CHAPTER 6

0 0 0
                                    

Germs

Seraphi

How's life going on?

Kamusta na kayooooo

Kaisha

Still the same

Babad pa rin sa studies

May kwento ako huhu

Arielle

Ano yunnn Kaiii?

Gwapo ba?

Charottt

They were active and chattering on our group chat and I chose to ignore them just like what they did to me. I am not obliged to reply to them and vice versa, iyon ang pinaramdam nila sa akin.

I want them to experience the bitter taste of not being responded. Namnamin nila.

Nagpatuloy ng ilang araw na ganoon ang inaakto ko. Hanggang sa ang araw ay napalitan ng linggo. I am being immature but who cares? Edi magalit sila. Iyong sagad hanggang buto.

Germs

Reina is Calling

Hindi ko alam ang gagawin nang tumawag si Ate Rei sa gc. I became frantic. She wants to share a video call but I still can't move on from the pain caused by them.

Ate has always been inactive on her social media accounts. Sa lahat ng bagay, iyon ang pinakanaiintindihan ko. Maybe because she never failed to check on us everytime she has time. Pero may mga oras din talaga na hindi ko maiwasang hindi magtanim ng sama ng loob sa kaniya lalo na kapag online siya at hindi nagrereply.

Some may say that I am too shallow. That those little things already affects me. So? Hindi naman sila ang nasa sitwasyon ko. Hindi sila ang nakakaramdam ng ganito. Thus they don't have any rights to belittle my reasons for ignoring them.

I hit the red button and decided to slid my phone on my uniform's pocket before sighing frustratedly.

"Is anything wrong, Nirv?" asked Jia while looking at the mirror on her locker door. She's applying a tint.

"Nababanas lang ako kina Ari." nakakrus ang braso habang nakasandal ang isang paa sa locker na ani ko.

"Bakit naman?"

"Because they always take no notice of me! Like, gad, Jia! My blood always boils." umayos ako ng tayo at pabagsak na isinara ang hanggang ngayon ay nakabukas ko pa palang locker.

"Really? Baka busy?" aniya at inayos ang tint sa lips. She pursed her lips in and out. Once she was satisfied, sinara na niya ang kaniyang locker. "Let's go. Baka ma-late tayo."

We sauntered on our way to the classroom. "Tell me, Jia, kapag busy ka ba, hindi mo papansinin ng ilang araw ang messages ko despite it being serious? Kahit na halata na kailangan ko ng kausap?"

"Of course papansinin ko! In spite of my business I will always make time for you kapag ganiyan."

"Precisely! Ganiyan ang rason ko. Kung talagang kaibigan ang turing nila sa akin, they will respond!" imbyernang paglalabas sama ng loob ko.

Nakarating kami sa classroom na patuloy ako sa paghihimutok. I was too irritated that I almost wanted to slap my seatmate who kept on bugging to ask for a piece of paper. Papel na lang na papel, hindi pa makabili.

Sailing Friendship |✓Where stories live. Discover now