Prologue

8 1 3
                                    

Prologue

Bus Terminal

Isang lugar kung saan nag sisimula at nagwawakas ang isang paglalakbay

Isang paglalakbay na babaunin mo ang mga alaala kahit saan ka man magpunta

"Paano ba yan, hanggang dito na lang, magkaibang dereksyon na ang tatahakin natin" napalingon ako sa kaniya dahil sa mga katagang sinabi niya.

Dalawang taong pinag tagpo sa hindi inaasahang pagkakataon.

Isang lugar kung saan naghilom ang mga sugat na aming pinagdaanan

Dalawang magkaibang kwento ng pag-ibig

Ngunit isa lang ang hangad, ang makalimutan ang sakit ng nakaraan.

"Salamat sa pagsama sa akin, hindi ko makakalimutan na may nakilala akong katulad mo." Sa ingay ng aming paligid tanging siya lang ang aking nakikita, ang mga mata niyang maraming nais sabihin. Mga ngiti niyang nag bigay sa akin ng pag-asa na makakayanan kong magpatuloy, kakayanin kong magsimula muli,

"Mag-iingat ka" sumilay sa iyong labi ang ngiting laging nagpapagaan ng aking loob

Sabi nila ang pamamaalam ang isa sa pinaka masakit na gagawin ng isang tao, ngunit sa pagkakataong ito walang sakit o lungkot akong nararamdaman. Mas nananaig sa akin ang pag-asang muli tayong magkikita. Kung kailan kakayanin na nating harapin ang takot na sumubok muli sa larangan ng pag-ibig. Kung kailan pwede na ang ikaw at ako, pwede na ang tayo.

Sa gitna ng ingay ng mga tao sa terminal na ito, tibok ng mga puso natin ang siyang nananaig sa aking pandinig. Sa aking pagtalikod sayo handa na akong harapin muli ang totoong mundo.

Bago ako tuluyang maglakad papalayo sayo may mga huling kataga akong nais sabihin "Hangad ko ang paghilom ng iyong puso" isang ngiting puno ng sinseridad ang sumilay sa aking mga labi

"Hangad ko din ang paghilom ng iyong puso at paglaya mo sa kalungkutan." Kuminang ang iyong mga mata tulad ng pagkinang ng mga tala sa langit. Sana hindi na mawala ang kinang sayong mga mata dahil ayoko na ulit makita ang kalungkutan at sakit sa mga iyan at sana sa muli nating pagtatagpo tunay na ang sayang nararamdaman mo.

Hanggang sa muli.

__________________________________________________________________

Disclaimer

This story is a work of fiction. Names of characters, organizations, places, and events/incidents are either the products of the writer's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental

This story will also try to promote the hidden beauty of Baguio City and Sagada. I hope you will all enjoy reading this story as much I enjoyed writing it. In this story everything is still normal, no virus and all. Still, stay safe everyone.

Love lots,

Ela D.

A Journey To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon