Chapter 5
To See You Again
When we got into the Philippine Airport my knees are numbing to the fact that I feel like I'm getting out of balanced many times. Hindi talaga ako handa pang umuwi pero wala e', I just have to do my best no matter what na walang makakilala sa akin.
"It's nice to feel the air of Philippines once in a while huh?" Reaksyon ni Tristan na tila tuwang-tuwa sa kanyang nakikita, habang ako mag-isang inaasikaso si Jacob.
"Omg! I can't wait to see your other families again Tristan especially your sisters, they really love me." Excited na sabi ni Kate.
I stopped fixing our bags and I look at them, on second thought they really look like couples than us.
Hindi na ako kumibo nang mapagpasyahan ni Tristan na mag taxi na kami, hindi naman niya nalimutang tumulong upang maipasok ang mga bag namin pero sadyang nananahimik lang ako sa isang gilid habang sila nagkekwentuhan ng mga masasayang alaala nila dito sa Pilipinas, habang ako? Ang pinaka masayang araw na ata sa buhay ko ay ang nakasama ko si Range.
Habang nasa taxi kami tumingin nalang ako sa labas para abalahin ang sarili ko at enjoyin ang mga nakikita ko sa paligid dahil matagal din akong nawala dito sa Pilipinas. Wala namang pinagbago masyado bukod sa mga gawa ng kalsada at marami pang iba.
Ngunit nanlaki ang mata ko nang makita ang isang malaking video billboard sa gitna ng daan.
It's Range!
Hindi ako makapaniwala na mag-aartista na siya ulit dahil ang huli kong balita sakanya ay nagtayo na lang siya ng business at wala ng balak pa pasukin ang showbiz. He looks good to be honest, better than before.
Nang makarating kami sa bahay nila, namangha ako sa laki nito iba parin pala talaga kapag nakita mo na ng personal dahil mas malaki siya kumpara sa mga litratong pinakita sa akin ni Tristan.
May mga nakahanda ng pagkain sa lamesa, sa katunayan niyakag na nga kami ng mga iba pa nilang pamilya na makisalo kaya umupo na kami sa lamesa bago mag bihis ng damit at mag pahinga dahil sa sobrang haba ng byahe.
"Mabuti naman nakauwi kayo agad, ipapakita ko kasi sainyo ang design ng bahay natin para sa event, gusto ko lightful colors." Sabi ni Mrs. Gallero, napangiti naman si Crizza bag kunin ang kaning inabot ni Tristan at nilagyan si Jacob ng kanin.
"Pero ma, saan naman tayo mag ste-stay kung ang buong bahay hindi maayos? Hindi kakayanin ng mga yaya natin ang mag linis sa dami ng taong pupunta. " Concern na aniya Tristan, natawa naman ang mga kamag-anak nito.
"Of course I hired more, don't worry kaya naman yan we already planned about this son." Sabi naman ng ama nito.
Nagbigay reaksyon din ang iba na talagang maalaga sa tao si Jacob kaya napaka successful niya, hindi naman ako tumatanggi ron dahil kahit ako mismo nakita kung paano siya loob ng opisina at paano niya patakbuhin ang kumpanya kahit nuong nagsisimula palang ako sa kumpanya nya.
Nang mauna kami ni Jacob matapos kumain, tumayo na kami agad at nagpaalam na sakanila para makapag pahinga. Ngumiti lang naman ang mga ito at saka hinayaan kaming makaalis, nauna nadin ang maid na inutusan nila para iakyat ang gamit namin.
Nang makaakyat na ako ng tuluyan, narinig ko ang isa sa kanilang nag salita.
"Ayan na ba ang babaeng sinasabi mo Tristan? talaga bang sigurado kana diyan, may anak na hindi nakakaganda sa imahe ng pamilya natin." Narinig kong aniya ng hindi katandaang babae.
"Tita Maribel naman, sigurado ako syempre hindi naman po ako basta kumakain tapos iluluwa kapag hindi nagustuhan. Mabait ho si Crizza at ang anak niya yun ang importante." Sabi ni Tristan ngunit natawa naman ang pamilya nito.
"Bakit siya pa kung nandito naman si Kate na single parin hanggang ngayon hindi ba?" Pangkakantiyaw pa ng isang lalaki, nang mag lakad ako para tignan sila mula sa itaas kita ko ang ngiti at kilig na bumalot sa buong katawan ni Kate habang binibigyan ng makabuluhang ngiti at tingin si Tristan.
Nagpatuloy nalang akong nag lakad at pumasok sa kwarto na, tahimik lang kami ni Jacob sa loob kahit na kinakausap niya ako. Hindi ko ba malaman pero parang na insulto ako ng ganon ang buong akala ko kais ay ayos lang kami ng pamilya niya pero hindi pala. All this time mas gusto nilang si Kate ang makatuluyan niya.
Hindi ko naman sila masisisi dahil talagang lumaki ang dalawa nang mag kasama at mas mahaba ang pinasamahan kumpara samin ni Tristan kaya wala akong ibang dapat gawin kundi ang manatiling tahimik na lamang at huwag mag reklamo.
Ilang saglit nakatulog na si Jacob sa kanyang higaan habang ako nakaupo lang sa kama at binuksan ang selpon ko, nangunot ang noo ko ng may nag pop up sa notifications ko sa facebook.
Rangello Finx poked you.
Nanlaki ang mata ko duon, sobrang imposible naman niyang gawin ang pag poke sa facebook ko mas lalo't antagal na naming hindi nag uusap at nagkikita, malamang sa malamang hindi niya lang ito sinasadya.
Ibinaba ko ang selpon ko at niyakap si Jacob na tulog na tulog na ng mga oras na ito, nakatulala lang ako sa kisame hanggang sa may sumagi sa isipan ko.
Ano kaya ang buhay ko ngayon kung tinanggap lang kami ni Range?
Minsan naiisip ko din kung ano nga ba ang buhay ko ngayon kung nandito parin ako at nakatira sa bahay namin dati.
Inalis ko nalang sa isipan ang mga yon dahil wala rin namang katuturan kung ise-stress ko ang sarili sa mga bagay na hindi naman na maayos pa. Natulog nalang din ako at ipinahinga ang sama ng loob ko sa buong araw na ito.
Hinayaan ko nalang na nasa baba si Tristan dahil alam kong marami siyang mga bagay na na-miss kasama ang mga pamilya kaya hindi ko na ito binalikan at niyaya pa, ayoko ding mapansin niyang wala ako sa mood at mag talo kaming dalawa.
Pero umaasa padin ako na mas maayos kinabukasan kesa ngayon na puro sama ng loob ang tumutusok sa puso ko.
YOU ARE READING
Secret Affair (Safest Place)
RomantizmCrizza Verdin change her attitude and lifestyle and even her physical appearance so that she will never brought back the past again, after the hurtful break up in the Philippines she thinks trying again is a waste until Tristan Gallero came to her l...