Chapter Five

11 5 0
                                    

ARTHUR.

Umaalingaw-ngaw sa banyo yung tunog ng likod ko nang bumangga ako sa pader. Saka ko nalang naramdaman yung sakit, hapdi, at manhid na kumalat sa katawan ko. Gusto kong tumayo pero nanghihina yung mga paa ko kaya napaupo nalang ako sa sahig ng walang laban.

Walang laban, palagi naman. Dahil sa katawan kong mahina, dahil sa mukha kong parang walang balak lumaban. Lagi kong iniisip na minsan nag mana din ako kay Mama, hindi lumalaban, kahit naaapi, kahit laging nagugulpi, walang balak lumaban. Ayaw ng gulo. Kung puwedeng umiwas sa gulo, gagawin ang lahat. Pero ang sa akin, kahit anong iwas ko, ang gulo ang sumusunod sa akin.

"So, Great Bull Guy huh? Yun ba ang pinagkakalat mong pangalan ko?" tanong niya na may halong pagbabanta, saka abot sa kuwelyo ko at angat sa pader. Nang kapantay niya na ako, tinignan niya ako sa mata ng nakakatakot. "Sabihin mo, natatakot kaba ng sobra sa akin? Huh? Arthur?"

Kinaumagahan, unang araw namin sa Mansion, naramdaman ko agad yung lamig ng dumaloy sa katawan ko dahilan para sumakit yung katawan ko na tumama sa pader ng banyo kahapon. Ininda ko din yung mukha ko na sobrang bigat at sakit, hindi ko pa sana gusto bumangon pero tumayo ako sa higaan ko para pumunta sa banyo at tignan kung anong itsura ng mukha ko sa nangyari kagabi.

Pag bangon ko, tulog pa silang lahat, sa labas ng kuwarto wala pading mga taong nagigising kaya dumiretso ako sa banyo ng walang nakakakita. Nang makapasok na ako sa banyo, pumunta ako sa tapat ng salamin at tinignan yung mukha ko. May malaking pasa malapit sa mata ko, at mga sugat sa labi ko sa suntok na natamo ko kahapon. Kainis.

"Kuya, bakit ka naka hood?"

Nang makabalik ako, gising na si Sofi, may mga tao nadin sa baba kaya naisipan ko nadin na bumaba kami para nadin makahanap ng makakain ni Sofi dahil nagugutom na siya.

"Wala. Nilalamig lang ako." sagot ko ng nakangiti kahit hindi niya makita yung mukha ko sa hood na nakapatong sa ulo ko. Siguro wala namang makakapansin kung buong araw akong nakaganito.

Pagbaba namin, nakita ko sila Dean, Nicole, at Ken na nasa labas ng Mansion. Nag lalaro sila ng badmenton duon sa parang field sa tapat ng Mansion —na ngayon ko lang din nakita dahil madilim kagabi— Ngayong umaga na at maliwanag na, makikita mo kung gaano talaga kalawak yung Mansion, at sobrang ganda. Walang nag aakala na ganiyo kaganda yung pupuntahan namin.

Dumiretso kami ni Sofi sa kusina, naabutan namin duon sila Charlotte at Ferdinand. Naghahanda sila ng sandwiches at inumin sa malaking counter na parang kainan na sa sobrang lawak.

"Morning."

"Mor—ning." Asar, pati boses ko paos.

"Ate Charlotte, nagugutom na po ako." sabi ni Sofi na pumunta kay Charlotte saka hinila yung laylayan ng damit nito para mapansin siya. Napangiti nalang ako, at least dito mabibigay namin yung gusto niya, hindi katulad sa bahay na pati pag-kain pinagdadamot ng ama niya.

"Tara dito. Bigyan kita ng almusal mo." Kinarga ni Charlotte si Sofi saka inupo sa upuan at pinaghanda ng almusal.

"Art, Bakit paos ka? Saka bakit parang balot na balot ka ata ngayon. Nilalamig kaba? May air-condition dito, gusto mo hinaan natin?" tanong ni Ferd. Yumuko lang ako saka umiling para hindi niya napansin yung mukha ko, pero nagtama yung mata namin at alam kong napansin niya yung tinatago ko. "Anong—Arthur tanggalin mo nga yang hood mo." Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko.

Nang wala akong sagot na binigay lumapit siya sa akin saka tinanggal yung hood ko.

"Arthur, anong nangyari sayo?!" Gulat na tanong ni Charlotte nang makita niya yung mukha ko na puro pasa at sugat.

The Death MansionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon