CHAPTER 4

682 41 6
                                    

(Xiumin's POV)

Pag kagising ko ng umaga, bumangon agad ako at nag handa ng makakain pero bago yon hinalikan ko muna ang asawa ko. Nagising sya at ngumiti sakin

"Good Morning baby." nakangiting bati nya at pumantay sa tyan ko. "Good Morning baby Daemin."

"Good Morning love, bumangon ka na at papasok ka pa sa office." sabi ko at hinalikan ang labi nya.

"Agang aga, chansing agad ang asawa ko ah." nakangising sabi nya umirap lang ako at tumayo sa kama.

"Oh, tampo na agad. Mamaya na tayo bumaba, gusto muna kitang masolo." sabi nya at hinigit ang kamay ko, napaupo ako sa kama.

Nakasandal kami sa head board ng kama, nakasandal ako sa dibdib nya at nakapulupot ang braso nya sa bewang ko. Nanahimik kami sandali

"Bakit ako ang minahal mo? Nandyan naman si Luhan, Sehun, Chanyeol pero bakit ako?" biglang tanong nya, tiningnan ko sya at nginitian

"May mga taong kinakaibigan lang at may isang taong mamahalin mo lang, at ikaw Mr. Kim Jongdae, ikaw lang ang mamahalin ko." sagot ko na kinangiti nya, niyakap nya ako pero dahil nakahara yung baby hindi masyadong mahigpit.

"Mahal na mahal kita Minseok." sabi nya at hinalikan ang noo ko

"I love you too Chen Chen"

**
(Chen's POV)

"LUHANNNN!" napatakip ako ng tenga sa sigaw ni Minseok. Kapag talaga silang dalawa ni Luhan ang mag kasama dinaig pa ang babae sa sobrang ingay.

"XIUMINNN!" nag yakapan sila at hinawakan ni Luhan hyung ang tyan ng asawa ko.

"Ang laki na ng tyan mo! Alagang alaga ka ni Dae ah!" natatawang sabi ni hyung lumapit ako kay Xiumin at inakbayan

"Syempre naman! Mahal na mahal ko tong asawa ko e" hinalikan ko sa pisngi si Xiumin, nakita ko kung gaano namula ang mukha nya.

"Aish! Tumigil ka nga Jongdae!" saway ni Xiumin, nag pout lang ako at iniwan muna silang dalawa, hahayaan ko muna silang mag usap.

(Xiumin's POV)

Nang makaalis si Jongdae umupo muna kami ni Luhan sa may salas.

"Kamusta ka na?" nakangiting tanong ko, umiwas sya ng tingin. Alams na! May problema ang usang to.

"Wala naman Xiu." nakangiting sagot nya, umiling ako at tinaasan sya ng kilay

"Kilala kita Luhan, alam kong nag sisinungaling ka. Sabihin mo na sakin, bestfriend mo ko di ba?" nakangiting sabi ko, napayuko sya at bigla na lang umiyak.

"S-si Sehun.. M-may a-anak sya sa iba... at y-yung babaeng nabuntis n-nya p-pinsan ko... X-xiu ang sakit.. Hindi ko n-na alam ang g-gawin ko.." niyakap ko sya ng sobrang higpit. Kitang kita sa mukha nya na pagod na sya at nahihirapan, wala akong nagawa kundi ang yakapin sya.

"JONGDAE! IKUHA MO SI LU NG TUBIG!" sigaw ko kay Chen, maya maya dumating si Chen at binigay ang tubig kay Lu.

"Tahan na.." alo ko sa kanya, kumalma sya at humiwalay sakin.

"Sorry ha? Nagdrama pa ako." nakangiting sabi nya, ginulo ko ang buhok nya.

"Wala yon, bestfriend mo ko kaya kahit gaano kadrama pa ang kwento mo nandito lang ako." sabi ko pa.

"Tsaka pati din ako!" singit ni Chen kaya napatingin kaming dalawa sa kanya. Baliw na troll na to! Bigla bigla na lang eepal.

"Hehehe. Ge, bye." ngiting asong sambit nya at pumunta sa kusina, natawa lang si Luhan

"Buti ka pa may forever! Tsk." bitter na sabi nya, tumawa lang ako

"Hahaha! Mag kakameron ka din, sa tamang panahon." ngisi ko, umirap lang sya at hinawakan ulit ang tyan ko.

"Anong pangalan nya Xiu?" nakangiting tanong nya at hinimas ang tyan ko.

"Daemin Ace." sagot ko, tumango naman sya

"Hi baby Daemin! Ako si tito Luhaen." nag aegyo pa sya. Natawa ako sa sinabi nya, Tito pero Luhaen? Hahaha. Gunggong.

"Tara na! Kain muna tayo!" tumayo ako at hinila sya papuntang kusina sakto namang nakapaghain na si Chen

"Tatawagin ko pa sana kayo." nakangiting sabi ni Chen, inilalayan ako ni Chen para makaupo, umupo si Luhan sa tapat namin.

"Guys, wala ngang forever." inis na sambit nito, natawa si Jongdae.

"Bitter ka lang hyung." nakangising sabi ni Dae, kinuha ko ang kanin at ulam at nilagyan ang plato ni Chen.

"E di kayo na ang sweet!" kumuha si Luhan ng kanin at ulam at nilagyan ang plato nya "Bakit kasi dito ka pa kumain Luhan? Minsan shunga ka din e." pangangaral ni Luhan sa sarili nya.

"Alam mo hyung, maging masaya ka na lang at kalimutan mo na sya. Mag bagong buhay ka ulit." ngiti ni Dae, napatango naman ako sa sinabi nya

"Luh? Paano ako makakapag bagong buhay e sya ang buhay ko?" banat nito, napangiwi ako sa sinabi nya. High na si Luhan.

"Mais pa murrr!" komento ko.

"Kapag ako talaga nakamove on hu u kayong dalawa sakin!" nakapout na sabi nya.

"Kung makakamove on ka e" pang aasar ni Jongdae, umirap lang si Luhan kay Chen at kumain na lang.

**

Pag kaalis ni Luhan nandito kaming dalawa ni Chen sa salas. Nanonood ng t.v.

"Paano kung nakabuntis ako ng iba babe? Anong gagawin mo?" tanong ni Chen kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Subukan mo lang! Papatayin kita!" seryosong sagot ko, nagulat na lang ako ng halikan nya ako sa pisngi.

"Ang seryoso mo naman bebe ko!" sinikmuraan ko sya, munshunga yung 'bebe ko' e.

"Hindi ko kayang gawin sa'yo yon no, sa hita mo lang ako nalilibugan e! Ang hot mo kaya! Sa'yo lang kaya ako tinitigasan!" nakangising sabi nya, binatukan ko sya at sumandal sa balikat nya. Maya maya narinig ko syang kumakanta

" Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo
Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba
Walang iba ♪"

Napangiti na lang ako sa magandang boses nya.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala ka sakin, mahal na mahal kita Kim Minseok." bulong nya na kinapula ng pisngi ko

Sht Jongdae! I love you so damn much

**

Salamat sa suporta guys :) #HAPPYBIRTHDAYKIMJONGDAE. Please lang umamin na kayo sa relasyon nyo ni Minseok ♡

Call Me Daddy (XiuChen FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon