Chapter 36 (Priority)

212 15 26
                                    

Sebastian Kent's POV



Abala ako sa pakikipaghalikan kay Shan nang biglang...

"WHAT THE HELL!!!" isang galit na galit na tinig.

Bigla na lang may humaltak sa balikat ko at isang malakas na suntok ang dumapo sa aking mukha kaya napaupo ako sa sahig at napahawak sa kaliwang bahagi ng sintido.

"KAYNE!!!" sigaw niya pagkaharap at nang makita ang sitwasyon ko. "Ano ba, Kayne??!!" galit niyang suway at agad akong nilapitan upang tulungang makatayo.

Akmang susugurin ako nitong muli ngunit maagap siyang pumagitna at niyakap ako.

"Kayne, tumigil ka!!!" bulyaw niya dito.

Agad namang lumapit sila Kendrick at Stephen tsaka hinawakan sa magkabilang braso si Kayne.

"Awat na, Kayne!" suway ni Stephen.

"Bitawan niyo ko! Ano bang nangyayari dito?" suway nito sa dalawa.

"KAYNE, ANO BA??!! SABI NANG TUMIGIL KA!!!" sigaw niya na namumula na ang mukha sa galit.

Hindi ko nagustuhan ang ginawang pagsuntok sa'kin ni Kayne ngunit mas nag-alala ako sa naging epekto kay Shan kaya napahawak ako sa kanyang baywang at mukha.

"Baby, calm down."

"Ilayo niyo muna siya dito!" maawtoridad niyang utos sa dalawa na agad naman nilang ginawa.

"Shan, baby," tawag kong muli.

Humarap siya sa'kin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. "Are you okay?" nag-aala niya nang tanong.

"I'm okay. Wala lang 'to, baby."

"Sigurado ka???" alalang-alala niya pa ring tanong.

Agad akong tumango. "Yes, baby. Wag ka nang mag-alala."

Mahigpit niya akong niyakap at halos ayaw na akong bitawan.

"Kumalma ka na, baby," sabay halik sa ulo at hagod sa kanyang likod.

Ilang sandali pa ang itinagal ng aming pagkakayakap tsaka siya bumitaw. Marahang hinawakan at hinaplos-haplos yung parte sa mukha kong nasuntok.

"Masakit ba?" nag-aalala niyang tanong sa malumanay at malambing na paraan.

"Medyo lang, baby. Pero matatanggal yung lahat ng sakit kapag hinalikan mo," nakangiti kong sagot.

Saglit niya muna iyung tiningnan bago tumingkayad at hinalikan.

"Ayan, baby. Medyo nawala na. Pero isa pa kaya?"

Doon na siya napangiti tsaka hinalikang muli.

"Dito naman lumipat yung sakit, baby," sabay turo sa sarili kong bibig.

Lalo siyang napangiti. "Talaga lang huh? Lumilipat pala yung sakit na yun?"

"Oo eh. Kaya i-kiss mo na, baby."

Nakangiting naningkit ang kanyang mga mata. "Sige na nga."

Napahawak siya sa batok at ulo ko tsaka inabot ng halik ang aking labi. Akmang ihihiwalay niya na ang bibig ngunit hindi ako pumayag. Hinapit ko siya sa baywang at hinawakan sa ulo.

Pinalalim ko pa ng husto ang pinagsasaluhang halik hanggang sa hinihingal na kami pareho. Nakakagigil talaga ang kalambutan ng kanyang labi at katawan kaya idiniin ko siya lalo sa akin.

Bumaba pa ako sa chin at leeg niya.

"Baby, pwede bang mamaya na?" hinihingal niyang sambit. "Kelangan pa nating kausapin si Kayne."

There's Something About HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon