CHAPTER 3

847 44 17
                                    

(Chen's POV)

"Babe, wala ka bang sched para mag pa check up?" tanong ko, nasa salas kami at nanunuod ng spit on your grave.

"Sa susunod na linggo pa po, bakit love?" balik tanong nya, umiling lang ako saka ngumiti.

Napansin kong medyo nakakadiri yung movie, nandun na kasi sa kinukuryente yung babae nung matanda.

"Aish! Babe, iba na lang kaya panuodin natin? Hindi ka ba nandidiri?" tanong ko, nag pout naman sya. Ay shet! Pigilan mo ang sarili mo Kim Jongdae, buntis yan! Bawal muna ang sex.

"Eeeeh?! Ayoko. Maganda yan, gaganti dyan yung babae." pag kwento nya, ito talagang asawa ko. Hindi na lang ako nanuod ng movie, binigyan ko na lang ng pansin ang lalaking inunan ang lap ko.

Ang swerte ko sa kanya, ang daming matinong babae at lalaking nag kakandarapa at nahuhumaling sa kanya pero ako pa yung pinili nya. Yung puro kagaguhan lang ang alam, binago nya ako mula sa basagulero hanggang sa maging matinong tao.

At nag papasalamat ako dahil tanggap kami ng mga magulang namin, mas excited pa sila samin. Yung nalaman nilang buntis ang asawa ko agad kaming pinag pakasal. Binili nila yung bahay na to para saming dalawa, pero pangako ko sa matabang babe ko ipag papagawa ko sya ng bahay.

"Asawa ko? Tulala ka na." napansin kong ang lapit ng mukha ni Xiumin kaya agad ko syang ninakawan ng halik.

"I love you Xiumin"

"I love you too Jongdae"

Pinaupo ko sya sa lap ko at hinalikan, lumalim ang halik naming dalawa at bago pa man masundan e bigla na lang may sumigaw. Yung babae sa movie -__- Basag moment ang puta.

Napahiwalay ang asawa ko, tatayo na sana sya pero hinigpitan ko ang yakap ko sa likuran nya.

Hanggang matapos ang movie nakasandal lang sya sakin at yakap yakap ko sya mula sa likuran.

"Babe.."

"..."

"Baby"

"..."

Agad akong nag taka pag kasilip ko tulog na pala, napangiti na lang ako at binuhat sya papunta sa kwarto namin.

Hinalikan ko sya sa noo at labi saka nag lagay ng note sa table. Bibili ako para sa hapunan namin.

**

(Xiumin's POV)

Alas kuwatro ako nagising, napansin kong wala ang asawa ko. Asan na naman yun? Tiningnan ko yung table na nasa tabi ko, kinuha ko yung note at binasa.

Bago ako lumabas tumingin muna ako sa salamin, ang taba taba ko na! Baka mag sawa na sakin si Jongdae, ang pangit ko na! Bumuntong hininga ako alam kong mahal ako ng asawa ko kahit ano man ang size ng damit ko mahal nya ako, patay na patay yun sakin e at patay na patay din ako sa kanya kaya quits lang.

Pumunta ako sa grocery, gusto kong halikan ang asawa ko! Nasan ba yun? Tatawagin ko sana sya pero bigla na lang may sumulpot na babae at ngumiti kay Dae, ngumiti din naman ang asawa ko. Parang ang saya nya ata? Napatungo ako at yumuko, ayaw nya na ba sakin? Napaiyak ako sa naisip ko. Paano ako? Paano kami ng anak nya?

Umuwi na lang ako at nag timpla ng gatas, bawal ma-stress! Baka mapaano si baby! May narinig akong yabag papunta sa kusina agad kong pinahiran ang luha ko.

"Minseok baby, kumain ka muna ng prutas." sabi ni Dae at binigyan ako ng mansanas pero umiling lang ako. Tumayo ako habang hindi sya tinitingnan, lalabas na sana ako pero bigla nya ako niyakap mula sa likod

"Seokki love, anong problema?" nag aalalang tanong nya.

"Kanina, sinundan kita kasi gustong gusto kitang halikan pero nung lalapit na ako biglang m-may b-babaeng lumapit sayo, kinausap mo sya naiisip kong b-baka nag sasawa ka na sakin kasi ang taba ko na, ang p-panget ko pa." naiiyak na sagot ko, hinawakan nya ang bewang ko at hinarap sa kanya, dumampi ang labi nya sa noo ko.

"Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko, hindi ako mag sasawa sa'yo dahil ikaw ang buhay ko. Wag kang mag selos sa mga taong nakakausap ko dahil sa huli ikaw lang ang uuwian ko. Wala akong pakialam kung panget ka o mataba ka sa paningin ng iba, ang mahalaga sakin akin ka." nakangiting sabi nya at pinahidan ako ng luha

"Cute ka, ok? Kaya ka nga bagay tayo e. Cute ka at pogi ako. Wag ka ng umiyak ha? Mahal na mahal kita. Alam mo ba yun?" nakangiting sabi nya at hinalikan ako sa labi.

"I love you my Jongdae." napangiti sya lalo, kinikilig ang asawa ko!

"Tara sa kwarto at mag rakrakan tayo! Namimiss ka na ni Jongdae jr." pilyang sabi nya, binatukan ko sya.

**

Call Me Daddy (XiuChen FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon