Nang makauwi kami galing bukid ay alas dos na ng hapon. Naabutan namin si ate at Tita Mel na nagkukuwentuhan sa salas ng bahay.
"Tita!" pagtawag ko dito na may malawak na pagngiti. "Kamusta po?" dugtong ko kasunod ng pagmamano.
"Ito medyo pagod galing sa karendirya," sagot niya sa 'kin nang nakangiti din. "Nako! Dalagang-dalaga ka na, Cali ah?"
"Bata pa po ako!" natatawang sagot ko dito.
"May bata bang namumu–"
"Sige po tita, ate, papasok muna kami sa kuwarto ni Reese. Medyo napagod din po kami, eh," pagputol ko sa kung ano mang balak na sabibin ni Reese.
Wala talagang pinagbago itong si Reese, alam na alam ko na. Mahilig mang-isyu.
Matapos kong magpaalam ay kaagad ko siyang hinila patungo sa kuwarto. At nang maisara ko ang pintuan ay kaagad ko siyang hinarap.
"Reese!" mahinang pagtawag ko dito na ngayon ay tuwang-tuwa.
"Bakit? Masama bang mamahagi ng kaalaman?" painosenteng aniya.
Umiling-iling ako. "Stop it! Hindi ka ba naiinitan? Mauuna na akong maligo."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay nakarinig pa ako ng iba't ibang komento mula sa kanya ngunit hindi ko na lamang pinansin iyon.
Mabilis akong kumuha ng damit na pamalit at ibinaba iyon sa higaan ko.
"Tulungan kitang ayusin yung mga gamit mo mamaya," napabuga ako ng hangin sa narinig. Sa wakas ay may matino siyang nasabi.
Nang makapasok ako sa bathroom ay kaagad akong tumapat sa ilalim ng shower. At sa pagbuhos ng tubig ay ang siyang pagpasok sa isipin ko ng mga nangyari kanina.
Mula sa paglalakad niya. Sa boses niya.
Napalunok ako.
Makikipagkilala kaya siya sa ate ko?
Ilang taon na ba si Kyro?
And his accent. May lahi siyang banyaga?
Sa mga katanungang iyon ay natigilan ako.
Ano ba itong iniisip ko?
Bago ako tuluyang lumabas ng bathroom ay pinilit kong alisin sa isipan ko ang mga isiping iyon.
"Si Kyro ba?" pagbungad sa 'kin ni Reese nang makabalik ako sa kuwarto namin.
Nanlalaki ang mga mata kong tinitigan siya na ngayon ay tuwang-tuwa.
"Huwag kang mag-alala, walang hilig sa babae iyon," aniya at saka tumayo mula sa pagkakaupo. "Kaya 'wag ka ring aasa!" nakangising dugtong niya.
Sa sinabi niyang iyon ay tuluyan na nyang nakuha ang buong atensyon ko.
BINABASA MO ANG
Sweet Escape
Teen FictionKyro Silverio grew up from a cruel world. Escaping from reality, he lived a simple life on his own. Everything was planned, from how he will interact with others to his background. He became secretive-mysterious. Little did he know, he was forget...