Chapter One

20 14 4
                                    

JANELLA.


"Hello? Jullie."

"Hi, Beshie. What's up?"

"Where are you? Hindi mo naman malimutan na today is the day of our summer trip, Right?"

"Of course not. I'm on my way, naka-ready na ako. I brought us a lot of snacks and you know, things that a girl need on an isolated island."

"Good. Papunta na din ako. Nagpahatid lang ako sa driver ni Mom para mag paalam kay Dad sa office niya. Pero on the way na ako. I'll see you there?"

"Yes, Bye."

"Bye."

It's May thirteenth, Friday. Ngayon yung two weeks vacation trip na event ng mga College, and I found out na onti lang sa College ang sasama dahil karamihan ay Senior High, but that's okay than nothing diba? Saka wala namang ginagawa sa bahay kaya enjoy ko nalang ang vacation with them. I'm just gonna bored myself if I stayed at home, with dogs, and maids. It's always the same, I'm always alone at home. Mom is an foundation organizer so she's busy planning a lot of foundation and something, she bearly can't go home, minsan nalang at tuwing gabi pa so hindi kami nag-aabot, like Dad, in his family business. So, kadalasang kasama ko lang talaga ay dogs and maid.

Sa Mansion daw kami tutuloy sa isang island na pag-mamay ari ni Dean which is weird, kasi every time you talk about Mansion in the middle of nowhere usually maiisip mo ay Hunted ang Mansion na iyon. I've asked Charlotte, the girl who invited us, to send a picture of the Mansion she's talking about but even she— she doesn't have an idea what the Mansion looks like. It's kind of creepy but exciting at the same time. I maybe hate going out to bunch of people I don't know, but I love adventure. And I heard some students say that, that Mansion is really Hunted, like may Ghost and Creatures na nakatira and I can't wait to find out if it's real or not.

Charlotte also said na puwede mag-sama ng kahit sino basta above 10 years old. My brother is with my Dad handling the business, at I'm sure Mom is not available cause of her foundation plan, so nothing, lahat ng friend ko may plano na kaya si Jullie nalang natitira.

"Janella!"

I saw Jullie waved at my way. Pumunta ako sa kanya dala yung maleta at bag ko, saka nakipag beso-beso. Dito sa cottage sa private beach yung meet-up place ng mga sasama. Dito nadin ata namin ime-meet si Dean and Charlotte.

"Maleta talaga?" Napatingin ako sa likod ko nang may pumuna sa dala ko. Yung lalaking taga ibang section, I think he's coming too. "Sigurado kang hindi ka titira duon?" sabi niya na tumatawa.

Susugod sana ako pero inunahan na harapin ni Jullie, "Hey don't blame her, two weeks kaya tayo sa Island na yun. Walang mabibilihan kahit saan, saka may mga things na kailangan ang mga girls na di niyo kailangan mga boys kaya, shut up." pagtanggol sa akin ni Jullie saka umirap.

"Hey, And I bet mas mahal pa ang maleta ko kesa sa whole outfit mo. You Bitch." sabi ko sabay umupo sa upuan. Tignan mo kasi suot niya, shorts at polo na bulaklakin na sinuot pa ata ng lolo niya nung nag bakasyon ang World War.

"Sungi." You started it.

Sasakay daw kami sa yacht bago kami makarating sa Island na pupuntahan namin. Lima palang kami dito. Ako, Si Jullie, yung mayabang na lalake, at yung kasama niyang babae na taga ibang section din. Si Charlotte anduon sa tapat ng dagat inaabangan daw yung yacht ni Dean. I think Dean's gonna drive it, and it is surprising, but he owns an Island and a Mansion on it so if he can drive a yacht, it wouldn't have to be that shocking.

And when I heard na yacht yung gagamitin at sasakyan namin, sobrang na excite ako kasi diba picture picture. Kunwari sayo iyon. Sosyal kunwari ang Jowa mo, kahit wala pa namang Jowa. Akala ko kasi bangka lang aarkilahin nila but good thing na may yacht si Dean. Sobrang yaman siguro niya.

"Hi guys, Kayo palang dito?"

Napatingin ako sa di kalayuan nang may dumating na— handsome man. Tanned skinned and tall. Tapos nakasando lang siya at ang laki ng katawan niya, kita mo yung braso niya na gosh sobrang muscles. Oh my gosh, may ganito pala kaming kasama. I should have known. Halos mag-dugo na labi ko sa kakakagat habang tumitingin sa kanya. Nakakauhaw.

"Opo, si Ate Charlotte hinihintay po si Dean duon." sagot nung babaeng taga ibang section, yung kasama ng cheap guy kanina. Pasikat, akala mo naman sobrang galang eh isa nga siya sa nakipag-away sa section namin nuong naglabanan sa Folk Dance at natalo sila.

"Ako nga pala si Mark. Second Year College." pag-papakilala niya. "Kasama ko si Mama, wala kasi siyang kasama sa bahay kaya sinama kona." Aww, ang sweet. I already liked this guy. Akin ka nalang. I think I'm inlove na. Sheet.

"Sabi ko nga sa anak ko iwan nalang ako, ayos lang naman sa akin na hindi sumama. Saka gala niyo itong mga teenager, baka nakasagabal lang ako." sabi ng Mama niya na kinangiti ko. Kung ganito lang sana si Mom.

"Ano kaba Tita, ikaw unang naisip niyan nung sinabi kong puwede mag-sama ng kahit sino" sabi ni Charlotte na kararating lang kasama si Dean. Tumingin ako sa Dagat at nanlaki mata ko nang makita ko kung gaano kalaki yung Yacht ni Dean.

"Charlotte, Kasama ka?"

"Opo Tita." sagot ni Charlotte.
"Um, Andito na si Dean. Ayun na yung yacht niya, ready to fly na, ayan lang yung way natin para makapunta duon. Pag nakapunta, no way out na pagwala yang yacht. Kaya kumpleto na ba tayo?" tanong ni Charlotte habang binibilang kami isa-isa.

"Yung Boyfriend mo at Kaibigan mo wala pa," pabulong ni Mark kay Charlotte.

"Ano?!"

"Papakilala ko lang si Mama kay Dean. Ikaw tawagan mo na yung mga hindi pa nakakarating."

Wait, As far as I know, nilista ni Lucas yung pangalan niya sa papel, akala ko sasama siya kasi plano ko pa naman siyang landiin all day, pero nandito na si Mark kaya okay na ako sa kanya. And si Arthur, Kaibigan siya ni Charlotte diba? At yung Jowa din ni Charlotte. Asan na sila ngayon? Gosh, They need to hurry, I can't wait to ride that yacht and enjoy my summer vacation.

The Death MansionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon