ko naman pababayaan at hahayaan ang sarili kong mapahamak ulit. Sana ay may tiwala siya sa akin dahil hindi ko naman iyon sisirain.

"Hindi ako lubos na masaya sa kanya, Cesar lalo na sa sobrang paghihigpit niya sa akin." pag-amin ko.

Sumandal si Cesar sa head board ng sofa habang nakatitig ito ng mariin sa akin.

The Triplets AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon