Chapter 5:

21 19 0
                                    


Khloe's POV'S;

Time check: 8:30 Am

Hinihintay ko ngayun ang mga kaibigan ko. Bakit ba ang tagal nila? Kanina pako dito sa classroom namin na naghihintay. May usapan kasi kami na dito na lang kami mag kikita kita. Natigil ang lahat ng may kumatok sa pintuan ng classroom namin. Pumasok ito ng dahan-dahan at pumunta sa unahan. Ang kuya ko.

"Good morning, I'm here for the announcement. Magkakaroon ng meeting ang mga officer sa court this 1:00. See you in the cover court." Saad niya at umalis ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Nagtataka yata kayo. Parehas kami ng kuya ko ng pinapasukang School, minsan nga lang kami mag kita at kung magkita man kami ay parang wala lang. Hindi ko alam kung bakit galit siya saakin eh. Na sa kaniya na nga ang atensyon nang mommy't daddy eh. Pinagsawalang bahala ko na lang iyon at dumungaw sa bintana na nasa gilid ko. Mula dito kita ang kabuoan ng School. Ang ganda kaya sa pwesto kong to nakakarelax.

"Khloe!" Muntik na akong napatalon sa kinauupuan ko ng may sumigaw. Langya! Muntik na akong matumba dahil sa sigaw na yun!

"Ano ba lily! Nakakagulat ka naman. Kanina ko pa kayo hinhintay ni sheena ah, saan ba kayo pumunta?" Tanong ko at umayos ng upo. Ibinaba nila ang bag nila at tumabi saakin.

"Diyan lang sa tabi- tabi, nanood ng palaro." Oo ng pala math camp ngayun kaya asahan nang madami ngayung activities. Hindi lamang sumagi sa isip ko na sumali sa palaro ngayun. Hindi ko ba alam kung siguro stress lang to pero parang humihina ang katawan ko. Kaya hindi ako pwede sa mga ganiyang activities kasi nakakapagod yun eh.

"Oo nga pala. Totoo ba yung bali-balita na nakabalik na daw ang pinsan nating pinaglihi kay santanas?" Natawa ako ng kunti sa sinabi ni lily pero sinuway ko rin agad siya.

"Ano ka ba lily! Kapag ikaw narinig nun lagot ka!" Pananakot ko sa kaniya. Talaga lagot kami kapag nalaman niyang pinag chichismissan namin siya.

"Totoo naman eh! Pero satin lang yun baka kalbohin pako nun eh." Kahit kailan napaka tapang, tiklop naman pala.

"Totoo yun, naka harap ko pa nga siya kaninang umaga." Natigilan sila at tumingin saakin.

"Totoo? Kamusta ka naman? Hindi ka ba niya sinaktan?" Umiling ako. hindi naman.

"Hindi, nilagpasan niya lang nga ako." Nakahinga sila ng maluwag ng malaman na walang ginawa saakin si Eunice.

Dumating ang lunch time at papunta na kami ngayun sa canteen para bumili ng pwedeng makain. Si lily lang ang kasama ko ngayun dahil si sheena ay may importanteng pinuntahan. Nakapulupot ang kamay ni lily sa braso ko. Para siyang tuko kung makakapit. Ng marating namin ang canteen ay agad kaming pumila. Naka sanayan na kasi na kapag bibili dito sa canteen ay dapat pumila para hindi siksikan. Matagal bago kami na kakuha ng pagkain. Maghahanap na sana kami ng pwedeng maupuan ng may nakabanggaan ako. Lahat ng dala kong pagkain ay natapon bigla. Na lungkot naman ako ng makitang nasayang lang ang pagkain ko. Tinignan ko ang nakabanggan ko. Si tyler, kinabahan naman ako sa tinging ibinibigay niya saakin. Kagaya ko ay natapon din ang pagkain na dala- dala niya.

"S-sorry-hindi ko sinasadiya." Mas lalong tumalim ang tingin niya saakin ng makita niyang nadumihan ang uniporme niya. God! Bakit kasi ang clumsy mo khloe!

"Tanga ka ba? Or sadiyang bulag ka lang talaga?" Napayuko ako. Diko kayang tignan ang mata niyang handa na akong katayin.

"S-sorry"

"Sorry? Sa tingin mo matatanggal ba niyang sorry mo ang dumi sa uniporme ko?" Medyo natigilan ako dahil parang may iba pa siyang gustong iparating.

"H-hindi pero kahit papaano ay nakakatanggal ito ng galit. I'm sorry." Nakita kong galit na galit siya saakin alam kong pinipigilan niya lang na wag sumabog.

"Kahit ilang ulit mong sambitin ang mga katagang yan ay hindi muna maibabalik ang isang bagay." Tumalikod siya saakin at umalis. Sumunod dito ang mga kaibigan niya. Inilibot ko ang tingin sa paligid at lahat sila ang tingin ay saakin. Bakit lahat ng sisi ay saakin? Dumako ang tingin ko sa taong akala ko ay kakampi ko. Nakatinging siya saakin habang umiiling. Bakit nga ba naging ganito ang lahat? Katulad ka na rin ba nila kuya? Akala ko kakampi kita. Tumalikod ito at hinayaan akong na katayo dito habang tinitignan silang iniiwan ako.

Naramdaman kong niyakap ako ni lily. Kahit papaano ay nariyan pa siya. Ngumuti saakin si lily at niyaya na akong lumabas. Nawalan na akong ganang kumain. Bumalik na lang kami sa room at duon na lang nag palipas ng oras hanggang natapos ang break time.

"Alam niyo girls ang aga pang umuwi ano kaya kong pumunta tayong city lights?" Napag uusapan kasi nilang tumambay muna bago kami umuwi. Pinipilit nila akong sumama kaya pumayag naman ako. Wala namang maghahanap saakin kaya ayus lang.

"Sige para naman makalayo layo tayo sa mga stress ngayun diba?" Tumango ako kay sheena. Kahit isang oras lang para makatakas sa kanila.

Nang makalabas kami ng gate ay agad kaming dumeretso sa City lights. Ilang lakad lang kasi bago namin marating ang city lights. Dinarayo ito ng mga tao dahil sa angking ganda nito. Ang tinatawag nilang City lights ay napaka gandang burol na makikita mo ang ganda ng mga ilaw ng bayan. Pag narating mo ang tuktok nito ay dito mo makikita ang ibat ibang ilaw na parang mga bituin.

Narating namin ang city lights ng eksaktong 5:30 ng hapon. Naabutan namin ang paglubog ng araw. Isa ito sa hinihintay ng mga tao kapag pumupunta dito, ang panuurin ang paglubog ng araw. Naupo kami sa inilatag naming sapin. Bumili rin kami kanina ng mga pagkain upang may makain kami habang nag k-kwentohan.

"Kahit lumipas na ang ilang taon ay ang ganda parin dito no?" Tumango ako habang tulalang nakatingin sa mga ilaw.

"Kahit kailan ay di kukupas."

Nag kwentuhan kami kumakain. Nag set up rin pala kami ng camera para may video kami. Time lapse lang ang ginawa namin para may remembrance kami. Nag pa picture rin pala kaming apat ng may dumaan na kumukuha ng litrato. Ng makuhanan kami ay agad kami nitong binigyan ng tig iisang kopya. Ipinag patuloy namin ulit ang kwentuhan ng dinsinasadiyang napatingin ako sa isang taong nakangiti rin ngayun habang kasama ang mga kaibigan niya.

'Mabuti naman at kahit papaano ay tuma tawa pa rin siya.'

"Hay khloe, sino ba ang tinitignan mo jan?" Tinignan nila ang taong kanina ko pa tinitignan.

"Nandito rin pala siya. Bakit sa daming lalaki dito sa mundo khloe siya pa ang napili mong bigyan ng pansin? Maganda ka at matalino pa, bakit siya pa?" Ngumiti ako habang nakatingin sa kaniya. Meron kasi siya na wala ang iba.

"Hindi ko den alam." Natigilan ako ng napadako ang tingin niya saamin-saakin, ngumiti ako.

Lumipas ang oras at nag aya na silang umuwi. Mag aalas otso na kasi ng gabi kaya minabuti na naming umuwi na. Isa isa na rin silang sinundo ng mga sundo nila. Gusto pa nga akong ihatid ni lily pero tumanggi ako. Ayuko namang makaistorbo pa sa kanila at saka malapit lang naman ang bahay namin dito eh. Nang maiwan akong mag isa dito ay napag pasyahan ko ng mag lakad pauwi. Hindi naman ako takot umuwi mag isa dahil sanay na ako. Mas gusto ko ngang nasa dilim dahil pakiramdam ko hindi ako nag iisa at parang comfort zone ko na ito. Habang nag lalakad ay napapatingin ako sa mga taong nakakasabay ko. Naalala ko nong bata pako kapag ganitong oras ako umuuwi ay agad akong sinunsundo ng kuya. Hindi daw kasi pwede sa babae ang nag lalakad ng mag isa tuwing gabi at pinangako niya na kapag palaging ganito daw ang uwi ko ay palagi niya akong susunduin. I guess hindi lahat ng pangako ay tinutupad. Kanina ko pa napapansin habang nag lalakad ako ay parang may sumusunod saakin. Pero hinayaan ko na lang iyon baka nag kataon lang.

Narating ko ang bahay namin ng 3:40 na at malapit naring mag 9:00. Dahan- dahan akong pumasok sa bahay ng di gumagawa ng ingay. Siguro tulog na sila, parati namang ganito uuwi ako dito na parang ako lang ang nakatira. Tumungo ako sa kusina upang kumain kahit kaunti dahil busog panamn ako kanina. Nakita kong may isang mangkok ang natatakpan tinignan ko ito at napangiti ako. Si manang talaga, umupo ako at masayang nilantakan ang tinirang pagkain saakin ni manang.

Dear TylerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon