Kabanata 3 ✓

57 5 0
                                    

Nakapalumbaba naman si Rian sa kanyang upuan habang nakikinig sa klase. Kanina pa siya ganito mula ng makita niya muli ang lalaki na nagngangalang Alec.

Kanina pa nakaalis ang guro at iba na ang asignatura ngayong pinapakinggan niya ngunit hindi niya pa rin maialis sa isip ang nangyari kanina. At sa tuwing inaalala niya iyon ay hindi niya mapigilang mainis dahil sa hiya.

Nagtama naman ang mga mata ni Rian at Alec matapos magpapakilala ang lalaki sa dalaga. Para namang napako si Rian sa kinatatayuan niya dah sa gulat na makita niya ang lalaki na nakipagtalo sa kanya nung isang linggo dahil sa isang banana milk.

"You can sit beside Ms. Manjares." Saad nito sabay turo sa isang bakanteng upuan sa likuran kung saan may nakataas na babae na nakasuot ng salamin.

Sinundan naman ng tingin iyon ni Rian at muling ibinalik ang mga tingin sa guro na nasa harap niya. Hindi niya mapigilang mapatitig dito hanggang sa hindi niya namalayan na sinusuri niya na pala ito.

Matangos na ilong, mala-rosas na mga labi, matangkad, matipuno ang katawan dahilan para bumakat ang mga muscles nito sa suot nitong polo. Isa lang ang masasabi dito ni Rian.

"Gwapo!"

At dahil sa matagal na pagkakatitig ni Rian sa guro ay tumikhim ito at nagsalita.

"I know, I'm handsome but can you stop staring at me and sit down already? You're wasting my time in lecturing." Saad nito na halata sa boses ang pag-kairita.

At dahil doon nagsimulang magtawanan ang mga studyante sa loob ng silid dahilan para makaramdam ng hiya si Rian. Hindi na siya nagsalita pa bagkus ay dumeretso na agad siya sa upuan niya habang namumula ang kanyang pisngi.

Nang makaupo na ay tumingin muna siya dito saka sinamaan ng tingin, ngunit ngiti lamang ang iginanti nito kay Rian dahilan para mainis siya.

"Okay, class. Let's proceed."

Bumuntong hininga naman si Rian ng maalala ang nangyari kanina sabay sandal sa kanyang upuan. Sakto naman ay tumunog ang kanilang vell hudyat na breaktime na nila. Kaya naman ang mga studyante ay agad na nagsipag-tayuan habang ang guro naman nila ay naiiling na lamang habang nagliligpit ng mga gamit.

Inilibot naman ni Rian ang kanyang tingin at napagtanto niyang siya na pala ang natitira sa loob kaya naman ay napag-desisyunan niyang lumabas na.

Hindi naman siya nagugutom at wala siyang ganang kumain kaya nagpasya siyang libutin na lang ang paaralan upang maging pamilyar.

Habang naglilibot ay hindi niya maiwasang mamamangha. Malaki ang school na nilipatan niya at maganda rin. Isama pa dito ang malaking field ng soccer at court. Madaming puno sa palagid kaya hindi masyadong mainit.

Habang naglilibot ay hindi niya namalayan na napahinto siya sa silid ng library. Tiningnan naman niya ang kanyang relo na suot at nakitang may kalahating minuto pa siya bago magsimula ulit ang klase.

"May oras pa naman ako."

Pumasok naman siya sa loob at halos lumuwa ang kanyang mata ng makita ang loob ng silid-aklatan. It's an old-fashioned style library. Mga nagtataasang mga book shelves agad ang makikita pagpasok pa lamang sa loob.

Naglakad-lakad naman si Rian sa loob. Ganun pa rin ang reaksiyon nito, gulat dahil sa laki ng library. Hindi tuloy mapigilan ni Rian ang mapapikit dahil sa naaamoy niyang mga libro.

Operation: Seduce, Mr. Alec Villareal [EDITED Ver.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon