Bus Terminal
Maingay. Iyan ang araw-araw na buhay dito sa Maynila, kasing ingay nito ang isip ko. Habang pinagmamasdan ko ang paligid ko mas lalong gusto ko ng katahimikan para kumalma din ang mga bagay na gumugulo sa isip ko. At para mahanap ko ulit ang sarili ko dahil hangga't nandito ako at nakikita ko siya mas lalong hindi ko mahahanap ang paghilom.
At tulad nga ni Angelica Panganiban sa pelikulang That thing called Tadhana kailangan ko din isigaw sa Sagada ang lahat ng hinanakit ko sa mundo pero hindi ako umaaasa na may JM De Guzman na sasama sa akin dahil hindi naman pelikula ang buhay ko para magkaroon ng leading man.
Kung tutuusin sa dami ng problema sa Pilipinas itong problema ko eh wala pa sa kalingkingan ng problema ng mga tao sa paligid ko, tulad na lang ni Kuya na nagtitinda ng mani pilit niya hinahabol ang papaalis na bus para mabentahan ang mga taong mahaba-haba ang byahe papunta sa kanilang destinasyon sigurado akong may pamilyang naghihintay sa kaniya kung may pagkain ba siyang maiuuwi.
Tulad na lang ni ate sa Ticket Booth halatang stress na siya sa dami ng taong nakapila para bumili ng ticket pauwi sa kani-kaniyang probinsya, gabi na rin kasi at alam ko punuan na ang mga terminal ngayon dahil long weekend. Parang gusto na niyang sigawan lahat ng tao dahil sa sobrang stress.
At tulad na lang ng mga taong katabi kong naghihintay dito siguradong lahat sila may pinagdadaanan pero hindi din naman biro ang pinagdadaanan ko dahil nakakaapekto na ito sa progreso ko bilang mamamayang Pilipino dahil maliban sa hindi ako nakakapag trabaho ng maayos naaapektuhan na rin ang pamilya ko sa gabi-gabi kong pag-iyak. Kaya gusto ko munang huminga at magpakalayo-layo.
At sa wakas pagkatapos ng ilang oras na paghihintay dumating na rin ang bus na sasakyan ko papuntang Baguio City. Pumila na ako para maibigay sa kundoktor ang ticket ko, gusto ko na rin kasing magpahinga dahil ilang balde din ang iniyak ko ngayong araw na akala mo eh di na ako babalik samantalang dalawang linggo lang naman ako sa Baguio.
Pagsakay ko sa bus kaunti pa lang ang tao kaya nakapili pa ako ng upuan na sa tingin ko ay magiging kumportable ako. Airconditioned naman ang bus na sinakyan ko para hindi din hustle at hindi ako kakaba-kaba na baka huling byahe na ito ng buhay ko.
Isang malaking bagpack lang naman ang dala ko kaya may space pa yung compartment sa taas ng upuan ko para sa gamit ng makakatabi ko. Buti na lang medyo nauna akong sumakay kaya makakapwesto ako sa tabi ng bintana. Lakas maka emo ng pwesto ko dahil medyo umaambon at may masakit na playlist si kuyang driver. Nananadya ata at Paano na kaya pa ang pinatutugtug, sapol na sapol ako ah di ako nakailag.
Bago pa tumulo ang luha ko dahil sa kantang iyan may nakatayo na sa gilid ko at tinatanong ako kung may kasama ba ako dahil wala na daw bakante. Lalaki siya at nakahoodie, medyo kinabahan ako dahil sa mga teleserye nakakahinala yung mga taong sumasakay ng bus tapos tinatakpan yung mukha ng hoodie o kaya ng sumbrero. Kaya nagsumiksik ako sa bintana baka masamang nilalang pala itong tumabi sa akin. Nako naman sana naman hindi masamang tao toh, alam kong nagiging judgemental na ako pero mas mabuti na yung nag-iingat kaysa magsisi ako sa huli. Gusto ko pa nga sanang lumipat kaso puno na ang bus at wala nang bakanteng upuan kaya sinuri ko muna itong si kuyang nakahoodie, nakasandal na yung ulo niya sa upuan, medyo kita ko naman ang mukha niya, gwapo naman siya at mukhang kalmado naman at hindi naman siyang mukhang holdaper o kung ano pa man kasi nakita ko din ang tatak ng bag niya mukhang branded pa nga eh pero hindi pa rin ako magpapakumpyansa noh baka mamaya second hand lang yun.
"Miss alam mo bang masamang tumitig sa tao lalo na kung di mo kilala?" Nagulat pa ako sa pagsasalita niya kasi malalim at lalaking-lalaki yung boses. Nahiya naman ako bigla dahil naramdaman pala niyang nakatitig ako, at napaiwas ako ng tingin ng biglang bumukas ang mga mata niya at deretso siyang tumingin sa mga mata ko
BINABASA MO ANG
A Journey To Love
RomanceHanda ka na bang magpatawad? Handa ka na bang muling buksan ang puso mo sa bagong pag-ibig? Handa ka bang muling mahanap ang sarili mo? Sa mundong pinili tayong saktan at balewalain handa ka bang makita ang mundong tanggap at kaya kang ipaglaban? Ta...