Chapter 3

487 5 3
                                    

Chapter 3

Bothered.

Abala ako sa paglapag ng mga gamit namin sa sapin na ipinalatag ko kay Tristan at walang imik lamang, ramdam ko naman na pinapanood ako ni Tristan habang ginagawa iyon. Nadinig ko siyang mahinang tumawa.

"Ano naman ang naisipan mo at nag aya kang mag picnic tayo?" Nadinig kong aniya Tristan, nilingon ko sya ng saglit ngunit hindi agad sumagot. 

"You sound like it's a bad thing, ayaw mo ba?" Tanong ko pabalik sakanya, mabilis siyang natawa at saka umiling. 

"Of course not, gusto ko lang malaman anong naisipan mo." 

"Para makapag enjoy si Jacob." Maikli kong sagot.

Matapos kong maayos ang lahat ay umupo ako sa tabi ni Tristan at nakatingin lang ng diretso kay Jacob na naglalaro ng saranggola sa hindi kalayuan, ilang saglit ay naramdaman ko ang pag kapit ni Tristan sa kamay ko.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni  Tristan sa akin. 

Nilingon ko siya. "Uhuh." sabay tango. 

Ngumiti naman siya sa akin at saka sumandal pero ang totoo? I lied, I wasn't okay and I've been bothered a lot about everything at hindi ako makapag trabaho na may malalim na iniisip.

"Sigurado ka bang kaya tayo lumabas ay para kay Jacob? Mukha kasing stress ka, it looks like you're the one who wants to take a break-"

"Gusto ko magpakasal Tristan."

Naramdaman kong inalis niya ang kamay niya mula sa kamay ko at tila natigilan pero ako ay nanatiling nakatingin sakanya habang hinihintay ko siyang magsalita. Matagal siya bago nakapag salita na halatang pinag-isipan ang sasabihin sa akin.

"Kanino ka naman magpapakasal? Why so sudden?"

"Hindi mo ba ako papakasalan? Akala ko ba gusto mo ako?"

Mabilis kong sagot, umilinv naman siya at hinawakan ang kamay ko at saka yumuko bago mag salita.

"Y-Yes, but we haven't been in a r-relationship." Nauutal pa siya at iniwas ang tingin sa akin.

"So, hindi ka willing pakasalan ako? Can't you see, sigurado na ako kaya gusto kong mag pakasal." Iritable kong sabi sa kanya, hindi ito nakapagsalita at bumuntong hininga pa.

"I c-can, but isn't that so soon? Willing akong pakasalan ka Crizza, and what makes you think that I don't?" Sagot naman nito, hindi ako nakapag salita.

Naiirita at naiinis na kasi ako sa nararamdaman ko, ang totoo ay hindi ko rin alam ang sagot kung bakit ako nag-yayaya mag pakasal. Alam ko naman na wala akong karapatang mang himasok sa buhay ni Tristan mas lalo at kinausap nadin ako ng magulang niya but, the more I think of it, the more I'm bothered. 

Him, working with Kate? 

Kailangan ba laging may kaagaw ako sa lahat ng bagay? Kailangan bang laging ganon? Why can't just one time na hindi ako makikipag-agawan sa mga bagay na meron ako. I have no choice and clearly ang pagpapatali nalang sakanya ang magiging kapit ko at may nararamdaman din naman ako sakanya.

"Crizza, I'm not unsure about us. Pero sana naisip mo kung gaano magiging malaking epekto ito kay Jacob. That's my goal muna, ang makuha ng loob ni Jacob so he can call me daddy."

"He likes you, he can accept you. He can adjust Tristan." Hinarap ko siya at mabilis na hinawakan ang dalawa niyang mga kamay. "Magpakasal na tayo?"

Muli kong tanong at binigyan siya ng umaasang tingin.

Ayaw ko maging dahilan ng paguho ng mga bagay na matagal niyang binuo muli, ayaw ko na dumating sa punto na bumalik ang dati. Kung ako ang rason kung bakit nagpapatuloy siya sa kumpanya, mananatiling ako ang rason.

Malaki ang utang na loob ko sa kanya at kung ganito rin naman ang magiging pambawi ay walang problema, walang kaso.

Masaya naman ako sa kanya, sapat na 'yon para manatili ako sa piling niya.

"Sure." Ayan ang naisagot niya sa akin pagkatapos ng ilang buntong hininga at saglitan niyang pag tingin sa akin.

Napangiti ako dahil doon.

"It's recycled."

Matutunan ko din naman siyang mahalin. Matutunan ko din naman.

Range Point of View.

"For real? You'll be back in showbiz?" Inayos ko ang polo ko at tumango, napapalakpak tuloy ito dahil sa sinabi ko.

"Pero seryoso. Anong nagpabalik sa'yo sa showbiz? 'Di ba ayaw mo nang bumalik?" Tanong ni Carla, hindi ako kumibo at nanatili lang ang sarili na nakaupo at nag se-cellphone.

"Hanggang ngayon sina-silent treatment mo pa rin si Carla." Sabi ni Greg at tinapik ang balikat ko bago umupo sa tabi ko.

"Wala naman akong dapat sagutin, walang malalim na rason bakit gusto kong bumalik ng showbiz."

"Pero 'tol, satingin mo ba tatanggapin ka parin ng mga tao, after three years ago scandal mo sa kambal?" Salita naman ni Ken.

"That was mind blowing!" Reaksyon naman ni Clarisse.

It was indeed mind blowing mas lalo pa na kahit din ako hindi ko pa rin inaakalang may ganoong mangyayari sa akin. Come to think of it ay maging ako kapag naalala ang nangyari noon ay 'di ko pa rin matanggap na gising ako noong mangyari yon.

Na hindi siya panaginip.

"May contact ka ba kay Crizza?" Tanong ni Greg sa akin, natigilan ako dahil doon.

Hindi ako sumagot at kinalikot ang cellphone ko, hinanap ko ang huling picture na nakuha ko as information kung nasaan siya ngayon.

Nasa Ireland siya at hindi lang siya basta nasa Ireland, nasa lugar siya kung saan alam kong may pag-asang hindi na siya babalik.

"Ooh, is that her? She got pretty. Isn't that Tristan?" Nangunot ang noo nila habang tinititigan ang picture, tumango lang ako at mas piniling wag mag salita.

"Don't tell me..." Nagkatitigan sila ni Clarisse bago sabay na napatakip ng bibig.

"Small world ika nga nila."

I got to admit to myself na madami na akong napagdaanan para kalimutan si Crizza but I can't especially ay may mga naging pagkakamali ako. Pero everytime when I see updates from her socials especially from news, blogs and articles napapaisip ako na sa dinami dami ng makakatagpo niya sa Ireland.

Bakit si Tristan pa?

Napakaliit ng mundo at sa sobrang liit, siya pa talaga.

"Dude, get over with it. Ilang taon na rin naman probably hindi na rin naman na siya yung Crizza na ineexpect mo na uuwi dito sa Pilipinas."

"Napaka imposible rin na maayos pa kayo."

Sobrang aware naman ako sa mga sinasabi nila pero may mga bagay na naniniwala akong kailangan ko ng kasagutan sa mga bagay-bagay mas lalo ngayon na malakas ang kutob kong hindi sila kasal.

No matter what, she changed herself from appearance to inside. She'll still be known for what she did. Hindi ko hahayaan na basta na lang siyang lumipad ng ibang bansa while I have to deal every single moment of that scandal that those twins caused.

"Naka ready na ang meeting with our manager Range, siguraduhin mong ika-career mo na ang pag aartista."

"We'll see about that." Aniya ko bago tahimik na tumayo at nagpamulsa at sumunod sa paglalakad kasama nila.

Gusto ko na ulit pasukin ang mundo ng showbiz dahil ito naman talaga ang gusto kong gawin. I made enough money for the business and I think I should follow and go back to the thing I love.

Secret Affair (Safest Place)Where stories live. Discover now