"ANG NAG-IISANG ISLA SA GITNA NG KARAGATAN"
WUN: JEMELECA
WORK OF FICTION/KATHANG ISIP LAMANGNoong unang panahon sinasabi, dito sa rehiyon ng Bicol sa Masbate isang maliit na isla ang siyang kinatatakutan ng mga manlalayag sa panahong 1989. Kwento ng mga matatanda ni isang manlalayag sa islang ito ay walang nakakalabas.
"Kapitan Santiago! Narito na tayo sa maliit na Isla. Balita ko maraming ginto ang siyang nakabaon dito kaya napakaswerte natin," nagagalak na wika nito.
"Kulas, mag-isip ka nga ang kwento ng maliit na islang ito ay nararamdaman ko. Ayon sa mga naunang manlalakbay maraming pirata ang siyang nilamon ng islang 'to!" Matapang na sigaw ni Kapitan Santiago. Kinuha niya ang kaniyang espada sa kaniyang tagiliran at sinasiwas ito.
Bumaba siya ng bangka at nilibot ang kaniyang mga mata sa paligid. 17% ang tinatayang lawak ng lupa sa islang ito. May mga puno ng niyog, at mga matataas na mga ningas kugon. Ang mga makahiyang dumadampi sa kanilang mga binti ay parang kagat ng isang makamandag na ahas. Sa t'wing nadadaanan nila ang mga ito ay tumitiklop.
Dagdag pa ng marami tuwing umaga nagpapakita ang isla subalit pagdating ng dapit hapon, alas singko. Ito ay lumulubog sakali mang ika'y nakasabay sa pag-lubog nito ay magsisilbing pagkain ka ng isang napakalakas na halimaw. At hindi rin matukoy ng mga manlalakbay kahit na ang mga residente sa islang iyon.
"Simulan na ang pagmimina!" Utos ng Kapitan Santiago sa kaniyang mga tauhan.
Ang lahat ng tauhan niya'y nagsimula ng maghukay hanggang sa alas kuwatro ng hapon at nakalikom sila ng isang bangkang ginto.
"Yayaman na tayo!" Sigaw ng isang tauhan ni Kapitan Santiago.
"Mali ka, ikaw ay mauuna ng mamahinga sa sa islang 'to." Pinatay ni Kulas ang lalaking iyon. Hanggang sa nagkagulo nanang lahat dahil sa kinain ang mga tauahan ni Kapitan Santiago.
Hanggang sumapit ang alas singko. Habang nag-aaway-away ang mga ito ay biglang gumalaw ang islang iyon.
"Ano ito? Lindol?" Pagtataka ng isang tauhan ni Kapitan Santiago na may malaking tiyan na parang isdang butete.
Unti-unting lumulubog ang isla at sila'y natutumba habang pumapailalim ito. Sa pag-lubog ng isla ay tinangay ng malaking alon ang nakuha nilang isang bangkang ginto.
Tuluyan na ngang lumubog ang isla at maraming manglalakbay ang siyang hindi nakaahon at nalunod. Tanging si Kulas lamang ang nakatuklas ng lahat. Isang malaking halimaw na ang ulo ay kamukha ng nasa litrato ito ay ang maliit na isla at may walong galamay ng pugita, ang kaniyang mga ngipin ay napakatalim gaya ng mga ngipon ng mabagsik na pating.
Nasaksihan niya kung paano naging hapunan ang mga tauhan at si Kapitan Santiago ng halimaw na ito. Ang mga gintong nakuha nila'y sinalo ng higanteng mabagsik na halimaw at ang mga buto ng mga manlalakbay na iyon ay naitatae sa isang minuto at nagiging ginto.
Si kwento ni Kulas hindi siya nakain dahil hindi siya gumalaw. Dagdag pa niya sa tuwing umaga tulog ang halimaw na ito kapag gabi nama'y gising at naghahapunan ng mga lamang dagat gaya ng mga isda. Kinalaunan ang maliit na isla na matatagpuan dito ay madalas kinatatakutan dahil sa palipat lipat din ito ng lugar.
Kaya naman ang paalala ni Kulas. Sa t'wing makikita ng sinuman ang maloit na isla kahit na ang mangingisda ay huwag ng masilaw sa gintong maaaring makuha dito dahil mamatay lang naman sila.
@mayo
Pcttro:
YOU ARE READING
RANDOM WORKS (STORIES ANDD POEMS)
RandomThis will be the home of my works and as a part my beautiful memories.