Lumipas ng mabilis ang oras at ngayun ay hapun na. Nag hahanda na ako ngayun para umuwi ng bahay."Koe, deretso kana ba uwi sa bahay niyo?" Tumango ako at isinalansan ang mga gamit ko.
"Bakit nga pala." Tumingin ako sa kaniya ng matapos ko ang aking ginagawa.
"Ah, aayain ka sana namin. Ma mamasyal tayu sa isang park malapit dito sa school." Saad niya at isinukbit ang bag sa kaniyang balikat.
Na pa isip ako. Pano kung sumama ako? Di naman siguro ako ma papagalitan- ayy! Oo nga pala. Wala namang magagalit.
"Sige, sasama ako sa inyo." Ngumiti ako. Sabay kaming lumabas ng room at nag lakad.
"You sure?" Tumango ako sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at inakbayan ako.
"Heyy! Guys!" Napa lingon kaming dalawa ni lily sa sumigaw. Napa kunot ang aking nuo ng makita ko si Sheena. Saan naman kaya nanggaling ang bobitang ito?
" oh! Sheena nandiyan ka na pala." patakbong lumapit sa amin si Sheena at inakbayan kami. Ba't parang gustong- gusto nilang mang akbay ngayun.
"Saan ka galing?" Tanung ko. Ngumiti siya at namula ang kaniyang dalawang pisngi. Anong nangyari sa babaeng to?
"Uhm. Sa kabilang room?" Sagut niya at nangisay na parang bulate.
"At ano naman ang ginawa mo roon?" Namula ang dalawang pisngi niya. Ay! Ganun tinanong lang namula na.
"Ah, ano..sinilip ang future hubby ko?" Dahil sa sinabi niya ay napa ngiwi ako. Ayun! Kaya naman pala namula kanina, kasi kinikilig. Jusko.
Na pa tampal sa nuo si lily ng marinig ang sagut ni Sheena. Sana all, meron love life. Ako kasi meron lang life wala nga lang love.
"Tara na at baka maubusan tayu ng pagkain sa pupuntahan natin." Na pailing ako sa sinbi ni lily. Ito talgang toh oh! Basta pagkain ay hindi mag papahuli.
"Wait! Sasama siya?" Tanung ni sheena habang naka turo sa akin. Aray ha!
"Bakit? Ayaw mo ba?" Aba't parang ayaw ako nitong isama. Naka pa meywang akong humarap sa kaniya.
"Hindi ah. Wahh! I'm so excited na!" Sigaw niya at nag simula ng tumakbo papalayo. Ang hyper talaga nun, task.
Nandito na kami ngayun sa sinsabing park ni lily. Masasabi kong maganda siya ah. Sa bawat puno na nandirito ay may mga ilaw na naka sabit. Dahil duon ay kitang kita mo ang ganda ng mga design na mga bulaklak sa paligid.
Parang ang sarap manirahan dito. Aish, pero syempre joke lang. Napa ngiti ako ng may lumapit sa aming bear na mascot. Oh. M. G. Ang cutee niyaa. Nag wave ito kaya nag wave din ako pa balik. I pina kita niya sa akin ang isang kamay niya, na para bang sinasabing sandali lang. Nginitian ko siya at tinanguan. Inilagay niya ang isang kamay niya sa likod niya at para bang may kinukuha. Ilang minuto ang lumipas ng iabot niya sa akin ang isang pink na rosas. Nginitian ko siya at kinuha ko sa kaniya ang rosas. Nang makuha ko ito ay napa hawak siya sa kaniyang pisngi at para bang kinikilig siya dahil roon. Oh god! So cuteee.
"Ba't ang a unfair! ba't ikaw binigyan samantalang kami hindi!" Inamoy ko ang bulaklak. Tumingin ako kay sheena at ngumiti.
"Dahil siguro maganda ako?" tinaasan niya ako ng kilay. Galit agad? Hinarap niya ang bear na nag bigay sa akin ng rosas at tiunlak tulak ito.
"Huy! Ikaw uso. Bakit si khloe lang ang binigyan mo ng bulaklak!? Asan yung amin?" Napa tawa ako ng marahan. Ilang ulit umiling ang bear at kumaway ito. Muntik pa nga itong matumba ng sumali na rin si lily sa ginagawa ni sheena.
"Mag salita ka! Asan yung bulaklak namin?" Sigaw ni lily. Inambahan ni sheena na papaluin niya ang bear. Nagulat kami ng tumakbo ito papalayo.
Napa yuko ako dahil sa hiya. Jusko! Hindi ko po sila kilala. Napa daan lang po ako dito. Dahan- dahan akong nag lakad papalayu sa kanila.
"Hoy! Koe. Saan ka pupunta?" Sigaw nilang dalawa ng na pansin nila nawala na ako sa kanilang tabi.
"Sa malayo, malayo sa inyo!" Saad ko. Tumatawang tumakbo ako papalayo sa kanila. Habulin niyo koo.
"Sandali! Hintayin mo kami koe!" Hindi ko na pinansin ang sigaw ni lily at tumakbo na lang papalayo.
HAbul hininga akung huminto ng na pagod ako. Tumingin ako sa aking likod. Siguro hindi na nila ako mahahanap rito. Nag lakad- lakad ako hanggang sa hindi ko namalayan na punta ako sa isang family park, kung saan lahat ng duon ay magkaka pamilya. Na pahinto ako.
I hope they are like me, with a happy family.
Ma tanung ko nga sainyo. Bakit ang unfair ng mundo? Kung sino pa yung masama yun pa ang pinag papala at kung sino naman ang mababait yun pa ang hindi pinag papala. Kala ko ba lahat ng tao pantay- pantay? Pero bakit pakiramdam ko hindi? Pakiramdam ko ako na yata ang pinaka malas sa buong mundo. Napa buntong hininga ako.
Umupo ako sa bench na nandidito sa aking gilid. Tumingin ako sa kalangitan. Na pa ngiti ako ng makita ko ang mga nag nining -ningan na bituin. Ang ganda nila kahit ang layo-layo nila, kaya pa rin nilang mag ningning. Na wala ang ngiti ko ng may na alala ako. Ganitong panahon at oras nangyari ang pangyayari na nag paguho ng lahat.
‘Colleen, I'm sorry.’
Pinahid ko ang luhang kumawala sa aking mata. Kahit anong gawin ko ako pa rin, ako pa rin ang may kasalanan ng lahat.
“Hay! Ang saya HAHA.” sabay pahid ng luha sa gilid ng kaniyang mata.
“Oo nga, sana maulit uli yun.” saad naman ni sheena. Masaya? Anong masaya, kayo lang yata ang masaya eh.
“Hay! Ewan ko sa inyo. Oh! Una na 'ko.” ni yakap ko sila at hinalikan sa pisngi. Ngumiti sila sa akin at nag paalam na, sumakay na sila sa sasakyan. Nginitian ko sila at kumaway hangang sa maka alis sila. Na pa buntong hininga ako. Tinignan ko ang bahay na sa harapan ng bahay namin.
‘Tulog na kaya siya?'
Ilang oras rin ang lumipas ng na pag pasyahan kong pumasok na. Na pailing pa ako habang papasok sa bahay. Matatapos rin to at sana pagtapos ng lahat ng ito ay naririto pa ako. Hayy!!
BINABASA MO ANG
Dear Tyler
Romance"Ang pagmamahal ay parang mahika. Hindi mo ito makikita kung hindi ka maniniwala." - Khloe