"PAGOD NA PO AKO"
"Palagi ka nalang lasing kung umuwi ng bahay! Paano tayo aasesenso ha?" Tanong ni Mama kay papa ng pasigaw.
"Tumahimik ka!" Sasampalin sana ni Papa si Mama nang...
"Sige, subukan mo. Ang akin lang naman Lucio e tulungan mo naman akong umasenso itong l*t*h*n* buhay na ito!"
Maya-maya ay natulog si Papa sa may sahig. Napaupo si Mama sa may salas at nakita ko kung paano tumulo ang luha niya. Mga ilang saglit lang ay pinahiran niya rin ito at inalalayan si Papa na tumayo at dinala sa kuwarto. Tuwing gabi naririnig ko ang mga hikbi ni Mama sa kuwarto at sa pag-uwi ni Papa ay palaging namang nag-aaway. Lagi kong tinatakpan ang aking mga tenga ng kamay ko ng magkabilaan. Nabibingi na ako sa mga away nila.
I am was 13, ang pag-aaway na iyon ay natigil. Syempre masaya ako dahil nabawasan ang takot na aking nararamdaman sa tuwing nakakarinig ako ng pag-aaway nilang dalawa. Nag-sikap ako sa pag-aaral at sa murang edad ko ay natuto akong maging working students. Ako 'yong nagbebenta ng kakaning niluluto ni Mama. Kapag madaling araw naman binebenta ko ang mga gulay na hinaharvest niya sa kaniyang munting taniman sa likod ng bahay.
Kahit na limang piso lang ang araw ko sa umaga papuntang paaralan tinitiis ko ang mag-lakad. Minsan pa nga'y napapagalitan ako ng teacher ko dahil palagi nalang akong late.
Kahit alam ko sa sarili ko nakakapagod ang ginagawa ko sa buhay e patuloy lang ako sapagkat alam kong makakaya ko rin ito. Makakaya? Hindi pala, hindi sa lahat ng oras.
"Wala kang kwenta."
"Ang tamad-tamad mo."
"Kanino ka ba nagmana ha ? Napakasinungaling mo."
"Diyan, sa cellphone ka lang magaling. Simula no'ng nabigyan ka ng cellphone puro yan nalang ang inaatupag mo."
Ilan sa mga salitang naririnig ko mula sa kanila. Lagi nila aking pinagdududahang may kinakalandari akong lalaki. Kapag late na akong dumating sa bahay sasabihin nilang "sino 'yong kasama mo kanina? Jowa mo 'yon no?" Kaya minsan napapataas ang kilay ko sa tanong nila.
Saan ba nakukuha ang impormasyong hindi naman totoo. Naranasan ko na rin ang matadyakan at masampal dahil may pagkakataon na sumasagot ako.
Minsan nga hindi na ako sumasama sa gala ng mga kaibigan ko. Naiingit ako oo dahil sila masaya samantalang ako parang bilanggo pa rin sa mundong kinagisnan ko. Ako 'yong panganay sa limang magkakapatid. Tamad agad ang paningin nila kapag nakahawak na ako ng cell0hone o hindi kaya nakaupo dahil nagpapahinga ka.
Minsan nawalan na ako ng tiwala sa sarili ko. Kahit simpleng pagtawid sa kalye hindi ko na alam kasi parang hindi totoong mundo ang tinatapakan ko e. Minsan hindi ko kaya ang mag-isa kailangan talaga ng kasama para magawa ang nais ko.
Minsan na rin nagtaka sila bakit ang mga grades ko raw ay bagsak at scores ko na mababa. Ni minsan hindi man lang ako tinanong kung bakit ganoon ang nangyari.
"'Yan ang napapala mo sa mga kaibigan mo!"
"O baka naman dahil nakikipagkita ka diyan sa boyfriend mo"
Pagod na ako. Ayuko ng umiyak ng palihim. Kapag nagkukwento naman ako sa mga malapit sa akin parang ayae kong ipaalam na ang hina-hina ko. Kaya wag nalang pala.
One time naisipan ko ma rin ang mag-suicide. Ang itali ang leeg ko sa lubid. Gusto ko ng mamatay. At minsan ko na ring hiniling sa maykapal. Pero no'ng ginawa ko ito parang may isang anghel na bumulong sa akin na wag ituloy. Para bang pinaalaoa niya akin kung paano alagaan ng mga magulan ko simula bata pa ako.
Kaya naman kinuha ko ang lubid at tinago. Hindi ako tumuloy sa pagpapakamatay. Kundi naisipan kong magsulat ng liham para sa kanila.
"Mahal kong Mama at Papa,
Ma, Pa, pasensya na kayo kung lilisanin ko muna ang tahanang nag-bigay sa akin ng maraming aral. Ang dami ko pong natutunan sa inyo. Salamat sa pagmamahal na inilaan niyo sa akin. Marahil kailangan ko munang hanapin ang aking sarili upang makalaya sa mundong hindi niyo naman alam nasaan ako. Pero ipinapangako kong mali kayo ng husga sa akin.Papatunayan ko ring may kwenta ako. At balang araw may anak kayong ipagmamalakinsa kapit bahay. Ngunit sa ngayon kaylangan ko munang lumisan. Nga po pala minsan ganoon po ang resulta ng grades ko dahil ang hirap pong kalabanin ang puyat. Pati 'yong sakit na niwawaldas niykng masasakit na salita. Nga po pala lilinawin kong wala po akong nobyo kayo lamang po ang gumagawa ng ganoong kwento. Kaya naman, labis akong nagpapasalamat sa inyo ng buong puso. Mahal ko po kayo pareho. Ingat po kayo babalikan ko po kayo kapag kaya ko na pong iharap ang sarili ko sa inyo na may tapang.
Nagmamahal,
LitishaAt hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakabalik sa dati kong tahanan sapagkat pagod pa rin akong harapin ang takot na baka hindi ko pa sila kayang kausapin at wala akong sapat na kakayahang maging matatag upang magpakita ang mukha kong ito.
@mayo
YOU ARE READING
RANDOM WORKS (STORIES ANDD POEMS)
RandomThis will be the home of my works and as a part my beautiful memories.