Ang pangalawang araw ko sa bagong eskwelahan ay medyo naging busy dahil ngayon ay napagtuunan ko ng pansin ang pakikisalamuha sa mga kaklase namin. At dahil din dito ay mas nakilala ko ang barkada ni Reese na sina JR, Joe, Ela at Tin.
Pinag-usapan namin ang paparating na Fiesta at ang mga event na magaganap bago iyon. Nagyaya pa nga sila na pagkatapos ng linggong ito ay lumibot kami sa peryahan.
Peryahan is fun! Kaya naman walang pagdadalawang isip na sumang-ayon kami ni Reese dito.
“Are you sure?” muli ay tanong ni Reese sa akin.
Nasabi ko sa kaniya na hindi ako uuwi o sasama sa kanila para mag-lunch sa karendirya dahil hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom. At bukod pa dito ay ang init! Masyadong mainit, medyo may kalayuan pa naman iyon. Pwede namang bumili ng makakain sa cafeteria.
If only I could ask her to stay at dito na lang din mananghalian ay ginawa ko na. Ang kaso kasi ay masyadong malakas kumain ang babae na ito at saka inaasahan siya ni tita doon.
“Oo nga... At ayos lang naman ako dito mag-isa, hindi ako mawawala,” nakangising sagot ko.
Napabuga siya ng hangin nang marinig ang sagot ko. Makalipas ang ilang sandali ay tuluyan na siyang nagpaalam at sinabi na dadalhan niya na lamang ako ng paborito nyang cookies pagbalik dito.
Nang tuluyan silang makaalis sa bench na kinaroroonan ko ay kaagad akong naglakad patungo sa cafeteria. Bumili lamang ako ng inumin at crackers at saka kaagad ding bumalik sa pinanggalingan ko.
Nang makaupo ako at maibaba sa mesa ang mga pagkain ay kaagad kong inilabas ang paborito kong itim na notebook. Pinasadahan ko pa ng mga daliri ko ang ibabang parte ng cover nito na may disenyong paru-paro.
Habang ginagawa ko iyon ay biglang umihip ang malakas na hangin na naging dahilan ng marahang pagpikit ng mga mata ko.
Hmm, that was refreshing... I think I made the right choice na mag-stay dito.
Masaya ang mag-isa paminsan-minsan. Lalo pa na kung sa tuwing magkakasama ang magkakaibigan ay walang humpay na ingay ang nangyayari. Everyone's so lively and very welcoming. Ramdam ko ang walang pagdadalawang-isip na pagtanggap nila sa 'kin sa grupo nila. And I'm really happy dahil do'n.
May mga bago akong kaibigan!
Nang imulat ko ang mga mata ko ay kaagad dumapo ang paningin ko sa notebook na nasa harapan ko. At nang buksan ko ito ay bumungad sa 'kin ang hindi natapos na pagsulat ko dito dahil sa tanong ni Reese nitong nakaraang gabi.
Kaagad kong ipinilig ang ulo ko para iwasan ang katanungang iyon. At sa halip ay binasa ang nasa taas ng pahinang nasa harapan ko.
Date: November 7, 2020.
Nang dumako ang mga mata ko sa huling mga katagang naisulat ko dito ay kaagad nag-isang linya ang mga labi ko. An unknown emotion made its presence on my insides.
BINABASA MO ANG
Sweet Escape
Teen FictionKyro Silverio grew up from a cruel world. Escaping from reality, he lived a simple life on his own. Everything was planned, from how he will interact with others to his background. He became secretive-mysterious. Little did he know, he was forget...