Chapter Three

13 12 3
                                    

FERDINAND.

Matapos kong sunduin sila Arthur at Sofia, o di' kaya sabihin mo ng matapos ko silang itakas, nakaabot naman kami sa Trip. Mabuti nalang hinintay kami nila Charlotte bago sila umalis. Nang kumpleto na kami, nakaalis ng maayos yung Yate. Nasa gitna kami ngayon ng dagat habang madilim na ang kalangitan. Wala ka ng makikitang kahit anong lupa kahit saan, miski bundok sobrang layo pa kung tatanawin mo. Para talagang nasa gitna ka ng kawalan at puro tubig ng dagat lang ang makikita mo at yung mga bituin sa kalangitan.

Ang sabi ni Dean, aabutin daw ng ilang oras bago kami makapunta sa Islang pupuntahan namin, yung Isla na binili niya at kung nasaan ang Death Mansion na sinasabi nila. Yung mga kasama ko ngayon, lahat nasa loob ng Yate nag-sasaya, habang ako pinili ko muna mapag-isa sa labas habang umiinom ng wine na dala nila. Akalain mong mga Senior High pa ang makakaisip na mag-dala ng mga alcoholic drinks kesa sa aming mga College na halos gurang na ang pagiisip.

"Oi, Anong ginagawa mo dito." Napatingin ako kay Charlotte nang bigla siyang sumulpot na parang kabute. Pumunta siya sa railings ng Yate at sinamahan ako tumambay. "Ayaw mo sa loob?"

"Wala ko sa mood." matipid kong sagot.

Tumango siya, "Ano bang iniisip mo? Ang lalim naman niyan?" tanong niya sabay yakap sa akin, sinandal niya yung ulo niya sa dibdib ko at niyakap ko naman yung kaliwang kamay ko sa kanya.

"Yung batang yun."

"Sino?"

"Si Arthur..."

"Si Arthur? Bakit? Anong meron sa kanya?" tanong niya na may halong pag-tataka habang nakatingin sa akin na nakakunot yung noo. Tuwing nag-tataka siya o nagagalit lagi niyang ginagawa yan, yung ikukunot niya yung noo niya at lalabas naman yung parang hugis letter 'm' na shape sa pagitan ng dalawa niyang kilay.

"Tumakas lang sila kanina para makasama dito."

"Ano!? Bakit hindi mo agad—"

"Nag-aaway nanaman yung magulang niya." Hininto niya yung sasabihin niya sa sinabi ko. "Naalala mo yung inimbita tayo ni Art sa bahay niya? Nag-away yung Mama at Step Papa niya duon sa harap natin diba? Kung paano siya kutyain ng Step Papa niya, siguro ganun nanaman nangyari kanina." Ininom ko yung wine ko saka nilapag sa lamesa. "Naaawa lang ako sa bata, kung ano-ano na nga nararanasan niya sa school pati sa bahay ganun din. Natatakot ako na baka isang araw hindi niya na makaya at bigla nalang siya... Tsk." Para bang wala siyang comfort zone o safe place na ligtas siya at hindi siya nasasaktan.

"Wala tayong magagawa. Hindi natin siya anak. Ang magagawa lang natin ay umalalay sa kanya at sumuporta sa mga gusto niya. Damayan? Payuhan? Hindi naman natin pwedeng pag-sabihan yung mga magulang niya dahil bata pa tayo at baka tayo pa mapasama."

Tama naman siya, pero minsan kasi parang sobra na yung nararanasan niya para sa isang murang edad na tulad niya. "Ampunin nalang natin siya. Pati si Sofia." sabi ko saka tumingin sa kanya ng nakangiti na labas yung ngipin. "Ano sa tingin mo?"

"Siraulo!" sabi niya sabay binatukan ako. Tumawa naman ako, "Nababaliw kana ba?"

"Bakit? Ayaw mo yun? Edi may instant Baby na agad tayo."

Napanganga siya, saka ngumiti ng nakataas yung isang kilay. "Susumbong kita kay Papa. Tatagain ka nun sa leeg hanggang lumabas yang balunbalunan mo at mga atay mo." Patay ah. "Ahaha, Tara na nga. Pasok na tayo sa loob, malamig na dito." Nilahad niya yung kamay niya at hinawakan ko naman.

"Papainitin mo ba ko?"

"Bastos ka. Loko."

Papasok na sana kami nang biglang may narinig akong kakaibang tunog, malakas yung tunog ng alon pero parang may humalong kakaibang tunog. Lumingon ako sa likod para tignan kung ano yun. Masyado ng madilim kaya wala na akong makita. Parang tunog ng motor ng bangka? May sumusunod ba sa amin? O sa aming motor lang yun?

"Huy, Ano?"

"Wala. Tara na..."

The Death MansionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon