029

58 2 0
                                    

MESSENGER

bby bro 😘
Active Now

Atee
Musta na?

Okay naman si Ate Kian.

Ikaw? Musta na?

Okay lng din naman.
Ano.. haha
Salamat pala dun sa pera na bigay mo.
Di na naman kailangan pero salamat pa din 😅

Welcome 😊
Sana nakabili ka ng gusto mo.

Oo ate. Bumili ako ng ilang bagong damit tas ginamit ko din pampaload.
Nagsisimula na din kasi kaming gumawa ng research eh.
Malaking tulong talaga kaya salamat hehe

Wala ’yun. Kapag need mo ulit ng load magsabi ka sa'kin para mapaloadan kita.
Anong grade mo na nga ulit?

Grade 12 na po ate 😅

Halaa college ka na din pala next year. Binata ka na talagaa 🤧
May course ka na bang gustong kunin?

Wala pa po.
Hindi din po ako sigurado kung mag-aaral pa ako.
Baka magtrabaho na lang din muna ako. Ganoon yung iba kong kaklase eh.

Huh? Bakit?
Gusto mo din ba muna magtrabaho?

Oo, ate. Magka-college na din kasi next school year si Bonbon, eh. Tapos second year college pa lang din naman si Ate Trisha. Hindi kami kayang pagsabaying tatlo na mag-aral. Baka sila na lang daw po muna.

Gusto mo bang mag-college, Kian? Naiipit ka lang ba, o sariling desisyon mo ’yan?

Syempre gusto ko sana talaga makapag-aral ate. Gusto kong makatapos ng college.
Kaso wala naman akong ibang choice eh.
Hindi na ako kayang suportahan nina Mama at Papa.
Magtatrabaho na lang siguro muna ako para mag-ipon at makatulong sa bahay. At kung susuwertehin man, babalik ako sa pag-aaral.

Isang taon na lang graduate na ako, Kian. Gusto mo bang pag-aralin kita kapag nagkatrabaho na ako?

Nakakahiya ate... Kahit wag na po

Gusto mo ba?
Pero okay lang ba sa'yo magtrabaho muna? Isa o dalawang taon lang naman ang hihintayin.

Syempre gusto ko, ate. Pero nakakahiya naman.

Tange naman nito. Bat ka mahihiya?

Eh alam ko namang sa'yo nangungutang si Mama ng pera eh. Nakakahiya lang kasi nag-aaral ka pa din naman tapos nanghihingi pa kami sa'yo.

Nagbibigay ako kasi may pera ako. Hindi naman masyadong mabigat kasi hindi naman ako magastos at iniipon ko yung bigay ni Daddy sa'kin.

Kahit na, nag-aaral ka pa din eh. Dapat para sa'yo lang yang bigay ng Daddy mo pero nakikihati pa kami.

Hay nakuu haha.
Ang kulit naman ng kapatid ko na ituu
Basta pag-aaralin kita kapag nagkatrabaho na ako.
Sabihin mo lang sa'kin kung anong gusto mong pag-aralan at susuportahan kita.

Sige po, te. Salamat talaga.
Napakasuwerte ko talaga sa'yo. Bat ang bait mo? 🥺
Promise pagbubitihan ko ang pag-aaral para di masayang pagpapaaral mo sa'kin.

Naks naman haha.
Basta chat ka lang sa'kin if may need ka, kapag kaya ko, bigay ko agad sa'yo.

Sige po te. Salamat 😊
Papaalam na din po pala ako. Sunduin ko pa sina Ebang sa elem.

Sige. Kamusta mo din ako sa mga anak ni Tito Joel. Sabihin mo sa susunod dadalhan ko sila ng damit.

Wag na te. May maaayos pa namang damit sina Ate Trisha at Bonbon sa bahay. Okay na yun.

Basta bibili ako sa susunod. Wag na makulit hahah

Sige na nga, te. Mas makulit ka sa'kin eh.
Salamat ulit. Labyo! 💙

Love ka din ni Ate, Kian. Ingat palagi ❤️

Small Talks (COL SERIES #09)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon