THANK YOU FOR 10K READS!

2.4K 73 35
                                        

(04/21/22)

THANK YOU FOR 10K READS!

Hi, everyone! This is not an update, but a thank you chapter!

I am so happy right now that my first ever completed epistolary reached 10k reads! My heart is filled with overflowing gratitude and thankfulness. Maraming maraming salamat sa inyong lahat! Hindi ko alam kung paano ko ipapahayag ang pagpapasalamat ko sa inyo, sobrang na-aappreciate ko kayo!

Salamat sa nagbasa, bumabasa, at magbabasa pa lang. Salamat sa pagvote, lalo na sa comments kasi sobrang aliw na aliw ako sa mga comments niyo! Sobrang salamat rin sa pag-add nito sa library at reading lists niyo! Grabe! Ang saya ng puso ko!

I wrote this story noong January nitong taon and published it last February. Noong una ako pa lang ang nagbabasa, natatawa pa ako kasi gamit ko yung isang account ko sa pagvote HAHAHA.

Hindi ko talaga expect na aabot 'to ng 10k reads in just 3 months! Kaya sobrang gulat ko nang bigla na lang umaangat 'yung reads every time na binubuksan ko 'tong account ko. Kasi for me, ang cringe at sobrang cliche, AHAHAH.

but here's some facts
about lavender:

1. Ang unang title nito ay "adrenaline rush" at dapat kakanta si Adriel sa foundation day ng Fallin' (Adrenaline) by Why Don't We, tapos merong part na magkakatitigan sila ni Lavi sa part ng "I can feel the rush of adrenaline, I'm not scared to jump if you want to. Let's just fall in love for the hell of it. Maybe, we'll just keep fallin’"

Ang kaso nawala sa isip ko, HAHAHA. Ako kasi 'yung type na hindi naga-outline at hinahayang nasa isip ko lang lahat.

I changed it to lavender kasi… wala lang HAHA hindi ko na feel 'yung adrenaline rush na title.

2. Si Vivienne dapat ay childhood friend talaga ni Adriel na pinangakuan na papakasalan niya in the future. Dapat may arranged marriage pa nga sila e, tapos may scene din 'yung lolo ni Adriel kaso nasa isip ko masyadong hahaba saka andaming epal sa story HAHAHA. Una si Cadmien, tapos si Hailey, tapos si Vivienne. Hays.

(Kung napapansin niyo, opo, mahilig ako sa childhood bestfriend trope. 😔)

3. 'Di ba, nung unedited pa 'yung lavender, Accounting student si Lavi tapos kasali lang siya sa drama club pero habang ineedit ko pinaltan ko siya as Performing Arts student.

May scene kasi akong naisip dati kung saan magiging bida si Lavi sa isang play (it will be her first play as a lead actress since lagi siyang understudy ni Rielle) tapos 'yung male lead niya, magkakaroon ng accident sa pinakang araw ng play.

Kaya si Adriel ang papalit sa dun sa male lead since kasama niya lagi si Lavi sa pagpractice ng lines and achuchunes sa auditorium.

Ang guess what? nakalimutan ko ulit siya. Kaya please, kung nagsusulat o magsusulat kayo ng story, gawan niyo ng outline o kaya i-jot down niyo 'yung naiisip niyong scenes. Huwag kayong tutulad sa'kin. 😔

'Yan lang ata 'yung facts or nakalimutan ko na 'yung mga iniba ko sa story. Makakalimutin talaga ako guys.

_

I'm thinking of publishing another special chapter but in narration. Kaso tinatamad ako, kaya baka 'wag na lang, HAHAHA.

I'm also thinking kung itutuloy ko pa ba 'yung story ni Tanari. Sobrang mental block na kasi talaga ako, e. Kaya baka hindi na 'to maging series.

'Yun lang for today's video, my loves! Ang saya saya ko talaga ngayong araw! ><

MAHAL NA MAHAL KO KAYO!

MARAMING SALAMAT! <3

Lots of love,
rai

____________________

EDITED:

(10/20/02)

it's been six months since this story reached 10k reads, but it still feels like yesterday to me!

thank you very much!

the story i worked on for a month and published without expecting it to be everyone's cup of tea just reached 50k reads!

happy 50k reads, lavender! thank you for reading adriel and lavi's story! thank you very much!

you, yes you! you meant a lot to me! thank you for coming along with me in this journey! i appreciate you all! i love you!

lavenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon