Chapter 7: Cotton Candy

29 7 19
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Hanggang ngayon na nasa peryahan na kami kasama ang barkada ay hiyang-hiya pa rin ako sa kalokahang naisip ko kanina sa library.

Goodness!

Sa tuwing makakausap ko tuloy si JR ay hindi ko mapigilan ang maging sobrang mabait sa kanya. Nagtataka na nga si Rheese kung bakit ganto ang kinikilos ko.

"Hoy! Ang akala ko si Kyro ang bet mo?" pabulong na may kasamang pagsiko na sabi sa'kin ni Rheese.

Nandito kami ngayon sa bilihan ng cotton candy. Sinamahan niya akong bumili habang sina JR, Ela, Joe at Tin ay nasa hindi kalayuang pila ng ferris wheel.

"Sinong may sabi?" kunot noong balik tanong ko sakanya.

"Gaga! Halata kaya!"

"Talaga?" wala sa sariling tanong ko na ikinabigla naming dalawa.

Nagkatinginan kami.

Dahil sa pagkabigla ko ay bahagya akong umubo at tumawa ng hilaw. Hinawakan ko siya sa braso at pabirong itinulak.

"Gagi, curious lang ako sa kanya!" umiling-iling pa ako at nagsimula nang maglakad. "Lika na nga! Mamaya nalang ako bibili," dugtong ko pa.

Habang naglalakad ako pabalik sa puwesto ng mga kasama namin ay bigla akong natigilan nang makarinig ko nang pagtili mula sa likuran ko.

Kaagad akong bumaling sa pinanggalingan nito.

"Rheese!" nanlalaki ang mga matang saway ko sa kanya at nagmamadaling lumapit dito. "Why are you sreaming?"

Hindi ko alam kung dapat ko bang takpan ang bibig niya o ano. Pero nang makita ko na uulit siya sa pagtili ay kaagad kong ginawa iyon.

"Oh my God! Stop it Rheese!"

Sigurado akong pinagtitinginan na kami ng mga tao dito kaya naman hindi ko na nagawang ilibot pa ang paningin ko dahil sa hiya.

Dios mio!

Habang tukop ng kanang kamay ko ang bibig niya ay hinila ko siya pabalik sa mga kasama namin.

"Sorry po... Sorry po," nasabi ko na lamang habang naglalakad kami.

Ngunit hindi pa man kami nakakalayo sa lugar na iyon ay hinawakan niya na ang kanang kamay ko para maalis ito sa bibig niya.

Nang magawa niya iyon ay tumigil naman siya sa paglakad kaya naman napatigil din ako.

Nanlalaki ang mga matang tinitigan niya ako. Kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata niya pati na rin ang unti-unting pasilay ng ngisi sa kanyang mga labi.

Sweet Escape Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon