CHAPTER 1

1.1K 60 15
                                    

"KIM JONGDAE!!" sigaw ni Xiumin mula sa taas, nasa sofa kasi sya sa salas dun sya pinatulog ng buntis nyang asawa. Napabalikwas agad si Chen at halos liparin na ang hagdan. Agad nito binuksan ang pinto at nakita nyang namumula sa galit ang asawa nya

"What happened?" bungad nyang tanong, lumapit si Xiumin sa kanya saka binatukan, HARD YUN MGA PRE!

"Tukmol ka! Mukha kang gago pag nag e-english! Bakit ganito ang kurtina?! Di ba sabi ko pink?! Tas blue ang nilagay mo! Bobo ka ba?!" Aray! Xiumin. Tao yan! Mukha lang camel.

"Sabi mo kahapon blue tas---" hindi nya na natapos ang sasabihin nya dahil sinabunutan sya ni Baozi. Strike 2!

"Sumasagot ka pa! Umalis ka na nga lang. Naiirita ako sa pag mumukha mo! Layas!!" inis na sigaw sa kanya ng kanyang Minnie Bae, napabuntong hininga sya saka dumiretso sa kusina. Kawawang camel! Sa Exo L ka na lang Chen Chen, di ka namin sasaktan.

--

(CHEN'S POV)

Naiintindihan ko naman eh, buntis sya kelangan nya ng pang unawa pero nasasaktan din naman ako. Nakakapagod minsan pero hindi ibig sabihin nun isusuko ko ang laban, para sa anak namin to, para kay baby Daemin!

Nagulat na lang ako ng may yumakap mula sa likod ko, hindi ko na lang pinansin tong baozi ko baka pag di ako nakapag timpi madoblehan ang nasa tyan nya.

"Chenchen, galit ka ba?" tanong nya, naramdaman kong basa na ang damit ko. Humarap ako sa kanya at hinawakan ang mag kabilang pisngi nya.

"Bakit naman ako magagalit sa baozi ko? Mahal ko kaya yun" malambing kong sagot, napangiti naman sya at niyakap ako. Tangina. Uso naman kiligin ang lalaki di ba? Ang lakas ng tama ko sa xiupao na 'to! Kapang gigil.

"Sorry Chenchen! I love you." umiiyak na sabi nya habang yakap yakap ako, napangiti ako saka sya niyakap ng mahigpit.

"Ssshh Minnie, I love you too." matapos ko sabihin yun hinalikan ko ang ulo nya.

Matapos kaming kumain, pumunta na sya sa kwarto para mag linis ng katawan at nag hugas na ako ng plato. Pag katapos pumunta na ako sa salas at nahiga sa sofa, limang araw ko ng di ko nakakatabi si Minnie. Miss ko na syang yakapin.

"Chenchen ko? Dun ka na matulog sa taas miss na kita eh" nakapout na sabi nya, hinila ko ang kamay nya at napaupo sa lap ko.

"I miss you too baozi babe!" malambing kong sambit, binuhat ko sya na parang bagong kasal.

"Tara na matulog mylabs.. Ang taba mo na oh.." panggigil ko at pinisil ang baby fats nya..

"Anong sabi mo?" uh-oh! Wrong move Chen! Shit.

"Ahm.. Ang sabi ko, ang cute mo lalo.." sabi ko at ngumiti ng alanganin, nakita ko kung pano sumama ang tingin nya. Napalunok ako, alams na kung saan ang bagsak ko nito.

"SA SOFA KA MATULOG!" sigaw nya, tangina. Mag katabi na eh nawala na naman. Putang bunganga to! Tsk.

"Baozi babe hindi sa---"

"Shattap! Dun ka sa sofa sa labas. Layas!" galit na sabi nya at tinulak ako palabas, binagsak nya ang pinto at halos mabingi ako sa sobrang lakas nun.

R.I.P Kim Jongdae.

----

Yo Guys! Sarreh kung walang prologue, wala akong maisip eh XD
sarreh din sa grammatical errors at typos

Thank you! Byiee~

12:37 PM // 05-01-15

-HH041220

Call Me Daddy (XiuChen FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon