Ni minsan sa buhay ko ay hindi ko inaasahan na magkakasama kaming lahat para lang sa dalawang araw na bakasyong ito. Nitong mga nakaraang linggo ay maraming mga nangyari na hindi ko inaasahan at ngayon nga ay patuloy pa rin itong nangyayari.
Nasa isa sa mga beach resort kami ngayon sa Subic, Zambales ng pamilya ko, ang triplets, sila Nikolai, Eiselle, Cristina at Noah. Sina Ahnwar at Ahzik ang nag-isip ng bakasyong ito at alam kong parte ito ng panliligaw stage nila sa akin.
Sabado ngayon at pareho kaming mga walang pasok sa eskuwelahan at trabaho. Nakasama rin sila Nikolai at ang mga kapatid niya rito dahil sinabi nina Ahnwar at Ahzik na pwede ko silang yayain sa bakasyon namin.
Hindi naman iyon natanggihan ng tatlong magkakapatid dahil gusto rin nilang makapagrelax muna mula sa pagkaabala nila sa kanilang eskuwela at trabaho.
Nasa may dagat kami ngayon at nakangiti kong pinagmamasdan sina Ahnwar at Ahzik na karga si Blair habang nagsu-swimming sila sa dagat. Kakaahon ko lang rin sa dagat at naisipan kong kuhanan sila ng litrato habang nakamasid ako sa kanila.
Sa pagdating nina Ahnwar at Ahzik sa buhay ko ay tila mas lalo pang naging makulay ang mundo ko bukod sa noong ipinanganak ko si Blair.
Napaka-rare sa mundong ito na makakita ng mga lalakeng katulad nila na hindi ka huhusgahan tungkol sa nakaraan mo at handa ka pa ring tanggapin ng mga ito.
Ano ba ang nagustuhan sa akin nina Ahnwar at Ahzik? Alam ko na maraming mga babae ang nagkakagusto sa kanila dahil sa angking kagwapuhan at tindig palang nila ay marami nang napapalingon sa kanila katulad nalang ng ibang mga turista dito sa beach resort kung nasaan kami.
Masyado nga talagang mahaba ang hair ko para mabihag sila sa alindog ko lols.
"Parang mga tunay na tatay na talaga sila ni Blair, oh?" Napalingon naman ako sa lalakeng tumabi sa akin dito sa may buhanginan.
Si Nikolai ito na nakangiti sa akin habang kumakain ng inihaw nilang barbecue nina Haru at Noah.
Napangiti naman ako sa sinabi niya at binaba saglit ang hawak kong cellphone. "Hindi ka pa maliligo?" tanong ko.
"Mamaya na. Masyado pang tirik ang araw at baka masunog lang ang balat ko at magka sunburn pa ako." sabi niya na akala mo'y isang mayamang maarteng babae.
"Ang arte naman nito e, balat kargador ka nga!" pang-aasar ko sa kanya.
Pabiro naman niya akong inirapan na ikinatawa ko nalang.
Napapansin ko ang iilang mga babaeng turista na nagsu-swimming rin na napapalingon sa direksyon namin at alam kong si Nikolai ang tinitignan nila.
Kahit dito rin pala ay nakaw-atensyon pa rin siya. Kung ang triplets ay may pagkabanyaga ang itsura, si Nikolai naman ay may asian vibes look katulad ko. Mukha itong koreano dahil sa medyo bagsak na style ng buhok niya; maputi at chinito rin ito.
Maraming nagsasabi sa kanya na kamukha niya ang korean actor na si Jung Jinyoung at agree naman ako doon. Boy Next Door ang datingan ni Nikolai pero in a manly way pa rin.
Biglang lumingon sa amin sina Ahnwar at Ahzik kaya kinawayan ko sila. Kumaway rin sila pabalik sa akin at ang katabi kong si Nikolai ay kinawayan rin sila. Natatawa namang kumaway ang magkapatid kay Nikolai at pati si Blair ay ginaya na rin sila sa pagkaway.
"Kitams? Close na close talaga kami niyang sina Sir Ahnwar at Ahzik kahit umamin sila na pinagseselosan nila ako dahil nga mas matagal na kitang kakilala kaysa sa kanila." banggit ni Nikolai na ikinagulat ko.
"Talaga? Nagseselos sila sa'yo?" tanong ko.
Tumango naman siya matapos maubos ang kinakain niyang barbecue at pinaglaruan ang stick nito.

BINABASA MO ANG
The Triplets Addiction
RomanceJianna also known as Adi is a single mother who became pregnant at the age of 16. Dahil tinakbuhan ng ex-boyfriend niya ang responsibilidad nito bilang ama ni Blair ay mag-isa niyang itinaguyod at pinalaki ang kaniyang anak sa tulong na rin ng ina a...