II. April's Not A Fool

230 15 14
                                    

01 APRIL 2014

Isang taon na ang nakalipas simula nung biniro ako ni Jo. Tss, pasalamat siya, gwapo siya. Tsaka, best friend ko siya eh. Anong magagawa ko?

"Sorry talaga nung last year ah." Lagi siyang humihingi ng tawad sa tuwing magkikita kami. "April na bukas, April. Pwede bang lumabas tayo bukas?" sabi niya sa akin.

"Papayag ako sa isang kondisyon!" sabi ko rito.

"Eh, ano naman 'yun?" nagtatakang tanong ni Jo.

"Tigilan mo na 'yang pag-sosorry mo sa akin! Nakakasawa na kasi," sabi ko plus reklamo. "Tsaka isa pa, mag-iisang taon na magmula nung ginawa mo sa akin 'yun. Napatawad na kita," sabi ko ng nakangiti sa kanya. Nginitian niya naman ako pabalik.

Kinabukasan, sinalubong ako ni Jo sa daan papunta sa school. Ngumiti siya sa akin. Nginitian ko siya pabalik. "Mamaya ah," sabi niya tapos nginitian niya ako. Bumilis naman ang paglalakad niya.

Ang bilis ng panahon, ano? Parang April Fools' Day lang kahapon, April Fools' Day ulit ngayon. Pfft.

May pinagawa sa amin ngayon ang adviser namin. "Kung gagawa kayo ng prank ngayong April Fools' Day, anong gagawin niyo?" Kanina ko pa iniisip yung ginawa sa akin ni Jo last year.

Ang isinulat ko na lang, sasabihin ko sa mga magulang kong may isa akong bagsak na quiz. Paniguradong magugulat sila doon.

Ipinasa ko na ang papel ko. April na di ba? Ibig sabihin, wala na kaming klase. Pakulo lang naman talaga nung adviser namin na isulat yung mga kung anong gagawin sa April Fools' Day. tss. "April," tawag sa akin nung adviser namin. "Palagay naman 'tong mga 'to sa faculty ko. Salamat."

Ayun, sinunod ko naman. Teka, mabasa nga muna.

Classmate #1: Sasabihin ko kay April na may taong nagkakagusto sa kanya.

Classmate #2: Sasabihin ko kay April na maganda daw siya sabi ni Dimacatawa. (Weh, si Jo?! Di siguro.)

Classmate #3: Sasabihin ko kay April na hindi joke ang sasabihin ni Jo sa kanya mamaya.

Classmate #4: Sasabihin ko kay April na jokes are half meant.

Classmate #5: Sasabihin ko sa buong school na may gusto si Jo kay April.

Marami pa akong nabasa. Pero ang pinakamatindi?

Jo Dimacatawa: Sasabihin ko kay April na gusto ko siya.

"April!" gulat ko nang tawagin ako ni Jo. "Tara na?"

Ito na ba yun? "S-sige."

"April, isang taon na ang nakalipas nung nag-joke ako pero totoo 'yun."

"Joke ba ulit yan?" tanong ko na mukhang kalmado pero sa totoo lang, kanina pa kumakabog ang dibdib ko. April, h'wag kang iiyak.

"Tsk. April, tandaan mong wala akong sasabihin na joke ngayon. Seryoso ako ngayong April Fools' na 'to."

"Pwede ba, Jo?! Pwede bang h'wag mo na akong paglaruan? I'm not a fool anymore!"

"But I'm not fooling around with you anymore! Gusto kita, April!"

Paano ko ba seseryosohin ang pag-amin niya sa akin kung sa araw ng pakikipaglokohan yung pinili niyang araw para umamin?

April Fools' DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon