Sa buong buhay niyo naranasan niyo ba ang tanungin ang sarili niyo, kung bakit pa ako na buhay sa mundong ito? Ako kasi araw araw tinatanong ko yan sa sarili ko, pag ka gising yan ang unang pumapasok sa utak ko. Bakit nga ba ako na buhay dito sa mundong ibabaw?"Mom, may meeting po kami sa monday. Kailangan daw pong pumunta ang mga magulang." saad ko at uminom ng tubig. Nandito kami ngayun sa dining area, nag aalmusal and para sa akin isa itong himala. Kasi naman ngayun lang to nangyari na nag sabay- sabay kaming kumain sa hapag kainan. Pero di' ko maiwasan makaramdam ng kaba sa di' ko malamang dahilan.
"Kami rin mom, nag patawag ng parents ang teacher namin."
"Anong oras ba ang sa' iyo khloe?" Napa tigil ako sa pag nguya at tinignan sila.
"1:00 po mommy."
"Ikaw ba kevin?"
"Parihas rin po kay khloe mom." Tumigil si mom sa pag kain at ibinaba muna ang kutsara. Napa tingin ako sa kaniya.
"pwede naman siguro na isa sa inyo ang mag paubaya na lang, kasi kung dalawa kayung me-meetingan ko ay kukulangin ako sa oras." Sagut ni mommy at sabay subo ng pagkain. Si daddy naman ay nakikinig lang sa pinag uusapan namin.
"Pwede naman pong si daddy ang sa isa?" Naka yuko kong tanung. Pwede naman diba?
"I'm busy."
Napa ngiwi ako ng kaunti ng marinig ang sinabi ni daddy. Palagi naman siyang busy eh.
“Basta ako Mom, hindi pwedeng walang a attend.” Saad niya at sumubo ng pagkain. Kampanting kampanti ang gago. Linunok ko ang nginunguya ko at uminom ng tubig.
Pinag siklop niya ang kaniyang kamay at tumingin sa aming dalawa. Parang alam ko na ang susunod na mangyayari.
“Khloe, hindi mo na ako makaka attend sa meeting mo. Mas kailangan kong mag attend ng meeting ng kuya mo.” Palagi na lang. Ngumiti ako ng peke at tinuloy ang pag kain, na kahit na walan na ako ng gana.
Natapos ang agahan na wala ako sa sarili ko. Napa buntong hininga ako at umupo sa bleacher na nandito ngayun sa garden. Napa tingala ako sa kalangitan. Siguro kung hindi ko nararamdaman na tumitibok ang puso ko iisipin kung isa akong robot. Isang walang kwentang robot na kahit anong iutos ay susundin.
Pero kung iisipin ko mas maganda pang maging robot kesa tao. Dahil ang tao nasasaktan at nakakaramdam ng lungkot habang ang robot ay walang kahit katiting na pakiramdam.
Tumayo ako at pumanhik sa taas. Dahan- dahan akong akong pumasok sa aking kwarto at umupo sa kama. Dito sa loob ng bahay itong kwarto ko lang ang matatawag kong safe place. Natatandaan ko noong bata pa ako narinig ko sa iba na ang safe place daw nila ay ang kanilang tahanan kasi duon nag sisimula ang saya. Pero para sa akin ang tahanan ang siya mismo ang nagdadala ng sakit sa akin. Tumayo ako at pumunta sa terrace ng kwarto. Kita mula dito ang bahay na kaharap lang namin.
BINABASA MO ANG
Dear Tyler
Romance"Ang pagmamahal ay parang mahika. Hindi mo ito makikita kung hindi ka maniniwala." - Khloe