Chapter 29 (Jealousy)

151 10 4
                                    

Shannon Rae's POV



Ilang sandali lang ang nakalilipas ay nakarinig kami ng tunog ng sasakyan.

"May inaasahan pa ba kayong bisita?" tanong ni Mommy.

Walang sumagot at nagtataka silang nagkatinginan.

"Good evening!" masiglang bungad ng pumasok.

"Daphne," mahinang sambit ni kuya Seb.

"Mukhang tamang-tama lang ang dating ko," masigla pa ring turan nito habang lumalapit na may bitbit na regalo at isang bote ng wine.

Ang sexy ng suot nitong black dress na mukhang ang layunin talaga ngayong gabi ay ang mang-akit.

Napatayo kaming lahat.

"What are you doing here?" mahinang usisa ni kuya Seb dito sa maayos na paraan.

"Ano pa nga ba? Of course, attending the birthday party."

"I already told you that---"

"Your sister invited me," tsaka binigyan ako ng plastik na ngiti. "Happy birthday, Shannon," at lumapit sa'kin upang makipagbeso tsaka iniabot ang mga hawak.

Kagaya ng lagi kong ginagawa ay nakipagplastikan din ako dito. "Thank you. Salamat din at pinaunlakan mo ang pag-imbita ko."

"Of course! Matatanggihan ba naman kita?"

Nang mapabaling ako kay kuya ay kunot-noong nakatingin sa'kin na halatang hindi makapaniwala sa ginawa ko at nababasa ko rin sa kanyang mga mata na hindi iyun nagustuhan.

"Good evening po, Tita," tsaka kay Mommy naman nakipag-beso.

Isa-isa niyang nilapitan at bineso sila Cheska, Kendrick, Stephen, Kayne at talagang pinahuli si kuya na may kasama pang pagpisil sa braso at matamis na ngiti.

Nag-umpisa na namang kumulo ang dugo ko. Parang nagsisisi na yata akong inimbitahan ko pa ang haliparot na 'to.

















Nang makaidlip ulit si kuya kanina ay nag-message ako kay Daphne para imbitahan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko. Nagpadala ako sa inis at selos.



Marami akong gustong mangyari kanina. Una, gusto kong makita ang reaksyon niya kapag nakita dito ang babaeng 'to.

Pangalawa, gusto ko siyang inisin at baka sana maisipan niyang sabihin yung mga pakikipag-usap at pakikipagkita kay Daphne na hindi niya binabanggit sa'kin.

At pangatlo, gusto kong makita mismo ng mga mata ko kung paano siya kumilos sa harap ni Daphne sa ganitong sitwasyon. Kung nagsasabi ba talaga siya ng totoo na wala lang ang malanding yun sa kanya.









Pero ngayon ay nagsisisi na yata ako dahil parang hindi ko na kinakaya at matagalan ang mga naririnig at nakikita sa kanilang dalawa.

Mula sa pagkain hanggang sa inuman ay hindi talaga umaalis si Daphne sa tabi ni kuya na lalong ikinakakakulo ng dugo ko. Kaya para hindi mahalata ang tunay kong nararamdaman ay pinapatulan ko lahat ng paglalanding ginagawa sa'kin ni Kayne.

Alam kong mali dahil parang ginagamit ko ito pero iyun lang ang naiisip kong paraan upang ma-i-divert kahit papano ang atensyon ko dahil sa kagagahang ginawa ko.















"Alam mo bagay talaga kayong dalawa," puri ni Daphne sa aming dalawa ni Kayne.

Plastik ko itong nginitian tsaka lumagok ng alak sa hawak kong baso.

There's Something About HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon