CHAPTER 3

27 12 0
                                    

YAHIKO

Pag pasok ko ng room nakita kong nag kukumpulan ang mga tarantado sa sulok.

Ano na naman kayang pinag kakaguluhan ng mga puta na 'to?

Nakita ko naman si Thalia na nasa sulok lang nakaub-ob at mukhang natutulog.

Si Sac at Owen nasa bandang gilid at malamang naglalaro na naman ng online games yung dalawang yun.

At ang isang gunggong naman nandito, nasaktuhan na nakatingin ito sa akin kaya naman siya na ang tinanong ko.

"Aze, anong meron bat nag kukumpulan 'yang mga yan?" Tanong ko pero inirapan lang ako ng gago.

Aba puta to! Lagi nalang ako iniiripan, onti nalang iisipin ko na may sakit na kung ano 'to e. Dinaanan ko nalang din siya at dumiretso nalang sa mga tarantadong nag kukumpulan sa likod.

Baka kung ano pa magawa ko dyan eh!

"Hoy mga gunggong! Anong meron bat nagkukumpulan kayo dyan?" Tanong ko nang makarating ako sa pwesto nila.

"Meow....."

Pusa? Ano namang ginagawa ng pusa rito?

"Ang cute kasi ng pusa ni Saturn." Sagot ng isa sa mga kaklase namin.

Nagsihawi sila dahilan para makita ko si Saturn na nakaupo at buhat buhat ang alaga niyang itim na pusa.

"Bakit nandito si Pluto?" Tukoy ko sa pusa.

"Wala siyang kasama sa bahay eh."

Napa 'ah' nalang ako sa sinagot niya, mukhang wala na namang kasama sa bahay ang gunggong na 'to, nag out of the country na naman yata ang magulang niya.

"Shet!" Biglang sigaw ng isa kong abnormal na kaklase, may papalo palo pa talaga siya sa desk niya. Parang gago lang eh.

"Guys... Tignan niyo yung balita." Medyo may pangamba niyang sabi.

Yung mga kaklase ko naman dali dali nilabas ang mga cellphone nila, at mukhang sinunod nga ang sinabi ng isa naming kaklase.

Napakunot nalang ako ng noo, putek anong meron?

"...... dito sa San Pedro Laguna..."

"...katulad ng pangyayari sa ibang lugar.... nangisay...."

"..... kinukumbulsyon ang ale... nang tulungan ito ng mga tao..... biglang kinagat...."

"....... can food....?.."

".... pansamantalang tinawag.... Flesh eating virus....."

".... pinapasuspende ang klase..."

".... pinag-iingat ang lahat.... lalo na sa kalapit bayan ng mga nasabing lugar...."

Kanya-kanyang tunog ng mga cellphone nila.

Tangina anong meron?

Kasabay nun ang pagdating ng isang lalaking estudyante na umagaw sa atensyon naming lahat, mukhang mula sa ibang section at mukhang kakaakyat lang dito sa building namin kasi hingal na hingal at pawis na pawis pa ito, mukha rin siyang mabaho.

Humawak siya sa side ng pintuan at huminga bago mag salita. "May nag kakagulo sa labas!"

"Anong nangyayari?" Tanong ni Owen.

Mukhang kakatapos lang nila maglaro ni Sac ng online game.

"..... pinag-iingat ang lahat sa Cavite....."

"... manatili sa bahay... at hintayin ang susunod na balita...."

Tunog iyon mula sa cellphone ng iba naming kaklase.

Ayoko mang isipin pero mukhang nag kaka-idea na ako sa mga nangyayari. Putangina! Totoo ba 'to?

"PUTANGINA TUMAKBO NA KAYO!!!!" Sigaw ng kung sino sa labas.

Halos lahat kami na nasa loob ng classroom ay napalabas dahil sa umalingawngaw na sigaw.

Nasa corridor kami at tumingin sa ibaba, rinig na rinig namin ang malalakas at takot na sigawan ng mga nasa baba. Lahat sila ay nag tatakbuhan, nag kakagulo at may mga iba pang umiiyak na halos hindi na makalakad dahil sa takot. Tangina ano bang nangyayari?

Nagulat kaming lahat at halos masuka nang makita naming dambahin ng isang babae na puno ng dugo ang isang estudyante sa baba.

Putangina! Halos kagatin niya ang ulo nito na parang wala lang.

"Z-zombie!" Natatakot na salita ng isa sa mga kaklase namin.

"TANGINA PAAKYAT NA SILA!!!"


Last Generation: Zombie Apocalypse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon