YAHIKO
Puta! Saan ba galing yung ingay na 'yon?
(SOUND: Grunting, heavy breathing, the metallic clang of a zombie's claws hitting metal)
"They're everywhere! Just keep moving, keep firing. Don't let them get close to us."
(SOUND: A shotgun blast, a guttural scream.)
"One down. But there's always another one coming. They're relentless. They just keep coming."
(SOUND: A flurry of gunfire, "bang bang bang!" rapidly, interspersed with the groans and snarls of zombies)
"This ammo won't last forever. We need to find a way out of this mess. A safe place. A place to fight back."
(SOUND: A heavy metallic clang as a zombie slams into a metal barricade, a desperate scramble for ammo, the frantic click of a magazine being inserted into a gun)
"They're breaking through! We need to make a stand. This is our last chance. We fight now, or we die here."
(SOUND: A final, deafening shotgun blast, a triumphant roar, the sound of the zombies slowly fading away)
"Hoy deputa! Ang ingay!" Sigaw ko kay Saturn.
Napabangon ako sa mahabang sofa na hinihigaan ko, at ganun din si Owen na nakahiga naman sa kabilang sofa.
Alam na may natutulog naglalaro ng pag kalakas-lakas na video game niya.
Bwisit na Saturn 'to!
He just kept playing and didn't even pay attention to me, tarantadong to. Parang walang naririnig, tapyasin ko kaya ang tenga ng gunggong na 'to.
"Mission Accomplished!" Saturn leaned back in his chair, a satisfied sigh escaping his lips.
"What 'mission accomplished' are you talking about? Class starts in a few hours, ni hindi manlang ako nakapag pahinga nang maayos dahil diyan sa nilalaro mo." Bulyaw sa kanya ni Owen at binatukan pa siya nito.
Buti nga! Kung kailan kasi may natutulog saka nag lalaro, naka full volume pa talaga, kung hindi ka ba naman isa't kalahating tarantado.
Sakto namang pag dating ni Aze biglang lumapit si Saturn na animoy batang napagalitan ng nanay, "Aze! Look inaaway na naman nila ako." Parang kawawang bata niyang sabi.
Sapakin ko pa kayong dalawa eh!
Kinakamot kamot niya pa ang ulo niya kung saan banda binatukan ni Owen. Nangati siguro sa sakit, sa bigat ba naman ng kamay ni Owen talaga namang kakalembang ang utak mo pag binaltukan ka.
"Get off of me." Ani nito na agad namang sinunod ni Saturn.
Mukhang badtrip na naman ang kupal.
"Bleh!" Asar ko kay Saturn. Gunggong na 'to nag susumbong pa.
Buti nalang wala si Sac dito kundi baka pinagtanggol na naman nyan si Saturn. Pareho kasing may letter S ang pangalan e kaya nag kakampihan, ang meaning siguro ng S nila parehong supot.
"Let's eat, nandito na yung foods."
Ay mali, nandito rin pala ang isang gunggong. Mukhang lumabas lang para bumili ng pag kain. Tinaas niya pa yung hawak niya na plastic bag sa mag kabilaang kamay.
"Sa wakas!!!" Si Saturn.
"Ayan na ang timawa!" Sigaw ko nang biglang umamba ng takbo si Saturn kay Sac.
Puta! Baka maubusan kami dahil sa tarantadong 'to!
Hindi pwedeng nauuna to sa pag kain dahil pag nag kataon tiyak na mauubusan kami.
Kagaya ng ginawa ni Saturn tumakbo rin ako papalapit kay Sac para dambahin yung dala-dala niyang plastic bag na may laman na mga pagkain namin.
Pero nung makalapit na kami biglang nalang tinaas ni Sac 'yun, dahilan para di namin maabot, medyo matangkad kasi samin si Sac, mag-kasing tangkad sila ni Aze, hindi katulad nitong si Saturn na kasing tangkad kolang nakulangan ata sa vitamins.
"You two! Umayos nga kayo!" Suway samin ni Thalia. Nakakatakot ang katarayan ng isang to kaya naman agad kaming sumunod.
Pumwesto kami sa bandang dining table namin dito sa hide-out, sakto lang para saming anim yung laki.
Pinasadya talaga namin na isakto ang mga ganito noong binubuo namin ang hide-out. May mga sariling space pa nga kami kaso minsan mas trip namin mag sama-sama sa living room.
Inihanda na nila Sac at Owen yung makakain namin, habang kami naman naghihintay at nanonood ng TV.
.
.
.
"....... dipa matukoy ang dahilan.... bigla na lamang itong nangisay...."
".... dito banda sa botocan...."
"....Fle..sh.. eat....ing vir....us"
".... babalik kami upang ibalita uli ang lagay rito....."
.
.
.
Ano raw? Hindi ko maintindihan yung ibang sinabi, diko alam kung mahina lang yung signal o sadyang sa TV 'yun.
"Botocan? Sa Quezon City yun 'diba?" Tanong ni Owen, saka nilapag naman nila ni Sac yung inihanda nilang mga pagkain sa lamesa.
Masama ang kutob ko. Iba talaga pakiramdam ko, parang may hindi magandang nangyayari.
"Yeah." Maikling sagot ni Aze.
Bigla nalang dumako yung mata ko kay Saturn, aba ang puta nakasalisi na ng dalawang manok!
Sabi ko na nga ba eh! May nangyayari talagang hindi maganda, lakas ko talaga makasense ng hindi maganda, gaya nalang ng isang 'to!
Sarap na sarap pa ang puta. Kada kagat ng manok siya rin sunod-sunod na pag subo niya ng kanin.
Minsan napapaisip ako kung ginugutom ba to sa kanila, pero imposible yun, spoiled ang tarantadong to eh!
Buti nalang naisipan na rin ng mga kasama namin na mag sikuhaan ng pagkain, kundi baka lalagyan nalang matira samin.
BINABASA MO ANG
Last Generation: Zombie Apocalypse
Teen Fiction"There is life after survival." But would you survive?