Chapter 8: You Like It Black?

30 5 17
                                    

Habang hinihintay namin na bumalik ang magkuya ay nakatanggap ako ng reply sa chat ko mula kay Rheese

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Habang hinihintay namin na bumalik ang magkuya ay nakatanggap ako ng reply sa chat ko mula kay Rheese.

'Umuwi na ako kasama si kuya. Need to poo. Hehe. Enjoy pinsan.' Ito ang sabi niya.

At kasabay nang chat niyang iyon ay ang pagtunog naman ng cellphone ni Kyro.

"Pre?" Kyro asked kasabay ng bahagyang pagdungaw sa gawi ko. "Ah, oo kasama ko... Sige-sige, hanggang alas otso lang naman." Matapos iyon ay kaagad din niyang ibinaba anh cellphone.

Nagkatinginan kami.

"Si Kuya Hence?" tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot do'n.

Tumango siya. "Nakauwi na daw sila ni Rheese, ibinilin ka sa akin."

"Oh... Okay lang," sinalubong ko ang mga mata nya nang may paninimbang kung ano ang susunod kong sasabihin.

Saglitt akong nag-iwas ng tingin bago muli syang nilingon. "Uuwi na din ako, mag-tricycle nalang," pagpapatuloy ko.

Tumayo na ako na siya namang ginaya niya. Nilingon ko ang ferris wheel na unti-unting nagbaba ng mga sakay.

"Pababa na din naman sina JR, magpapaalam lang ako sandali tapos uuwi na din," pagpapatuloy ko at saka siya muling binalingan.

Muli ay napunta sa mga labi niyang may sugat ang paningin ko. Unti-unting bumuka iyon na naulit pa ng ilang beses.

Ano kaya ang nangyari do'n?

Nakuha kaya sa practice?

Pero kahit naman ganon, hindi pa rin naman nakabawas ang maliit na sugat na yon sa kagwapuhan niya.

"Potpot?" medyo malakasna pagtawag ng kaharap ko.

Dahil do'n ay kaagad akong napaangat ng tingin para makita na magkasalubong na ang mga kilay.

"Let's go?" tanong niya.

Dahil sa kahihiyan sa pagkahuli nanaman niya sa akin ay tumango na lamang ako.

Nagsimula siyang maglakad na sinundan ko na lamang.

Papalapit kami sa ferris wheel. Kaya naman ang akala ko ay nagkaintindihan na kami kanina sa pag-uwi ko. Ngunit laking gulat ko na lamang nang lampasan namin ang nakababa na na sila JR at nagtungo sa mismong ferris wheel na naghihintay ng pasahero.

"Kayo din yung kanina ah? Nag-away lang yata kayong mag-jowa kayo kaya hindi na sumakay," natatawang pagpuna sa amin ng staff habang inaabot ang dalawang ticket kay Kyro.

Nang makuha ang ticket sakanya ay lumingon siya sa akin.

"Come here..." anyaya niya kasabay ng paglalahad ng kanyang kamay sa akin.

Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon