Chapter 6:

16 17 0
                                    


Khloe's Pov's:

Narating ko ang School na ang aga pa. Pumunta ako sa room at wala akong nakita kahit isang kaklase ko. Dumeretso ako sa pinaka dulo at umupo duon. Tinignan ko ang akin relo at nakita kong sobrang na pa aga ang pag dating ko. Alas sais palang at ang una naming klase ay alas syete pa. Tumayo ako at lumabas upang tumungo sa garden ng school. Duon muna ako habang wala pa sila Lily. Tinext ko na din sila at maya- maya ay darating na sila.

Habang pa punta duon ay na pa hinto ako sa isang sulok. Naka rinig ako ng ingay kaya naman tinigna ko ito. Nakita ko ang isang grupo ng estudyante na nag aaway. Nakita kong pinag sa sampal ng isang babae iyong babaeng nakaluhod. Lumapit ako ng kunti at duon ko nakita ang may gawa ng gulo. Si Eunice..

Hindi ko na kinaya ang mga nakita ko at lumapit nako, bahala na.

"I-itigil niyo yan!" Kinakabahan pero na sabi ko parin ang mga katagang yun. Nakita kong lahat sila ay tumingin sakin.

" Istorbo, mukhang naligaw ka khloe." Lumapit sa akin si Eunice.

"Alam mo masyado ka talagang pakialamera ano?" Na pa atras Ako sa uri ng titig na ibinibigay niya. 

"Pwede bang itigil niyo na yan nasasaktan na ang babae dahil sainyo." Umirap si Eunice at tumawa.

"Patawa ka talaga no? Gusto mo ikaw sumunod dito kung hindi ka aalis." Natatakot ako pero hindi ko pwedeng iwan na lang ang babaeng yun.

"Sige kung magagawa mong saktan ako. Alam naman natin Eunice na kapag ako sinaktan mo  makakarating agad to sa kaniya." Hindi ko alam kung saan nang galing ang lakas ng loob kong sumagot sa kaniya. Nakita kong nanggigil siya.

"Kung hindi lang sa kaniya ay matagal na kitang nasaktan, pasalamat ka." Nakita kong nakakuyom ang mga kamay niya at bigla na lang tumalikod sumunod din ang mga kasama niya. Binangga pa nila ang balikat ko.

Napahawak ako sa dibdib ko kinabahan ako dun ah, hindi ko aakalain na kakagat siya sa rason ko hanggang ngayun ay takot parin siya sa kaniya. Mabuti na lang, lumapit ako sa babae at dahan- dahan siyang tinulungan.

"Ayus ka lang ba?" Umupo kami sa malapit na tumbang kahoy.

"Oo, maraming salamat sa pag tulong mo sakin." Ngumiti ako sa kaniya.

"Ayus lang" inalok ko siyang na umalis na duon. Hinatid ko siya sa clinic upang mapa gamit niya ang sugat na natamo niya.

Pumunta na ako ng room. Muntik na akong ma late ng malimutan ko na may klase pa pala ako. Pag dating ko duon ay nakita ko na naruon na si lily.

"Hoy ate ko! Saan ka galing ha? Kanina pako dito nag hihintay sayo." Ngumiti lang ako at tumabi sa kaniya. Kweninto ko rin sa kaniya ang nangyare kanina.

"Mabuti na lang at takot parin ang pinsan natin at kung hindi patay ka talagang bata ka. Kung ano- ano ang pina pasok mo."

Ngumiti na lang ako at tumuon na ang atensyon sa unahan ng dumating na ang guro namin. Mabilis na lumipas ang oras. Inaya ko na si lily at shan sa canteen upang Kumain. Habang masaya kaming kumakain ay bigla na lang dumating ang grupo nina Tyler. Naging tahimik panandalian ang canteen ngunit bumalik rin naman ng makaupo sila. Hindi ko maiwasan na hindi siya tignan. Hindi pa rin nag babago ang itsura niya.

"Tara na bumalik na tayo." Tumayo kami at sabay na nag lakad pabalik. Nag paalam na si shan ng madaanan namin ang classroom nila.

"Pe pala ang subject natin ngayun." Oo nga pala. Kinuha namin ang pe uniform sa locker at pumunta sa cr upang mag bihis.

Nang matapos ay agad kaming pumunta sa field kung saan nanduon na ang lahat. Nakita kong mayroong ibang section. Ang section nina Tyler at nanduon rin si Eunice.

'Parang iba ang pakiramdam ko sa mangyayare ngayun ah.'

Lahat ay nag tipon sa gitna. Napa tingin ako sa ibang section. Sana naman maging maayus ang pe namin ngayun.

"Listen all of you! Ngayun dalawa kayong section na mag lalaban. Ang larong lalaruin natin ay volleyball. Ngayun pumili na kayo ng mag lalaro! We will start in 5 minutes."

Pumili na nga sila na mag lalaro at malas naman ng makasaki ako ruon. Marunong ako pero hindi marunong na marunong. Tinawag na ni ma'am ang mga kasali at napalunok ako ng makita kong kasali si Eunice. Namamalikmata lang ba ako o nakita kong ngumisi si Eunice?

Nag simula ang laro ng maayos. Ipinasa ng kaklase ko ang bola saakin at sinalo ko naman ito. Nag tuloy- tuloy ang laro. Nakita ko na papaluin ni Eunice yung bola at nakita ko pang ngumisi siya. Hindi ko na malayan na saakin pala papunta ang bola at hindi ko na ito naiwasan.

"Khloe!"

Tumama ito saakin at napahiga ako. Nakita kong lahat sila ay naka palibot sakin. Urgh! Ang sakit! Tumingin ako kay Eunice.

"I'm sorry khloe! Napa lakas ata ang pag palo ko." Ngumisi siya. Alam kong sinadya niya ito. Tinulungan akong tumayo ni lily.

"Are you okay khloe?" Tumango ako kay ma'am. Tumingin ako sa paligid ko at nakita kong naka tingin sakin si Tyler. Wala man lang akong nakita na kahit isang emosyon sa kaniya.

"Sige na dalhin mo na lily si khloe sa clinic." Tumango si lily at tinulungan akong maglakad pa puntang clinic.

"Sinasabi ko na nga ba! Yung babaitang yun talaga walang magawang maganda sa buhay!" Nakita kong galit na galit si lily. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Hayaan mo na siya lily." Tumaas ang kilay niya at tinulungan akong umupo. Nandito na pala kami sa clinic.

"Anong hayaan? Seriously? Patay talaga siya kapag nakarating to sa kaniya." Umiling na lang ako at humiga dahil kanina pa ako nahihilo sumasakit rin ang ulo ko. Siguro sa pag kakatumba ko ito.

"Anong nangyare sa kaniya?" Narinig kong tanong ng school nurse.

" Natamaan pong bola sa ulo." Hinayaan ko na lang sila at natulog na lang. Ilang oras rin akong nakatulog at pag gising ko ay uwian na. Tumayo ako para sana hanapin si lily pero bago pa man ako maka tayo ng tuluyan ay dumating na siya.

"Tara na uwian na heto na pala ang bag mo kinuha ko na." Kinuha ko ang bag ko sa kaniya at tumayo upang umuwi.

Narating namin ang gate. Nauna na pala si shan dahil may lakad pa daw siya. Nag paalam na si Lily na mauuna na siya. Kumaway ako sa kaniya hanggang tuluyan na siyang makaalis. Mag lalakad na sana ako ng makita ko ang isang pigura ng isang tao. Lumapit ako dito. Hindi naman masamang kausapin ko siya no?

"Hi, uuwi kana?" Tumingin sa sakin at hindi man lang umimik.

"Pwedeng sumabay sayo? Parehas lang naman ang daan pauwi sa bahay natin." Hindi man lang siya kumibo o tumingin sakin. Ayus lang yan Khloe. Kakausapin ka rin niyan.

"Alam mo ba kanina habang nag lalaro tayo, nakita kita. Ang galing mo palang mag laro ng basketball saan mo yun natutuna— " Hindi ko man lang natapos ang sinasabi ko ng mag salita siya.

"Will you shut up? Ang ingay mo at pwede ba ayaw kitang kasabay." Natigilan ako sa pag lalakad. Tinignan ko ang likod niyang papalayo sakin. Siguro nga masakit parin. Hihintayin kong kausapin mo rin ako Tyler, hindi ako mapapagod na hintayin yun.

Dear TylerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon