THEY said it's fun when the family is complete .. well maybe to them yes but not to me. Yes, my family is complete but I feel like air to them.but even so, I can. Because I know the time will come when they will love me too, not today but maybe tomorrow or the next day. Just be confident, I can do it!
"Iha, good morning.” Nagising ako mula sa malalim na pag iisip ng may nag salita sa aking tabi. I looked at manang rosa.
“ Manang, na saan sila mom and dad?” I asked while smiling. It's 7:00 in the morning at dapat ganitong oras ay nag aalmusal na sila. where are they?
“A-ah, iha. Kanina pa po sila umalis eh. May pupuntahan daw sila.” Ang na paka ganda kung ngiti kanina ay bigla na lang nabura. hay! why am I not used to it yet? I faked a smile.
“Ah.. Ganun ba manang? Sige manang una na po ako ha? Ma la-late na po kasi ako eh.” Ngumiti ako kahit peke at inayus ang sarili ko.
“Hindi ka ba muna mag aalmusal iha?” Ngumiti ako at umiling. Siguro kakain na lang ako kapag nasa mood na'ko ulit.
“ Hindi na po manang, sa school na lang po siguro.” Ngumiti siya at tumango- tango. Humalik ako sa kaniya'ng pisngi at nag paalam ng umalis.
“Mag iingat ka iha!” Sigaw ni manang ng makalabas ako ng gate. Ngumiti ako at kinawayan siya pa balik.
Ngayun mag isa na naman ako. Hayy! Nag tataka siguro kayo kung bakit ako nag lalakad kung gayung mayaman naman ako, dahil siguro ayuko lang. Ayuko lang kasing maka istorbo sa kanila. Nag lalakad na ako ngayun sa may palikuan pa puntang school, kung saan ako nag aaral.
“Koe!” Na pa tingin ako sa likod ko ng marinig ko ang sigaw na yun. Duon ko nakita si lily na tumatakbo papalapit sa akin.
Tumigil ako sa pag lalakad at hinintay siyang makalapit sa akin. Ano pa bang ginagawa niya dito? Akala ko ba nauna na siya? Hayyy! Nako itong pinsan kung ito talaga oh!
Tinagilid ko ang aking ulo para tignan siya. Na kahawak siya ngayun sa kaniyang tuhod habang malalim ang pag hinga.
“ Bakit?” Tanung ko sa kaniya. Bumuntong hininga siya at pinunasan ang pawis na nasa kaniyang nuo.
“Wala, bakit hindi na ba pwedeng sumabay sayo ngayun?” Ngumiti ako at umiling. Hindi naman.
“Hayy! Tayo na nga at baka dahil sa kadadada natin dito ay ma late pa tayo.” Hindi na ako umangal pa at sumunod na lang. Ipinag patuloy na namin ang pag lalakad.
Ilang minuto rin ang lumipas bago namin narating ang lenford university. Huminto ako sa tapat ng gate at malalim na bumuntong hininga.
Ano na naman kaya'ng sakit ang ma raramdaman ko ngayung araw? Hayy!
“Huyy! Koe ano pa bang ginagawa mo diyan? Tara na ma lalate na tayo!” Sigaw ni lily, na hindi ko namalayan na kanina pa pala naka pasok sa loob ng university.
“Sanadalii lang! Pa punta na diyan.” Saad ko at tumakbo pa palapit sa kinaroroonan niya. Ano bayan na paka excited naman nito oh!
Habang nag lalakad kami pa punta sa room namin, ay hindi pina lagpas ng aking tenga ang mga pag bati nila saakin o saaming dalawa ng pinsan ko. Ngumiti ako at binati rin sila pa balik.
Hindi naman sa pag mamayabang ha? Pero masasabi kung medyo sikat ako dito sa lenford university. Kung tatanungin niyo kung bakit ako sikat dito ay hindi ko rin alam. Basta pag ka gising ko na lang ay boomm! Ganito na ang nangyari.
“Hayy! Ang ganda ko talaga cous! Sa sobrang ganda ko lahat sila na papatingin! ” Napa ngiwi ako dahil sa ka hanginan ng isang to. Diyos ko lord, bakit niyo po ba ako binigyan ng ganitong pinsan?! Mabait naman po ako diba?
“Heh! Tigilan mo nga ako sa kalukuhan mo lily. Ang sabihin mo kaya sila na papatingin satin dahil sa akin, dahil sa ganda ko.” Nginitian ko siya at tinabig ang buhok ko na nakalagay sa braso ko. Haba kaya ng hair ko. Dayy! Nag rejoice kaya to.
Ngumuso siya at inirapan ako. O'diba hindi siya nakapalag. Tsk! Ako lang to ang pinaka maganda sa aming dalawa.
“Hindi yan totoo! Ako ang maganda sa ating dalawa.” Hay! ang kulit talaga nito. Gusto pang lumaban.
“ Yan ang hindi totoo! Sa ating dalawa ako lang ang nag mana sa ganda ng pa mana ng dugo ng angkan natin!” Sa aming dalawa mas lamang ako. Duh! Alagang bello kaya toh!
“Sina sabi mo ba'ng panget ako!?” Napa hawak ako sa aking bibig, na para bang na bigla ako sa aking na rinig.
“Ay dayy! Hindi ako nag sabi niyan, ikaw.”
Na patawa ako ng makita ko ang mukha ni lily. Lukot ito at parang iiyak na. Wawa man HAHA. Oh god!
Na pa tingin ako sa pinto na nasa harapan namin. Oh! Nandito na pala kami. Tumingin ako kay lily na ngayun ay lukot pa rin ang mukha.
“Hay nako! Pumasok na tayu at pwede ba? Move on rin pag may time. ” Saad ko at binuksan ang pinto. Akala ko tatahimik na si lily pero hindi pala.
“ Hindi! Hindi ko ma kakalimutan ang sinabi mo sakin!” Sigaw niya sa akin. Huli na ng pigilan ko pa siyang wag mag ingay.
“lily!”
Malakas na sigaw ko. Nanlaki ang mga mata ko habang naka tingin sa professor na nasa harapan namin ngayun. Oh god! Patay kami nito!
Tumingin ako kay lily na ngayun ay naka tulala sa harapan namin. Ba't kasi ang lakas ng boses nito ayan tuloy.
“A-ah, Good m-morning Prof. ” utal-utal na pag bati ni lily kay professor jack. Awkward akong napa ngiti. Parang may babagsak ngayung quarter na toh ah.
“Anong maganda sa umaga kung kayo ang bubungad sa akin!” Na pitlag ako ng sumigaw si Prof. Grabe naman Sir parang sinasabi niya na ampanget ning pambungad. Duh! Di rin naman nga siya ka gwapohan!
“Hehe, sir naman. Lakas niyo po makabiro.” saad ko at di sina sadyang na palo ko siya sa braso.
Nanlaki ang mata ko ng napagtanto ko ang nagawa ko. Nagulat rin pati ang mga tao sa loob ng room namin.
Tumingin ako kay prof. Napakurot ako sa aking kamay ng makita ko ang mukha ni prof jack. Namumula ito sa galit at parang sasabog na bulkan.
‘parang ako yata ang babagsak ngayung quarter na'to.’
“S-sorry po pro—” Na putol ang aking sasabihin ng sumabat sa akin si prof jack.
“You too! Get out now!” Malakas niyang sigaw sa amin. Na pa punas ako sa aking mukha ng tumalsik ang laway ni prof ng sumigaw siya. Jusko naman, pwede naman mag salita ng walang talsikan ng laway eh!
“P-pero prof jack n-nasa labas na po kami eh!” Dahil sa sinabi kung 'iyon ay nag sipag tawanan ang mga tao sa loob ng room. May na kakatawa ba sa sinabi ko? Wala naman ah.
“ K-kayung dalawa! Alis!” Sigaw ni prof jack at pilit kaming itinataboy.
“Pero prof—” Na putol ang aking sinabi ng pag bagsak niya kaming sinaraduhan ng pinto. Ayy! Galit?
Nag katinginan kami ni lily at sabay kaming napa ngiti. Well.. Pina aalis rin naman kami ni prof at hindi naman masasabing nag cutting kami kung mag lalakad-lakad kami diba?
“Liliy, na iisip mo ba ang na iisip ko?” Tanung ko sa kaniya habang nag taas- baba ang aking kilay.
“Uhm, syempre.. Hindi! Tanga. Hindi naman magka ugnay ang utak natin eh!” Na pa tampal naman ako sa nuo ng marinig ko ang sagut niya. Eh bakit pa siya ngumiti kanina?
“Diyos ko naman lily!” Kahit kailan talaga na paka slow talaga nito.
“Ano ba kasi yun!?” Sigaw ni lily na pilit na humahabol sa akin sa pag lalakad.
“Wala! Bahala ka sa buhay mo!” Saad ko at lumakad na papalayu.
Hayy! Kahit ganyan siya. Siya parin ang cousin ko. Ang pinsan kung minsan ng nag pasaya sa buhay ko. Buhay kung minsan ko nang gustung sukuan.
BINABASA MO ANG
Dear Tyler
Romance"Ang pagmamahal ay parang mahika. Hindi mo ito makikita kung hindi ka maniniwala." - Khloe