CHAPTER 2

899 51 10
                                    

(Jongdae's POV)

"Oy Chen, kamusta na kayo ni Xiu?" tanong ni Luhan hyung bestfriend ng asawa ko.

"Hard sakin" nakapout na sabi ko, nag tratrabaho kasi ako sa kumpanya nina Luhan hyung.

"HAHAHAHA! Yaan muna, buntis e" natatawang sabi nya, ngumiti na lang ako at tinext ang baozi ko

To: Baozi babe

I love you, baby :*

---

"Nga pala hyung, kamusta na kayo ni Sehun?" nakangiting tanong ko, nawala yung ngiti nya sakin at napalitan ng lungkot.

"W-we broke up.." kagat labing sagot nya na halos pabulong lang, umiwas sya ng tingin.

Napalaki ang mata ko, sila kasi ni Sehun para sakin ang isa sa perpektong relasyon. Pero siguro may problema sila na di namin alam, na ayaw nilang sabihin.

"Ah! Sige Chen, alis na ako ah! Pakialagaan best friend ko, bye!" nag dali dali syang umalis. Tsk! Pag ibig nga naman! Hindi ko hahayaang mawala sakin ang asawa ko, pumuti man si Kim Jongin!

**

"BABE! ANDITO NA ME!" pag dating ko kasi sa bahay sobrang tahimik idagdag mo pang nakaawang yung gate pag pasok ko.

"SHIT! XIUMIN. ASAN KA?!" agad kong binaba yung siomai at siopao na pang peace offering ko, pumunta ako sa kwarto, banyo, kusina, garden pero takte wala sya dun. Agad akong kinabahan at kinuha ang cellphone ko

Ilang ring na lang at may sumagot agad

"SHIT MINNIE! ASAN KA BA?! PAPATAYIN MO BA AKO SA PAG AALALA?! OK KA LANG BA?! NASAAN KA AT SUSUN---"

'Chen! Nasa 7'11 lang ako, tsaka may note akong nilagay sa may ref! Pauwi na ako'

Mag sasalita pa sana ako pero agad nyang pinatay, pumunta ako sa kusina at nandun nga yung note nya.

DinoChen,
bibili lang ako ng pagkain ah? love you!

Tsk! Napasapo ako sa noo ko, tangina. Kinabahan ako. Ayokong mangyari yung nangyari sa kanya dati, mariin akong napapikit.

"Jongdae.. Y-yung baby... Asan?" tanong nya at kinapa yung tyan nya. Niyakap ko sya ng sobrang higpit. Sorry baby

"Chennie.. Yung anak natin..." hagulhol nya kaya napaiyak ako, aksidenteng nadulas sya, dun pa lang namin nalaman na mahina ang kapit ng bata.

Umiyak lang sya ng umiyak hanggang makatulog, simula non nag bago sya, walang araw na hindi nya sinisisi ang sarili nya.

"Tama na Minseok." niyakap ko sya mula sa likod, hawak hawak nya yung bote ng alak

"Ang sakit Chen, napabayaan ko sya. Nawala sya satin dahil ng dahil sa katangahan ko.. Ang tanga tanga ko Chen," umiiyak na sabi nya, kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko

"Sssh. Tama na Minnie, nangyari na. Tanggapin na lang natin, wag mo sisihin ang sarili mo ok? Pwede naman tayong gumawa ulit eh, wag ka lang umiyak nasasaktan ako. I love you Minseokkie" humarap sya sakin at saka ako niyakap

"I love you too my Jongdae"

Kaya nangako ako sa sarili ko na hindi ko sya papabayaan, ayoko na ulit mangyari yung dati. Natatakot ako, ayokong mawalan ng anghel ulit. Kaya o.a na kung o.a ang tawag dito.

"Kim Jongdae andito na ako!" sinalubong ko si Minnie na kulang na lang bilhin ang 7'11 sa sobrang dami ng dala.

"Bakit hindi mo ako tinawagan para may kasama ka pauwi? Ang dami mong dala oh" sabi ko at kinuha yung pinamili nya.

"Eh? Sayang ang pera." dahilan nya at nilapitan ako. Nang makapasok kami nilapag ko muna ang pinamili nya.

"Bakit hindi ka pa nag papalit?" tanong habang inaalis ang necktie ko.

"Hinihintay kita" sagot ko at hinawakan ang bewang nya.

"Baluga ka talaga!" nakangiting sabi nya kaya napangiti ako, kinikilig yan!

"Gutom ka na ba?" tanong nya, tumango lang ako aalis na sana sya pero hinigit ko sya at niyakap.

"Minnie, gusto kong makipag make love sa'yo" nakapout na sabi ko, bigla na lang nya ako binatukan.

"Manahimik ka!" namumulang sabi nya,

"I love you Minseok ko" nakangiting sabi ko at hinalikan sya sa noo "I love you baby Daemin" pumantay ako sa tyan nya at hinalikan ang tyan nya.

**

XIUCHEN FEELS~♥

Sorry sa errors my dear.

11:35 AM // 05-19-15

HH041220

Call Me Daddy (XiuChen FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon