Kabanata 12 ✓

42 3 0
                                    

"Bwisit naman oh..." Bulong ni Rian sa kanyang sarili.

Agad naman siyang napatakbo sa pinto ngunit naharangan na ito. Lumingon naman siya sa likod upang doon dumaan ngunit napapalibutan na siya ng mga lalaki.

"Hey, Missy. H'wag ka ng pumiglas dahil hindi ka makakatakas samin." Saad ng isang panot na lalaki.

"Stop. Don't talk. Abot ang baho ng bibig mo dito. Kaya siguro nawala ang mga buhok mo, ano?" Saad ni Rian at nagkunwari pang nagtakip ng ilong.

Nainis naman ang lalaki sa sinabi ni Rian dahilan upang sumugod ito una. Hinuli naman ni Rian ang kamay nito dabay suntok sa mukha nito at tinulak dahilan upang matumba ang iba. Sumugod naman ang dalawang lalaki kaya naman ay yumuko siya.

Tumama naman sa isa't-isa ang mga suntok ng dalawang lalaki. Hinampas naman ni Rian ang leeg ng dalawang upang mawalan ng mawalay. Gulat na gulat naman ang mga tao sa loob dahil sa nakikita nila.

"Huwag niyo siyang hahayaan na makatakas!"

Nang marinig iyon ay napamura na lamang si Rian dahil padami na ng padami ang mga kalaban niya kaya naman ng makakuha ng tiyempo ay agad na tumakbo si Rian sa pinto at agad na lumabas.

Nang makalabas ay napatigil siya ng wala siyang matataguan. "Hays, bahala na nga." Agad na tumakbo si Rian sa isang pinto. Nang pihitin niya ang pinto ay bukas ito kaya naman ay agad siyang pumasok dito.

"Hanapin niyo! Nagtatago lang iyan sa mga kwarto." Rinig ni Rian sa labas ngunit napatigil naman siya ng may magsalita at sumigaw sa likod niya.

"Aahh!"

"What are you doing here and who are you?"

Agad naman na nilingon ni Rian ang nagsalita sa likuran niya. Nakita niya ang isang lalaki at isang babae na parehas nakahubad.

"Hayst. Malas naman oh!" Saad niya at naghanap ng matataguan ngunit wala siya mahanap dahil mahuhuli lamang siya ng mga ito kaya naman ay napatingin si Rian sa bintana kung saan bukas ito. Lumapit siya doon at sinilip ang labas ng bintana. Nakita niyang may hagdan sa gilid nito kaya naman ay agad siyang sumampa doon at bumaba.

"Boss, Nandito ang babae!" Rinig ni Rian at tumingala.

"Sa baba! Abangan niyo sa baba!"

Napamura na lamang si Rian at binilisan ang pagbaba. Saktong pagbaba niya ay nagbukas rin ang pintuan sa likod kaya naman ay agad na napatakbo si Rian sa kabas ng kanto.

"Ayun! Habulin niyo! H'wag niyong patatakasin!"

"Sh*t!"

Napatigil naman si Rian sa pagtakbo ng may tumigil na sasakyan sa harapan niya.

"Pasok, Rian. Bilisan mo!" Saad ni Jonathan at agad na binuksan ang passenger seat.

Napangiti naman si Rian ng makita niya ang binata kaya naman ay agad siyang pumasok at agad na pinaharurot ang sasakyan papa-alis.

"Wwooohh! Hahahaha." Tawa ni Rian habang nakatingin sa likod kung saan patuloy na tumatakbo ang mga lalaking naghahabol sa kanya.

"H'wag kang tumawa diyan! Sabi ko naman sayo na delikado eh." Saad ni Jonathan sa dalaga.

Si Rian naman ay napangiti na lamang at bumuntong hininga. "Oo na, Oo na. Thanks."

Inismiran lamang siya ng binata kaya naman at napatawa na lamang siya. "So ano, may makuha ka bang impormasyon?"

Operation: Seduce, Mr. Alec Villareal [EDITED Ver.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon