OWEN
"...... dito sa Muntinlupa..... isang lalaki ang kinumbulsyon..."
"......mabagal ito...."
"....... sinugod ang isang ale...... "
".. magbabalik.... channel bct...... "
.
.
.
Tatlong araw na rin na ganun ang balita, pare-pareho, laging may kinukumbulsyon at kung ano pa. Uso na naman ata ang sakit ngayon.
"Sigurado kaba anak? Ayaw mo bang sumama samin sa Palawan?" Tanong ni Mama sabay abot sakin ng ulam.
Magbabakasyon kasi sila ngayon, hindi ko trip ang sumama atsaka isa pa ayoko maghabol ng lesson sa school.
"Yeah, Ma."
"Ate Elowen, sige na sumama kana." Pagpupumilit sakin ng kapatid kong lalaki. Yumakap pa ito sakin at tila nanglalambing.
Gustuhin ko man ay mas okay na mahirapan na ako ngayon kaysa mag enjoy ako tapos pag balik puro pahirap lang ang mangyayari sakin.
"Oren, don't force your sister. It's better that she decided not to come so she can focus on her studies." Ani ni Papa na sinimangutan naman ng kapatid ko.
Buti nalang nandito si Papa, kung hindi at baka hindi ko matiis ang kapatid ko at si Mama.
Ayoko rin naman na tiisin sila kung tutuusin, kaya lang kung susundin ko ang pansamantalang pahinga ay ako rin naman ang mahihirapan pag balik.
"Kaya mo ba mag-isa na muna anak? Mga 2 weeks din kami wala, nag-iwan na ako ng groceries dito at stock na frozen food." Sambit ni Mama.
"Yeah Ma, thank you. Saka okay lang naman po ako, my friends are here with me—"
Saktong pag kasabi ko nun ay saktong kumalabog ang pinto pero tumigil din agad ito. Medyo kinabahan pa ako at nalunok ko agad yung kakasubo ko palang na kanin.
Akala ko kung ano na, baka yung aso lang namin.
Pero kumalabog pa ito ulit na nag patigil samin sa pagkain. Shuta! Ano yun?
Bigla nalang bumukas ang pinto at niluwa nito ang isang lalaki . . .
"Saturn?!" Usal ko nang makita kung sino ito.
Peste! Kala ko kung ano na. Ano namang ginagawa nito rito?
"Hi hehehehe," bati nito na animoy walang nangyari, tumayo siya sa pinagbagsakan niya atsaka pinagpagan pa yung suot niyang uniform. Kasunod non ang paglabas ni Sac sa pintuan na kumaway pa at ngumiti samin.
"Hello po Tito at Tita, hello Oren." Bati ni Saturn nang makalapit ito samin.
Walang anu-ano na umupo ito sa tabi ko atsaka nag tanong kay Mama, "Pwede po kumain?" Parang kumikinang pa ang mata nito.
Walang hiya 'to.
"Sure nak, sige kumain kana d'yan. Ikaw rin Sac umupo kana." Nakangiting sabi ni Mama.
Pagkasabi niya nun ay agad agad namang kumuha ng pagkain ang walangya sa tabi ko. Shuta, hindi ba 'to pinapakain sa kanila?
"Goodmorning po Tita at Tito. Isasabay na po sana namin si Owen." Magalang na sabi ni Sac.
"Ganun ba? Oh sha kumain na muna kayo bago pumasok sa school." Sabi naman ni Papa sa kanya.
Ngumiti naman si Sac atsaka tumabi kay Saturn na paubos na agad yung kinakain.
Sinenyasan ko naman si Sac tungkol dito kay Saturn at bakit parang umagang umaga para itong ginutom ng sampung taon, pero nag kibit balikat lang ito atsaka nakikain na rin.
Minsan talaga ay sumasakit na ang ulo ko sa kanila, buti nalang wala rito si Yahiko. Dahil isa pa yun.
"Isasama nga pala namin si Butch 'nak, okay lang ba sayo?" Tanong ni Mama. Tinutukoy niya ang alaga naming aso. Tumango naman ako kay Mama bilang sagot.
Nagkwentuhan pa kami, at nakisali na rin tong dalawang magulo sa kwentuhan namin, nag bilin lang sakin si Mama at Papa ng about sa bahay, at sarili ko.
Isasama na rin daw nila sa Butch para kung sakaling sa mga kaibigan ko ako matulog at di ako umuwi rito ay hindi makaligtaan si Butch.
Pag katapos nun ay nagpahinga lang kami saglit bago umalis, kasabay narin namin sila Mama na lumabas ng bahay dahil ngayon din ang alis nila.
Hays, sana lang nakasama ako, pero dibale na.
BINABASA MO ANG
Last Generation: Zombie Apocalypse
Roman pour Adolescents"There is life after survival." But would you survive?