SAC
Nakapabilog kami ngayon nang upo kasama ang iba naming kaklase, ang tantya ko nasa kinse kami.
"We can't stay here, we need to get out of here and get help." Seryosong saad ni Aze.
Sa aming lahat ako, si Thalia, at si Aze ang may pinaka alam sa survival skills.
Sa fighting instinct din, alam ko rin naman na merong fighting instinct sila Saturn, Owen at Yahiko.
Eto lang sa mga kaklase namin ang hindi ko alam.
Umayon ako sa sinabi ni Aze na alam ko namang may laman. "Aze is right. Kahit pa sinabi na parang haunted na rito sa lugar natin, kailangan pa rin nila malaman na may nakaligtas." Dugtong ko.
Tahimik lang ang lahat na tila ba nag iisip sa sinabi namin ni Aze. Hanggang sa may bumasag ng katahimikan at kumontra rito.
"Ano? Gusto niyong umalis tayo rito?!"
"Delikado! Hindi natin alam ang naghihintay sa labas. Baka mamaya imbis na ligtas, mamatay pa tayo!"
"Kaya nga! Mag hintay nalang tayo ng tulong."
"Kung gusto niyong mamatay kayo nalang!"
Kontra ng mga kaklase namin.
Gets ko naman ang punto nila, hindi talaga namin alam kung ano yung naghihintay sa labas, kaso kung mananatili nga kami rito, hanggang kailan?
Hanggang kailan kami maghihintay?
Mag hihintay nalang ba kami?
"College ba talaga kayo? Ang bobo niyo eh." Sabat ni Yahiko. Wala talagang preno 'to.
"Mas mamamatay tayo kung nandito lang." Seryosong sabat ni Owen.
"Mas maigi na 'yun! Kaysa lapain d'yan sa labas." Sagot naman ng isa naming kaklase na babae.
"Kaya naman namin mag hintay dito."
"Sige nga, kung nandito lang kayo, saan kayo kukuha ng pagkain?" Si Saturn habang may kinakain na naman.
Tangina nito, mukhang baon ko pa ata ang kinakain. Dibale na. Mas masama magutom ang isang 'to.
"Hindi rin naman siguro mag tatagal at may rescuer din na darating para irescue tayo." Sagot ng isa pa naming kaklase na lalaki.
"We're not sure tungkol d'yan, that's why we have go outside." Mataray na sambit ni Thalia. Mukhang nauubos na ang pasensya niya sa iba naming mga kaklase.
"Mamili kayo. Wait here and die, or go outside and die?" Seryosong ani ni Aze.
Mukhang may plano na siya, alam ko kasi pag ganyan si Aze.
"Dito lang kami!" Matigas na sabi ng isa naming kaklase.
Halos lahat ng kaklase namin ay gustong huwag lumabas, kaming mag kakaibigan lang ang sumang-ayon sa plano na paglabas.
"Mabuti pa nga!" Pikon na sabi ni Yahiko.
Napabuntong hininga nalang ako, tangina pano ba 'to?
Anim lang kami rito na nag kukumpulan sa likod, yung iba naming kaklase nandun lang banda sa harap sa may whiteboard, ayaw talaga nila sumama samin miski sa pag plano kung ano bang mga dapat naming gawin.
"So what's our plan?" Tanong ni Thalia.
"Hindi tayo makakalabas sa main door dahil tiyak na pag bukas palang, zero na agad," paninimula ko.
"Etong bintana," sabay turo ko sa bintanang malapit samin. "Kasya tayo d'yan, may rope na nakasabit d'yan." Tukoy ko sa bintanang plano naming gamitin palabas.
Kami kasi nila Aze at Saturn ang naglagay ng lubid d'yan, kami lang din naman kasi ang dumadaan duon para mag short cut papuntang parking lot ng school. Sakto lang din ang kipot ng daan at wala namang napapadpad duon kundi kami lang.
"We have scaffold ladders sa baba, kaya ako o si Sac ang unang bababa." Seryosong sagot ni Aze.
"Wala tayong weapon." Si Saturn, at ni ready na si Pluto na ilagay sa isang pet bagpack carrier na transparent.
"Meron, ikaw! Ikaw ihaharang ko sa mga zombie, kinain mo baon ko tangina ka!" Bulyaw ni Yahiko sa kanya pero binelatan lang siya si Saturn. Kahit kailan 'tong dalawa na 'to walang paawat.
"May nakita kaming broken metal chair ron ni Aze kanina," sabi ni Owen, she's pointing to the cabinet near us. "We can use it as a weapon."
Kinuha niya naman yung nakita nilang possible weapon at sumunod si Thalia para tulungan siya. Pag balik nila, chineck namin kung pwede ngang magamit. At tama nga si Owen, sakto lang din yung laki ng putol na bakal, at tulis ng dulo, pati na rin yung bigat.
Pinagpatuloy lang namin yung pag uusap tungkol sa plano, hanggang sa nabuo ito.
Kagaya nung una, kami ni Aze ang taga check ng paligid.
Sa napag planuhan pag baba namin dito sa classroom didiretso kami sa parking lot para mag hanap ng kotse na pwedeng naming gamitin papunta sa hide-out, yun ang naisip naming unang destinasyon, may mga gamit kasi kami ron na pwede naming magamit at mapakinabangan.
Saka kailangan din namin ng pagkain, lalo na't may buwitre kaming kasama.
Yun lang muna ang binuo naming plano, pag nakarating na kami sa hide-out, dun na namin sisimulan ang susunod naming hakbang.
Pag tapos namin mag usap usap hinanda na rin namin yung mga possible weapon na pwede naming magamit kung sakali.
Sinubukan pa namin ulit na kumbinsihin yung iba naming kaklase na sumama maliban kina Aze, Yahiko at Thalia na mabilis maubusan ng pasensiya.
Kaso ayaw talaga nila e, siguro babalikan nalang namin sila.
BINABASA MO ANG
Last Generation: Zombie Apocalypse
Novela Juvenil"There is life after survival." But would you survive?