Chapter 39 (Threatened)

120 8 6
                                    

Shannon Rae's POV

Maya-maya ay dahan-dahan akong humarap sa kanya.

"Baby, may gusto akong sabihin," umpisa ko kahit medyo kinakabahan.

"Ano yun, baby?" nakangiti niyang sagot.

Napalunok muna ako. "Kagabi pala, bigla akong hi-hinalikan ni Kayne."

Biglang nabura ang ngiti sa kanyang mukha at napatiim-bagang. "WHAT??!!!"

Maagap kong ikinulong sa mga palad ang magkabila niyang pisngi. "Kumalma ka muna, baby. Please? Please? Please?"

Rumehistro ang galit sa kanyang mga mata. "Mapapatay ko siya!" madiin niyang sambit.

"Baby, please wag kang magpapadala sa galit mo. Makinig ka sa sa'kin. Nangako akong walang itatago sa'yo kaya kahit alam kong magagalit ka eh ipinagtapat ko. Pero please huminahon ka. Nakikiusap ako, baby," halos mangiyak-ngiyak kong pakiusap.

Alam ko na kung paano siya magalit kaya ayaw ko nang maulit pa iyun.

"Saglit lang naman iyun dahil naitulak ko siya agad at sinampal ng malakas," mabilis ko pang paliwanag. "Sorry kung ngayon ko lang sinabi. Naghanap pa ako ng tamang pagkakataon at natatakot kasi ako sa magiging reaksyon mo."

"Natatakot ka? Natatakot ka pa rin sa'kin?"

"Kapag galit ka. Oo. Aaminin ko. Pero kapag galit ka lang naman. Kaya nga ayoko nang magalit ka ulit, baby."

Mariin siyang napapikit tsaka malalim na bumuntong-hininga.

"Baby, mahal na mahal kita," sambit ko habang hinahaplos siya sa pisngi.

Unti-unting nagmulat ang kanyang mga mata at diretso akong tinitigan.

"Salamat dahil pinanindigan mo ang pangako mo kahit alam mong magagalit ako, Shan."

"Baby---"

"Tulad mo, wala rin akong itatago sa'yo. Kaya ngayon pa lang sasabihin ko na agad sa'yo ang nasa isipan ko."

"Ano yun?"

"Gusto ko siyang saktan, bubugin hanggang sa mamatay," turan niya na namimilog ang mga mata tsaka muli na namang napapikit ng mariin na tila nagpipigil. "Pero alang-alang sa'yo, hindi ko gagawin."

"Baby---"

Hinapit niya ako sa baywang at inatake sa labi. Halos pilipitin niya ako sa higpit ng mga yakap at sa gigil na mga halik.

"Pero siguradong masusuntok ko ang gagong yun kapag nagkita kami," hinihingal niyang sambit nang saglit na bumitaw sa labi ko. "Magagalit ka ba kapag ginawa ko yun?"

"Hindi. Maiintindihan ko. Kahit kung ako din naman ang nasa sitwasyon mo ay siguradong masasaktan ko din kung meron mang babaeng bigla na lang humalik sa'yo."

Napangisi siya. "That's my baby," at muli na naman akong sinunggaban.

Hinihingal na namang binitawan niya ang mga labi ko.

"May mga sinabi pa ba siya pagkatapos kang halikan?"

"Oo," sagot ko agad.

"Ano???"



Ipinagtapat ko ang lahat ng sinabi ni Kayne habang diretso ang tingin sa kanyang mga mata. Wala na akong pakialam sa kung anuman ang pwede kahinatnan ng pagiging tapat ko basta wala akong itatago. Mas mainam na rin na malaman niya talaga upang mailayo at maprotektahan niya ako mula kay Kayne.

There's Something About HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon