IV. Joke's On Her

106 8 4
                                    

01 APRIL 2016

A year has passed when our batch graduated high school. Ngayong college na kami ay mas lalong nawalan kami ng connection ni Jo.

"Hay nako, April. Nakatunganga ka na naman," sita sa akin ni Dina.

"Bawal magmuni-muni, 'teh?" sabi ko naman nang hindi niya ako kulitin.

"April 1 ngayon, beh. Masaya mang-prank ngayon!" sabi ni Dina na siyang mas nagpaalala sa akin ng mga pranks ni Jo.

Winagayway ni Dina ang mga kamay niya sa harap ko. "Earth to April! Earth to April! Teh, ano ba?"

"Wala 'to. Ano bang magandang gawing prank?" ngiti ko sa kanya.

"Sabihin ko kaya kay Lem na gusto ko mag-shift ng course?" sabi ni Dina sabay tawa. Marami pa siyang sinuggest na pranks pero lumilipad talaga ang isip ko. Hindi ko alam kung bakit.

Okay, joke lang 'yon. Si Jo ang iniisip ko ngayon. I mean, kamusta na kaya 'yon? May nililigawan na kaya siyang bago ngayon? Saan kaya siya nag-college? Ano ba 'yong course n'on?

Aahhh! Ayoko na. Somebody stop me.

"Ano, April? Ano 'yung nagustuhan mong prank?" maligalig na tanong sa akin ni Dina. Narealize naman niyang hindi ako nakikinig sa kanya. "Ano ba yan, April. Ano ba 'yang iniisip mo?"

Nang hindi ako sumagot ay nalaman niya ang sagot sa tanong niya. "Sino pala dapat," pagtatama niya sa tanong niya.

Napabuntung-hininga na lang siya dahil d'on. At nagsimula siya sermonan ako. Ang tindi, ano?

"Ikaw kasi. Ayaw mo pa kasing magpaligaw kay Jo. Ayan, the joke's on you," sermon niya. Patuloy pa ang monologue niya.

Napaisip tuloy ako. Then I realized one thing... Mahal ko na pala talaga siya.

Sabi ni Dina sa akin, hanapin ko raw siya nang matahimik ako. Kung nakita ko ba siya, matatahimik 'tong isip ko?

Sabi din ni Dina, kausapin ko siya. Kapag ba kinausap ko siya, makukuntento 'tong isip ko?

Sa lahat ng sinabi ni Dina na gawin ko, wala akong ginawa. Ang ginawa ko? Ti-next ko siya. Sana lang at iyon pa rin ang number niya.

April
04-01-16 | 17:56
Hindi kita namimiss.

April Fools' DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon