Chapter 38 (Intended)

152 8 13
                                    

Shannon Rae's POV



Kanina pa ako hindi mapakali at nababagabag habang nakahiga sa kama ni Kent. Gusto ko na kasing puntahan si Mommy para makausap pero nagpipigil ako dahil baka hindi pa ito handang kausapin ang kahit isa sa'min.



Kasama kong nakahiga dito si Kent pero iniwan muna ako saglit at pumuntang balcony upang kausapin ang secretary niya. Malinaw kong naririnig ang kanyang tinig---may mga kinukumusta at tinatanong siya tungkol sa trabaho at inuutusan din niya itong ihatid dito sa bahay yung mga kailangan niyang pirmahan.



Nang balikan ako ay agad siyang pumatong at isinubsob ang mukha sa leeg ko.

"Iniisip mo pa rin si Mommy?" bulong niya.

Gustong-gusto ko talaga yung bedroom voice niya. Ang sarap pakinggan.

"Oo eh," tsaka inumpisahang suklay-suklayin ang buhok niya.

"Ako rin. Siguro maghintay na lang tayo kung kelan niya tayo kakausapin."

"Yeah," tsaka napahikab.

"Itulog mo na muna yan, baby," saad niya sa namamaos na namang tinig.

Hindi ako nakapagpigil kaya iniangat ko ang ulo niya at sinalubong ng halik sa labi.

"Hindi ka---ba inaantok?" tanong niya sa pagitan ng mga halik.

"Hindi na---Mas gusto ko---ang makipag-sex---sa'yo---kesa matulog!"































































Nagising ako sa mga halik sa leeg at pagkagat-kagat sa aking tenga. Mukhang nanggigigil na naman si Kent.

"Baby," namamaos kong sambit.

Itinapat nito ang mukha sa'kin. "I'm sorry to disturb you, baby. Tumawag kasi si Mommy, kakausapin niya daw tayo."

Bigla akong kinabahan. "Ta-Talaga?"

"Yeah," tsaka marahang hinaplos ang pisngi ko. "Kinakabahan ka?"

Tumango lang ako.

"Don't worry, baby. Hindi ako aalis sa tabi mo no matter what," at masuyo akong hinalikan sa noo.

Niyakap ko siyang mahigpit. Hindi ko talaga kayang mabuhay nang wala ka, Kent.











Bago pumasok sa kwarto ni Mommy ay huminga muna akong malalim.



"Ready?" tanong niya habang mahigpit ang pagkakahawak sa aking kamay.

Tumango ako tsaka pilit siyang nginitian.

"I love you," malambing niyang anas.

"I love you too," at ako na mismo ang umabot sa labi niya upang hagkan ng madiin.















Nasa balcony ng kwarto si Mommy. Nakaupo at sa kung saan ang tingin.

"Mommy," tawag niya.

Dahan-dahan itong bumaling sa'min. "Lumapit kayo dito."

Habang papalapit kami ay bumaba ang tingin nito sa magkahawak naming kamay.

"Alam mo bang ang saya-saya ko noon nang dumating ka dito sa bahay?" umpisa nito na sa kanya nakatingin. "Kasi magkakaroon na ako ng anak na lalake at magkakaroon na rin ng kapatid si Shannon... Ni minsan hindi ko naisip na aabot kayo sa ganitong sitwasyon dahil pinalaki talaga namin kayo bilang magkapatid."

There's Something About HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon