Chapter 23 (Confused)

214 10 4
                                    

Sebastian Kent's POV



Pagsapit ng hapon ay naging abala ako dahil kinabukasan ay may board meeting. Hinayaan ko na muna ang mag-ina para makapag-bonding.

Bawat dokumento ay talagang isa-isa kong tiningnan. Wala akong pinapalagpas. Kilala akong CEO bilang mabait ngunit strict at perfectionist.

Yung dalawang huli totoo yun. Pero yung 'mabait'? Hmmmm... Slash that part. Isang malaking pagpapanggap lang yun.

Kaya kong magpaka-demonyo makuha lang ang gusto ko at para sa babaeng pinakatatangi ko. Lahat ng ginagawa kong 'to ay para sa kanya. Sa kanya na umiikot ang mundo ko at rason kaya patuloy akong nabubuhay.







Ilang sandali pa lang akong nagta-type sa desktop ay nakakaramdam na ko ng paghapdi sa hintuturong may sugat. Pero kailangan kong magpatuloy sa ginagawa para hindi ako abutin ng gabi at magkaroon pa ako ng mahabang oras kay Shan.

Nang mapatingin ako sa table clock ay mag-a-alas tres na ng hapon. Kaya pala medyo may pag-alburoto na sa tiyan ko.

Imbis na mag-utos sa kasambahay ay napagpasyahan kong ako na mismo ang kumuha ng aking meryenda. Gusto ko rin kasing tingnan kung anong pinagkakaabalahan ng dalawa.

Una kong pinuntahan ang kwarto ni Mommy ngunit wala sila doon at sumunod ang kay Shan ngunit wala ding tao.

Kunot-noong lumabas ako sa kanyang kwarto. Pero tila nabuhayan ako nang makita siyang naglalakad malapit sa pinto ng kwarto ko at may bitbit na tray ng pagkain.



Kaagad na nagtama ang aming mga mata.

"Shan," tawag ko tsaka mabilis na lumapit.

Nagtagpo kami sa tapat ng pinto ng kwarto ko. Gusto ko na nga sanang paliguan siya ng halik ngunit hindi pwede kaya nagpigil ako.

Bumaba ang tingin ko sa dala-dala niyang strawberries at nutella. "Para kanino yan?"

"Para sa'yo," mahina niyang sagot na di makatingin ng diretso. "Anong oras na kasi pero di ka pa nagmemeryenda kaya eto pinaghanda kita ng favorite mo."

"Talaga ba?" di ko makapaniwalang sambit.

"Oo."

Matamis akong napangiti.

Napatitig siya sa mga mata ko ng ilang sandali kaya napawi ang ngiti ko.

"Wag mo kong tinititigan ng ganyan, Shan. Baka dito pa lang eh angkinin na kita."

Napalunok siya at umiwas ng tingin. "Ma-Magmeryenda ka na."

"Si Mommy pala?" tanong ko bago pa ko makalimot.

"Umalis. May tumawag kasi sa kanya. Baka mamayang gabi pa daw siya umuwi."

"Hmmmm. Talaga?" nakangisi kong sabi.

"Sige na. Kumain ka na---"

"Ako nang magdadala niyan," sabay kuha sa hawak niya tsaka hinatak sa kamay. "Pakibukas ng pinto."

Nang makapasok kami ay mabilis akong nagtungo sa table upang ilapag ang hawak tsaka agad siyang binalikan at sinibasib ng halik sa labi.

"Teka---Sandali---Hindi ko pa---na-i-la-lock ang pinto---"

Isinandal ko siya sa pinto at habang magkahinang ang mga bibig ay ako na ang nag-locked ng pinto. Iminulat ko lang saglit ang mga mata upang magawa iyun ng tama.











There's Something About HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon