The Death Mansion

24 14 5
                                    

Arthur.

April 2019,

Last Day of Class. Siguro masasabi kong ito na ang pinakamasayang araw ng mga studyante ngayon, dahil bukas ay bakasyon na. Kung tutuusin, siguro ngayong araw na 'to ang pinakamaraming pumapasok na studyante kung ihahanlintulad mo sa buong class-days. Pumapasok ang lahat para sa huling araw na nandirito sila.

Arthur Cole Vargas, 18 Years Old.

Pero, hindi ako tulad ng iba na sobrang excited sa bakasyon. Wala naman kasi akong gagawing maganda o exciting ngayong bakasyon, malamang sa bahay lang ako kasama nila Mama at magpapaka-tamad buong araw, gawin na nating buong buwan ng bakasyon. Hanggang sa ako na mismo mapagod sa katamaran ko. Pero hindi ko din sinasabi na mas pinipili kong manatili dito sa School, dahil impyerno ang buhay ko pagdating dito.

"Get lost, Stupid Shit!"

Lucas Alwyn, 19 Years Old

Tulad ng sinabi ko, hindi ko din gusto ang manatili pa dito sa School na ito. Dahil tuwing umaga, bago ako pumasok, may mga grupo ng tao na laging naghihintay sa akin para pagtripan ang nananahimik at walang buhay kong buhay. Lalo na yung Leader nila na akala mo may ginawa akong masama sa kanya para araw-araw sirain ang buhay ko. Target nila ako palagi, siya pati yung mga grupo niyang ang luluwag ng mga suot na kala mo mga tanginang jejemon makaporma. Mukhang magnet nga siguro ako ng bully.

Nang makaalis na sila, kinuha ko yung bag ko saka binalik yung mga nagkalat na gamit ko na nagsambulat sa sahig. Inayos ko yung damit ko saka tumayo. Huminga ako ng malalim saka naglakad na papuntang School. Dating gawi, mag panggap na parang walang nangyari.

Naglalakad na ako sa Hallway sa loob ng Building, nang biglang may umakbay sa akin sabay ginulo yung buhok ko. "Hellow, Kiddow."

Charlotte Shines, 20 Years Old

"Teka, Anong nangyari sa labi mo?" Bigla niyang hinawakan yung mukha ko saka hinarap sa kanya, nang mapansin niya yung mukha ko. Napangiwi naman ako dahil naramdaman ko yung hapdi ng sugat ko sa labi. "Binubully kananaman ba?" galit na tanong ni Charlotte dahilan para pagtinginan kami ng mga tao.

"Hindi. Hindi. Nadapa lang ako." palusot ko, saka nagpatuloy na maglakad.

"Sigurado ka?" Tumango naman ako. "Sabihin mo lang kung binubully ka. May Jowa akong Black Belter sa Karate Club, hindi mo kailangan matakot." Pero kahit sabihin niya yung bagay na yun, wala ding magyayari, magkakagulo lang pag sinabi ko na halos araw-araw ako nabubully, at ayun ang ayoko sa lahat na mangyari, ang magka-giyera. Magulo nanga sa bahay, pati ba naman dito? Putangi-

Umiling-iling ako kunwari, "Charlotte, Hindi mo kailangan ipag-mayabang Jowa mo. Alam naming malakas siya, at walang lalaking magtatangkang umagaw sayo." pabiro kong sabi habang naglalakad.

"Dapat lang. Kung ayaw nilang ma-comatose sa Hospital." Collage na si Charlotte pati yung Boyfriend niya. Sila lang yung ka-close kong Collage, o sa buong School, dahil sila lang naglakas loob na makipag-kaibigan sa tulad kong tahimik lang palagi. "Siya nga pala, may sasabihin ako mamaya sayo. Exciting 'to, bawal tumanggi."

"Bakit hindi mo na sabihin ngayon? Nandito na ako."

"Mamaya na sa Room niyo pupunta nalang ako. Sige time na namin, kita nalang tayo mamaya. Pupuntahan kita sa Room niyo." sabi niya sabay takbo papunta sa kabilang direksyon. "Bawal tumanggi!!" pahabol niyang sigaw at tumuloy na sa pagtakbo.

"Sira.." bulong ko sa sarili ko sabay pumasok na sa room. Pagkapasok ko sa Room agad akong napabuntong hininga sa taong nakatingin at nakangisi sa direksyon ko. Isa pang nakakainis na bagay dito sa School? Yung nambubully sa akin? Ka-blockmates ko siya.

The Death MansionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon