V. Joke's On Him

117 8 3
                                    

01 APRIL 2016

One year na pala magbuhat nung naka-graduate kami. Isang taon na rin ang nakalipas magmula nung huli kong nakita si April.

Magmula noon, hindi ko na siya kinulit. Hindi ko na siya kinausap. Hindi ko na siya tinawagan. At kung anu-ano pa.

Nag-deactivate kasi ako ng Facebook account ko pagkatapos nun. I closed all my social media accounts. But after a month, I activated my Facebook pero pinalitan ko na 'yung pangalan ko. Para na rin hindi ako mahanap ng mga high school batchmates ko. Para hindi na ako mahanap pang muli ni April.

Hindi niya nga ako hinahanap, ako naman ang naghahanap sa kanya.

She's doing well, based on her Facebook and Twitter accounts. Patapos na ang 2nd sem niya sa FEU ngayon. Kasama pa rin niya si Dina hanggang ngayon. (Kailan ba maghihiwalay 'yang dalawang 'yan?!) Pero aside from Dina, may isa pa siyang babaeng kaibigan. Mayroon din siyang dalawang pang kaibigang lalaki na laging kasama sa pictures and mentions niya. Isa sa mga lalaking 'yon ang current boyfriend ni Dina. Ewan ko kung nililigawan siya nung isa niyang kaibigan o pawang kaibigan lang siya.

Pero kahit ano pa ang puwang niya sa buhay ni April, dapat wala na akong pakialam.

Minsan, naiisipan kong puntahan si April. Malapit lang naman 'yung bahay namin sa FEU. Ang kaso, ang labo ko naman kung magpapakita pa ako sa kanya. Lumayo ako tapos magpapakita sa kanya bigla-bigla? Kaya sinusubukan ko na lang na magmove on. Para na rin naman 'to sa ikabubuti ko.

"Jo," tawag sa akin ni May, kasama ko sa university ko. "Si Errol, nag-aayang kumain sa Tam Bayan. Ano, sama ka?"

Nabigla ako. Malapit kasi 'yun sa FEU. Eh iniiwasan ko pa namang pumunta doon.

"Uy, ano? G?"

Pupunta ba ako?

Pero bago pa ako makasagot kay May, rinig kong tumunog ang phone ko.

"Saglit lang," paumanhin ko kay May. Akala ko kasi tawag. Text lang pala!

April
04-01-16 | 17:56
Hindi kita namimiss.

April Fools' DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon