Chapter 33

21K 603 202
                                    

Dedicated to alliah0104

"Ate Adi, hindi talaga namin inaasahan na gagawin sa'yo 'yon ni Kuya Nikolai. Kahit kami nina Mama at Papa ay hindi maintindihan kung paano niya 'yon nagawa sa'yo. Alam naming matagal ka na niyang gusto pero hindi namin naisip na aabot sa puntong kikidnappin ka niya." umiiyak na sambit ni Eiselle na nasa harapan ko habang nakaalalay sa kanya si Haru na pinapatahan naman siya.

"Bad influence lang siguro kay kuya ang mga naging bagong kaibigan niya. Hindi niya 'yon magagawa sa'yo, Ate Adi kung hindi niya nakilala ang kapatid mo at ang grupo nila." sabi naman ni Cristina na nasa tabi ni Noah.

Inosente ang mga babaeng kapatid ni Nikolai at wala rin silang alam sa balak sa akin noon ng kapatid nila. Maging pati ako ay nasasaktan rin ngayong nakikita ko na mas nasasaktan sila sa ginawa sa akin ni Nikolai.

Hindi ko maintindihan si Nikolai, hindi man lang ba niya naisip ang pamilya niya bago niya ako balaking dukutin at itago sa San Mariano? Sa nakikita ko ay mapagmahal na kapatid sina Eiselle at Cristina sa kanya.

"Ganoon na talaga siguro ang nagawa ng pagmamahal ng Kuya Nikolai niyo sa akin. Wala kayong kasalanan sa ginawa niya." mariin kong sabi at kahit papaano'y medyo kumalma na rin sa pag-iyak sina Eiselle at Cristina dahil sa sinabi ko.

"Sorry talaga, Ate Adi. Pupunta kami bukas sa San Mariano kasama sina Mama at Papa para tignan doon ang kalagayan ni Kuya Nikolai. Kung nabugbog man siya ni Kuya Ahnwar ay naiintindihan namin 'yon dahil sa laki ng kasalanang nagawa niya sa inyo." ani Eiselle.

Sinabi sa akin ni Ahzik na noong mismong araw na umalis kami sa probinsya ng San Mariano ay binugbog raw ni Ahnwar si Nikolai at napuruhan ito ng todo.

Hindi ko masisisi si Ahnwar kung bakit niya nagawa iyon kay Nikolai ngunit sana sa susunod ay hindi na niya daanin pa sa dahas ang galit na nararamdaman niya kay Nikolai.

"He deserves that. Your brother is an asshole." malamig na sabi ni Ahzik kaya tinignan ko siya nang may pagmamakaawa. Umiling lang siya do'n at nanahimik na.

"Kahit ilang beses pa kaming humingi ng tawad ay hindi na maibabalik pa nun ang mga panahong nawalay ka sa pamilya mo, Ate Adi. Ang magagawa nalang namin ngayon ay ang mapagbayaran ni Kuya Nikolai ang mga nagawa niya sa'yo." si Cristina habang nagpupunas ito ng kanyang luha.

"Huwag niyo nang alalahanin 'yon, Eiselle at Cristina. Hindi ko pa mapapatawad sa ngayon si Nikolai pero panahon nalang siguro ang makakapagdesisyon kung mapapatawad ko pa nga ba siya o hindi na." sabi ko na ikinatango naman nina Eiselle at Cristina.

Pagkatapos naming mag-usap ay inihatid na nina Haru at Noah sina Eiselle at Cristina pauwi ng bahay nila. Luluwas na rin sila bukas kasama ang mga magulang nila sa San Mariano para tignan ang kalagayan ni Nikolai doon.

Kanina ay tinignan ng Private Doctor ng pamilya Dela Vega ang kondisyon ko. Sasailalim ako sa Psychotherapy o Cognitive Behavioral Therapy para makatulong ito sa pagbabalik ng ala-ala ko. Mabait si Doctor Salcedo na nagcheck ng kondisyon ko. Nasa thirties na ang edad nito at mukhang kaedad lang ni Ahzik dahil sa medyo kabataan nitong itsura.

"We're going to shopping? Yehey!"

Napangiti naman kami ni Ahzik sa excited na tugon ni Blair nang sunduin namin siya mula sa pinapasukan niyang Elementary Private School. Grade 2 na ito ngayong pasukan.

"It's our first time na magshopping na kasama ang Mama Jianna Adi mo, Blair kaya dapat ay magpakabait ka at 'wag maging makulit, okay?" paalala ni Ahzik kay Blair.

Likas na yata ang pagiging malambing ni Blair dahil panay ang yakap nito sa akin habang nakaupo kaming dalawa sa front seat at kandong ko siya. Si Ahzik naman ang nagmamaneho sa driver's seat.

The Triplets AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon