Chapter Two

16 13 4
                                    

ARTHUR.


Ngayon ang alis nila Charlotte papunta sa Vacation Trip. Plano ko sanang sumama kasama si Sofia, yung nakababatang kapatid ko. Pero heto ako ngayon nakaupo sa sulok ng kama habang sinusubukang hindi marinig ang sigawan nila Mama sa kusina. Nag-aaway nanaman sila ng Asawa niya. Hindi na natapos ang pag-aaway nila. Tuwing umaga, tuwing may oras, tuwing may makitang bagay na puwedeng mapag-awayan.

"Bat yang panganay mo! Hindi mo pag-trabahuin! Tapos naman na mag-aral yan biba? Palibhasa mana sa dati mong asawa na walang ginawa kundi tumambay sa bahay buong araw!"

"Walang hiya ka. Anong karapatan mo sabihan si Arthur ng ganyan! Anak ko siya!"

"Hindi ko siya anak!"

Siguro nga tama yung asawa niya, mana ako sa dati kong Ama. Walang kuwenta, hindi kumikilos, tamad, gustong lagi lang nasa bahay. Hindi kayang buhayin ang sariling pamilya. Kaya nga wala siya ngayon dito at iniwan niya kami ni Mama nung pagkasilang ko palang. Kaya nag-asawa ng bago si Mama, mali nga lang ang napili niyang pakasalan.

Napatingin ako sa pintuan nang bumukas, nakita ko si Sofia na pumasok sa kuwarto ko habang nakatakip yung dalawa niyang kamay sa mag kabilang tenga at umiiyak, "Kuya.."

"Sofi, Halika dito." tawag ko, sumampa naman siya sa kama at pumunta sa akin, saka ko siya niyakap. "Magiging okay din sila." Kahit kapatid ko lang si Sofia sa Ina, mahal na mahal ko siya. Dahil siya lang yung nag-tuturing sa akin na parte ng pamilya dito bukod kay Mama.

"Kuya, Kala ko pupunta tayo sa malayo? Ngayon yun diba? Nakahanda na nga bag ko sa kwarto. Sabi mo sasama mo ko?"

"Pero, wala tayong pera." Susuko na sana ako dahil wala talaga kaming pera, nang maisip ko bigla yung alikansya ko. "Sige Sofi, kunin mo bag mo. Hintayin kita dito, aalis tayo."

"Talaga?"

"Oo, dali. Biis ka nadin."

Pag-alis ni Sofia, kinuha ko yung alikansya ko sa taas ng aparador. Binuksan ko yun at tinignan kung may laman pa, nakita ko na 190 pesos nalang laman ng alikansya dahil sa tagal ng walang pasok, nagastos ko nadin yung iba dahil minsan hindi nag bibigay ng pera yung asawa ni Mama para sa pag-kain namin. Wala naman akong choice, wala ding pera si Mama, at tarantado pa asawa niya, kung hindi ko gagastusin itong ipon ko mamamatay kami sa gutom.

Pero paano 'to? 300 pesos kami ni Sofi. Baka hindi kami payagan ni Dean sumama pag-kulang pambayad namin. Bahala na, makaalis lang dito sa Bahay na 'to.

Kinuha ko yung bag ko na hinanda ko kagabi saka nag-suot ng jacket. "Kuya, May 10 piso ako. Wala na kasing laman si Mr. Piggy Bank ko." sabi ni Sofi na naka Bag at naka Jacket na may tenga ng teddy bear yung hood.

"Salamat. Okay lang yan, hahanap tayo ng paraan. Tara dito tayo dadaan." Binuksan ko yung bintana sa kuwarto ko sabay hinagis ko yung bag ko pababa. "Tatalon ako, tapos pag-sinabi kong talon, sasambutin kita. Okay?"

Tumango naman si Sofi. Inakyat ko yung isang paa ko sa bintana saka bumuwelo, at nang pag-katalon ko, sa sobrang lakas ng impact di inaasahang ma-spring yung kaliwang paa ko kaya napaupo ako sa sakit. "Shit..." Hinawakan ko yung paa ko saka inikot-ikot para mawala yung spring. Malas nga naman oh.

"Kuya? Okay ka lang?"

"Okay lang." Pinilit kong tumayo at tumingin sa taas. "One Two Three... Talon." pabulong kong bilang. Tumalon naman si Sofi at sinambot ko, mabuti nalang maliit pa siya at magaang kaya madali ko siyang masambot. "Okay ka lang?"

"Opo." sagot niya. Kinuha ko yung mga bag namin at tumakbo papalayo sa bahay. Nang makalayo kami tumigil muna kami sandali saka kinuha yung cellphone ko sa bulsa.

"Sandali lang. May tatawagan lang si Kuya." Dinaial ko yung cellphone number ni Ferd, yung Boyfriend ni Charlotte. "Hello Ferd? Puwede mo ba kaming sunduin ngayon? Please?"

× × ×

"Ayos ka lang?" 

Nasa kotse niya kami ngayon, nasa front seat ako at nasa likod naman si Sofia. Mabuti nalang hindi pa nakakaalis si Ferd nang tawagan ko siya, at pumayag siya sunduin kami. Wala na kasi akong choice, alam kong sisigawan lang ako ni Charlotte pag siya yung tinawagan ko, at siya din nag-aasikaso sa Field Trip kaya si Ferd nalang tinawagan ko.

"Na-spring lang yung paa ko."

"Tumakas ka? Nag-away nanaman mga magulang mo?" tumango lang ako. "Hindi ba magalit Mama mo sa pag-takas mo at sinama mo pa si Sofia?" tanong niya saka tingin kay Sofia sa likod.

Umiling naman ako, "Alam naman nilang isasama ko si Sofia. Ayos na sana, bibigyan nalang sana ako ni Mama ng pang bayad namin para sa trip pero bigla siyang inaway nung asawa niya."

"Ako ng bahala sa bayad niyo. Mahalaga nakasama kayo. Tatawagan ko nadin si Tita mamaya at sabihing sinundo ko kayo at kasama namin kayo sa Trip."

"Salamat.."

"Kuya Ferdi ang sarap naman dito sa koytse mo, ang lamig. Ngayon lang ako nakasakay dito" sabi ni Sofi na ang saya saya. Napangiti nalang ako at huminga ng malalim para kumalma sa mga nangyari ngayon. "Parang nasa rides ako"

"Ganun ba? Sabihin mo lang kung kelan mo ulit gusto sumakay dito, pupunta tayo kahit saang lugar gusto mo. Sasakay tayo dito kahit kailan"

"Talagaaaaa!!!!??" tanong ni Sofi na sobrang tuwa na halos mag hugis stars na yung mga mata niya. "Ye-hey!"

"Patay ka.."

"Mukha nga."

Nang huminto yung kotse sa tapat ng Beach, kasabay kong bumaba si Ferd sa sasakyan. Pumunta ako sa likod saka binuksan yung pinto para alalayan bumaba si Sofi, saka kinuha ko yung mga bag na dala namin kanina.

"Arthur Cole Vargas!" Lagot. Napatigil ako nang makita ko si Charlotte na papalapit sa akin habang sinisigaw yung buong pangalan ko. Paglapit niya, isang hagupit sa batok ang naramdaman ko. "Anong akala mo VIP ka? Ang tagal-tagal mo dumating! Nag-pasundo ka pa sa Jowa ko! Kumpleto na lahat sila, kayo nalang wala!"

"Aray, Sorry."

"Ate Charlotte!"

"Sofiiiiii!! Hala! kasama ka?"

"Opo!"

"Hoy ikaw Arthur ka!" Pipingutin sana ako ni Charlotte sa tenga pero inawat siya ni Ferd. "Ano? Ikaw din, sana tumawag ka man lang at sinabi na susunduin mo 'tong mga ito. Hindi yung akala ko hindi mo na ako sisiputin dito. Mga talipandas kayo."

"Usap tayo mamaya. Ngayon asikasuhin mo muna sila para makaalis na tayo."

"Whaaaaw! Kuya sasakay tayo sa malaking bangkang yun? Ang laki!" sigaw ni Sofi habang nakaturo sa malaking yate sa dagat.

Sana sa Trip na'to maging masaya kami ni Sofia kahit papaano. Kahit sandali lang, makaranas kami ng ginhawa sa mga problema at awayan na nangyayari sa bahay. Matahimik at mapahinga yung mga tenga namin sa sigawan. Kahit sandali lang...

The Death MansionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon