Chapter 21

25.1K 709 300
                                    

Ngayon ay kasama ko si Nikolai at nandito ako ngayon sa bahay nila. Hindi pa umuuwi galing sa klase nila sina Eiselle at Cristina at baka raw gabihin pa ng uwi ang mga ito dahil sa project na ginagawa nila sa school nila.

Si Nikolai naman ay day-off ngayon sa pasok nito sa trabaho niya kaya ngayon ay may libre siyang oras para makausap at makasama ako. Sinabi ko na rin sa kanya ang lahat ng mga kaganapan sa buhay ko at pati na rin na sinagot ko na sina Ahnwar at Ahzik mula sa panliligaw nila sa akin.

"Ayos lang ba kay Sir Ahmed na jowa mo na 'yung dalawang kapatid niya?" tanong ni Nikolai habang abala kami sa pagkain ng halo-halo na nabili niya sa labas lang ng bahay nila.

"Ayos lang naman siguro. Hindi niya ako kinakausap tungkol doon saka 'yon nga, may sarili na kaming kwarto ni Blair at doon na lang namin inilagay ang mga furnitures na binili namin sa mall." sabi ko naman habang kumakain rin ng halo-halo.

Inamin ko na kay Ahmed na boyfriend ko na sina Ahnwar at Ahzik. Wala siyang naging opinyon doon at tumango lang ito sa sinabi ko.

Hindi na rin niya ininsists na dapat ay nasa iisang kwarto kami matulog kasama si Blair. Siguro ay dahil sa pagrespeto na rin niya sa nararamdaman ng mga kapatid niya dahil girlfriend na ako ng mga ito.

"Naiintindihan ko si Sir Ahmed kung bakit gusto niyang makasama kayo ni Blair sa iisang kwarto. Siguro ay gusto niya lang na makabawi o maka catch-up sa inyo dahil mag-ina niya kayo." kibit-balikat na sabi ni Nikolai at doon ay bumuntong-hininga ako.

Hindi ko maamin kay Nikolai na may nararamdaman na rin ako para kay Ahmed. Para kasing hindi pa tamang panahon na aminin ko iyon sa ibang tao lalo na't boyfriend ko na sina Ahnwar at Ahzik.

May nararamdaman rin naman ako para sa dalawa pero sa tingin ko ay mas malakas itong nararamdaman ko para kay Ahmed at kailangan ko na siguro itong mapigilan bago pa mahuli ang lahat.

Hindi ko pwedeng bigyan ng ibang malisya ang pagiging mabait at concern niya sa akin. Ginagawa niya lang ito para sa aming dalawa ni Blair dahil mag-ina niya kami pero kaming dalawa ay walang kahit anong romantic relationship para sa isa't-isa.

At isa pa ay alam ko namang wala siyang gusto sa akin sa una palang dahil sa pagiging masungit at cold na trato niya sa akin noon. Iba na ang Durhin na nakilala ko noon sa Ahmed na nakilala ko ngayon.

Nahihiya pa rin ako sa tuwing naaalala ko iyong nadatnan niya akong umiiyak sa may loob ng cr ng sinehan pero hindi ko pa rin makakalimutan nung kinantahan niya ako ng kantang Nothing's Gonna Change My Love for You ni George Benson na parang sa akin talaga ang mensahe ng kantang iyon pero ayoko na munang mag-assume at umasa sa wala ngayon.

"Siguro nga," tangi kong nasabi kay Nikolai.

Pagkatapos naming kumain ng halo-halo ay humilig siya sa sofa at pinagmasdan ako.

"Gumaganda ka lalo. Halatang inspired ka dahil may jowa ka na." nakangiti niyang sabi kaya pabiro ko siyang inirapan.

"Lagi naman akong maganda, no! Ikaw ba, may nililigawan ka na ba ngayon, ha?" nang-uusisa kong tanong.

"Wala. Sa tingin mo ba magkakaroon pa ako ng oras sa pagdi-date dahil sa graveyard shift kong schedule? Isang araw nga lang 'tong day-off ko ngayon dahil bukas ay ililipat na ako caption call. Hays! Panibagong stress na naman ang kahahantungan ko." humikab siya habang hinihilot nito ang noo niya.

"Workaholic ka talaga, Nikolai. Kaya wala ka pang girlfriend, e. Hindi ba pwedeng maghanap ka nalang ng ibang trabaho na hindi naiiba ang oras ng pasok mo? Palagi ka pang puyat at hindi na makatulog ng sapat." nag-aalala kong tanong.

"Aalis din naman ako sa pagiging agent. Kailangan ko lang talaga ng malaking kita para mabayaran ko 'yong hinuhulugan kong motor. Minsan ay nagagamit ko rin naman 'yung motor ko para ihatid at sunduin sina Eiselle at Cristina sa school nila." sabi niya.

The Triplets AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon