Ikalawang Byahe

4 1 5
                                    

"So ito yung first time mong babyahe ng mag isa?" tanong niya habang hinihintay naming maluto ang cup noodles na kakainin namin habang naka stop over kami dito sa Pangasinan, 1 AM na rin kasi at isang convient store palang ang bukas. Isang oras na lang naman at makakarating na kami ng Baguio. Pagkatapos kasi naming magpakilala sa isa't isa kanina saglit lang kami nag-usap tungkol sa mga bagay bagay sa buhay namin maliban lang sa mga problemang kinakaharap namin, parang masyado na kasing personal yun para pag-usapan. Pagkatapos nun natulog na kami at nagising na lang ako dahil kinakalabit niya ako at niyaya niya akong kumain muna.

"Oo ng ganitong kalayo, usually kasi sa Antipolo lang ako pumupunta kapag gusto kong huminga kaso marami kasing memory doon eh" Napahinto ako dahil naaalala ko na lagi niya akong sinasamahan doon kapag gusto ko munang mag isip-isip at doon din namin napag-uusapan ang mga plano namin sa buhay pero hindi na ata matutupad ang iba doon. Malungkot akong napangiti sa isiping iyon, hay.

"Ang hirap noh, kapag yung mga dating lugar na nakapag bibigay sayo ng kapayapaan ngayon hindi mo na mapuntahan dahil mas nasasaktan ka dahil sa mga alaalang nabuo sa lugar na yun." Napatingin ako sa kaniya dahil parang ang lalim ng pinag hugutan niya. Nakatuon lang ang atensyon niya sa pag halo sa mainit na noodles sa harapan niya. Nacurious tuloy ako kung ano ang pinagdadaanan niya pero tulad nga ng sabi ko parang masyadong personal kung magtatanong ako.

" Ehem, ahm ikaw first time mo lang bang babyahe ng mag isa?" Ibinalik ko na lang yung tanong sa kaniya para gumaan naman yung atmosphere

"Hindi naman pero yung pupunta ng Baguio mag isa, ito yung unang pagkakataon na wala akong kasama at tatlong taon na rin nung huli akong nakapunta doon." Napahinto siya sa paghalo sa noodles niya na parang may masakit na alaalang pumasok sa isip niya, napapikit kasi siya at bumuntong hininga na parang pinipigilan ang emosyong gustong kumawala. Mukhang dapat na akong tumigil sa pagtatanong kahit sobrang curious na ako.

"Nako kailangan na ata nating bilisan sa pagkain, baka maiwan tayo ng bus" ang awkward bigla, pero binilisan na lang namin dahil nakita naming nagbabalikan na rin ang ibang pasahero sa bus.

Pagkatapos naming maubos ang kinakain namin ay dali-dali kaming tumakbo at sumakay ng bus dahil mukhang kami na lang ang kulang at tama nga dahil pagsakay namin ay umandar na ang bus.

"May tutuluyan ka na ba sa Baguio?" Tanong niya sa akin

"Wala pa nga eh, maghahanap palang ako ng matutulugan dahil bukas ko pa naman balak pumunta ng Sagada" biglaan lang naman kasi itong pagpunta ko ng Baguio kaya hindi ako nakapag pa-book agad ng hotel. Ito nga at naghahanap ako dahil baka meron pang available na hotel pero halos lahat fully booked ng dalawang araw dahil sa long weekend. Haist bakit ba hindi ko ito inuna? Mas inuna ko kasi ang paghagulgol kaysa maghanap ng matutuluyan.

"Pupunta ka rin pala ng Sagada" Napatingin ako sa kaniya

"Oo, ikaw din?" Tumango lang siya sa akin, kaagad din akong bumalik sa paghahanap ng hotel

"Hay sana meron pa, baka sa kalsada ako matulog ng isang gabi ah haist" Kahit ano atang scroll ko dito wala na akong makikita dahil lahat ng makita kong mura-mura lang eh fully booked na, ayoko naman sa mamahaling hotel dahil isang gabi lang naman ako magiistay sa hotel bago ako pumunta ng Sagada.

"May rest house kami sa Baguio at doon ako tutuloy masyadong malaki yun para sa isang tao kung gusto mo doon ka na lang din tumuloy. Marami namang kwarto doon at hindi ka pa gagastos ng malaki dahil pagkain lang talaga ang kailangan bilhin, pero kung hindi ka kumportable sa ideyang yun maiintindihan ko. At uunahan na kita, hindi ako manyak at mas lalong wala akong balak na masama sayo. Nag ooffer lang ako kung sakali lang na wala ka na talagang mahanap na matutuluyan mo" Napalingon ulit ako sa kaniya, nakatingin lang din siya sa akin. Hinihintay siguro ang sagot ko. Parang hindi ata tama na magsama kami sa isang bahay lalo na ngayon lang kami nagkakilala, hindi naman sa jinujudge ko siya or something pero mas mabuti nang mag-ingat. Lalaki pa rin siya, haist. Kaso ang tempting ng offer niya, dahil wala na talaga akong makitang hotel na may available room pa, kaso ugh ano ba ang dapat kong unahin? Pride ko o yung ideyang may matutulugan na ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Journey To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon