Chapter 17

23.8K 882 273
                                    

Dedicated to joandapulano
Happy birthday to you!

Hanggang ngayon ay hindi pa rin gaanong maiproseso ng utak ko ang mga nalaman ko isang linggo na ang nakakalipas. Kung joke lang sana ito ay dapat tumatawa na ako pero hindi dahil umamin na sa akin mismo si Neymar, ang dating matalik kong kaibigan noon na hindi ko alam na magiging kasabwat pala ni Leigh para sirain ang buhay ko.

Kinalimutan ko na ang lahat ng masasaya naming alaala noon ni Neymar. Ngayon ay itinuturing ko na siyang parang hindi ko kilala dahil mas napalapit na siya kay Leigh at alam kong kinalimutan na rin niya ako. Hindi ko alam kung bakit sa isang iglap lang ay biglang nagbago ang pakikitungo niya sa akin at ngayon nga nasusuklam na rin ako sa kanya.

Papaano niya ito nagawa sa akin? Ni minsan ba ay hindi niya talaga ako itinuring na kaibigan man lang noon para magawa niya ang bagay na ito?

At ang tungkol kay Durhin, kahit anong pilit ko palang kalimutan ang nakaraan ko sa kanya ay maaalala ko pa rin iyon. At ang Durhin na nakilala ko noon limang taon na ang nakakalipas ay si Ahmed pala na mukhang hindi maalala ang nakaraan namin.

Pero bakit? Nagka-amnesia ba siya kaya hindi niya ako maalala kahit noong unang beses kaming nagkakilala?

Hindi ko alam kung paano niya nalaman na siya ang tunay na ama ni Blair. Masyadong tahimik at malihim si Ahmed pero gumagawa na pala ito ng hakbang para alamin ang katotohanan.

Kaya pala. Kaya pala noong una ko pa lang siyang makita ay tila pamilyar siya sa akin lalo na sa kulay abuhing-bughaw niyang mga mata at sa boses niya noong unang beses ko siyang marinig kumanta.

Hindi pa gaanong malalim ang boses niya limang taon na ang nakakalipas pero ngayon ay sobrang lalim na nito na hindi ko man lang napansin na siya si Durhin na nakilala ko na noon pa man.

Kaharap namin ng pamilya ko ang pamilya ni Ahmed at maging pati sila ay hindi rin makapaniwala sa mga nalaman nila. Kasama namin ngayon si Neymar na inamin ang lahat ng mga naging kasalanan nila ni Leigh sa amin ni Ahmed.

Kitang-kita ko ang pagpipigil ng galit nina Ahnwar at Ahzik kay Neymar. Nasuntok na nila si Neymar isang linggo na ang nakakalipas pagkatapos rin nilang mabugbog si Leigh.

Bugbog-sarado na naman si Leigh na nasa ospital ngayon kasama ang kapatid niyang si Laarni at ang mga magulang niya. Hindi pa ito nakakalabas ng ospital dahil sa lala ng tama ng pambubugbog sa kanya ng triplets.

Sobra akong namumuhi at nagagalit kay Leigh. Napakasama niya para sirain ang buhay namin ni Ahmed!

"Pigilan mo ako, Ahzik. Hangga't nakikita ko ang pagmumukha ng lalakeng 'yan ay baka hindi na ako makapagpigil at mabugbog ko rin siya katulad ng ginawa natin sa tarantadong Leigh na 'yon." madiin at may pagbabantang sabi ni Ahnwar habang nakatingin ito ng masama kay Neymar na kanina pa nakayuko.

"I'm trying my best, bro. I'm calm unlike you but I can beat him again on the spot if I lose my patience here." seryoso at malamig namang sabi ni Ahzik na nakatitig rin ng masama kay Neymar.

Bumuntong-hininga nalang sina Tita Rica at Tito Trevor dahil doon. Humarap naman ang mag-asawa kay Ahmed na kanina pa karga si Blair at halos ayaw na itong bitawan.

Nakikita naming magkamukhang-magkamukha pala talaga sina Ahmed at Blair. Nakuha ni Blair ang gray eyes na kulay ng kanyang mga mata sa German ancestor ng pamilya Dela Vega na may lahing German samantalang nakuha naman ni Ahmed ang kulay ng kanyang mga mata kay Tita Rica.

Kahit saang anggulong tignan ay nakuha lahat ni Blair ang itsura ni Ahmed. Kamukha rin ni Blair si Leigh ngunit ngayon ko lang napansin na mas kamukha pala talaga niya si Ahmed.

The Triplets AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon