There is nothing like returning to a place that remains unchanged to find the ways in which you yourself have altered.
---
Leila Hamelton POV
Two years ago, Im living in a paradise. Akala ko perpekto na yung buhay ko kasama ang family ko, mga kaibigan ko at higit sa lahat, si Leon.
Ngayon, babalik na ako. Matatangap kaya nila ako? Kung hindi, maiintindihan ko at gagaein ko ang lahat para matangap ulit nila ako. Kasalanan ko naman kasing mawala ng parang bula ei.
Bakit? Hindi kasi nila alam tong sakit ko. Natakot akong sabihin sa kanila at unti unti silang mawala sakin at ayokong makita silang nahihirapan ng dahil sa akin. Kaya mas pinili kong iwanan sila ng walang pasabi..
I wonder, ano na kaya? Kamusta na kaya sila? Wala akong balita maski ano tungkol sa kanila. Ayaw kasi ng parents ko kaai mai stress lang daw ako.
Anyway, hindi pa pala ako nagpapakilala noh. Ako nga pala si Leila Hamelton. 18 years old, nagdebut ako sa ospital. Haha. 16 years old ako nung malaman namin yung tungkol sa sakit ko. Leukemia. That thing ruined my life. Two years ago, we went here in Canada para magpagamot may kakilala kasi si Mommy dito na magaling na doktor ei. Ang bata ko para dun noh? Wala ei. Haaay.
Anyway, nag aayos na ko ngayon. Eto yung araw na naka schedule yung flight namin ni Mommy pabalik sa Philippines. Si Daddy? Busy sa business trips. Naiintindihan ko naman yun kasi para samin naman yun ei :)
"Oh baby, are you ready na ba?"
"Yes mom"
Bago umalis, tiningnan kong maigi yung sarili ko sa salamin.
Yung mahaba kong buhok na maalon ganun pa din walang pinagbago. Yung kulay ko, para kong labanos. Ikaw ba naman tumira sa hospital. Yeah. Medyo namayat din ako.
"AJA!"
Sabi ko bago tuluyang sundan si Mommy sa labas.
"Matulog ka muna Leila, medyo mahaba tong byahe natin. Magpahinga ka. May kailangan ka ba?"
"Wala po My. Excited na nga ako ei. Soooobra"
"Oh. Wag masyado maexcite baka mapagod ka"
"Aright"
With that, sinalpak ko na lang ang earphones ko at natulog.
"I won't forgive you! For f*cking leaving me!"
Galit na galit na sabi ni Leon sa harap ko. Ansakit sakit.
"Sorry. I didn't. I. I"
"Hindi mo gustong saktan ako? Well. Congrats, sinaktan mo na ko. Winasak mo na tong puso ko Leila"
"Sorry Leon. Mahal na mahal pa din kita. May sakit ako kaya iniwan kita. Nag. Nagpagamot ako sa ibang bansa"
" Now, nagkasakit ka?! What more excuses do you have Leila! I. Hate. You. Goodbye"
"Leooon!" " Dont leave me" "Leon"
Tapos biglang bigla na lang kinain ng liwanag si Leon then..
"Leila! Wake up!"
Panaginip lang pala. Andito na pala kami. Hmm. Maya maya lang dumating na yung sundo namin at hinatid kami sa bahay.
"Welcome back Leila!"
Pag bukas ko palang ng pintuan, nakakita ako ng prinsipe. Yung kuya kong si Leinon. Ganun pa din. Ang gwapo gwapo.
"Oh sweetie, dont cry"
"Sorry Kuya. I just missed you. Sooooo much"
"Yeah. I missed you too. Sorry kung last year pa ko huling dumalaw ha. Alam mo naman si kuya busy sa chix. Este school"
"Hahaha. Ewan ko sayo. Ganun ka pa din ei"
"Oh. Tama na muna yan. Leinon, ihatid mo muna si Leila sa kwarto nya and let her rest for a while"
Sabi ni mommy then hinatid na ko ni kuya Leinon sa room ko.
"Sige Leila. Pahinga ka muna"
"Okay. Thanks"
Isasara ko na sana yung pinto pero nagsalita pa ulit si kuya.
"Yung papers mo sa school, inayos ko na. All you have to do is pumasok sa monday since start na ng school year next week"
"Awts. Im so touched. The best ka talaga kuyaaaa"
I hug him because of that.
"Oh enough na. Kaso nga lang irregular ka since isang sem lang natapos mo last two years?"
"Okay lang kuya. Yung sched ko? Kaklase ko ba sila?"
"Ahm. Yeah. May ibang subjects ka na classmate mo sila Claren. Dont worry, they will forgive you baby"
I just nod as a response. And then mouthed thank you.
Hmmm. Matatangap pa kaya nila ako? Sana.
Who's Claren? Claren is my Bestfriend. Actually tatlo kami,Ako, si Claren and si Kate.
Leon? Leon is my Boyfriend. I mean, ex boyfriend.
Ngayon, tinatamaan na ko ng konsensya sa pag iwan ko sa kanila
Siguro. Magpapahinga muna ko ngayon. Hmmm. Hindi ako makatulog. Kaya, umupo muna ko sa bintana ko since open type naman to.
"Ang ganda ng langit"
Nasabi ko na lang. Stars? Hmm. Balang araw, magiging isa na ko sa inyo.. Pero hindi pa ngayon.
Kinabukasan, nagising na lang ako sa titig ni kuya. Arg. Creepy
-_-
"Kuya! Don't stare like that. You're so creepy"
"Hmm. Namiss lang kita! Di tayo nakapag usap ng ayos kahapon ei. Sunday naman ngayon"
"I miss you too"
"So how are you?"
"Dying"
I said. But hindi ata maganda yung joke ko. Hahaha. Ansakit naman. Yung mata ni kuya, biglang ansakit tumingin para bang galit na galit sya dahil sa sinabi kong mamatay na ko.
"Leila"
I smirked.
"Kuya. Ano ka ba. Mas okay nga na habang maaga pa, pag aralan mo ng tangapin ang katotohanan. Na sooner or later mawawala na ko"
"Stop"
"But--"
He cut my words. And then say..
"How could you say that? Andito kaming family mo, hindi tumitigil sa pagdarasal na gumaling ka. Leila? Suko ka na talaga? Wala na lang lahat sayo to? Tong paghihirap namin?"
"Tsk. Don't say that. Ou suko na ko. Inuumpisahan ko ng tangapin! PAGHIHIRAP NYO?! WOW KUYA! AKALA KO CONCERN KA SAKIN? AKO. AKO *sob* ako yung mamatay. *sob* ako yung binigyan ng taning. Tingin mo hindi ako nahibirapan? Kuya. Ansakit sakit na. Ayoko na"
"Shhhh. Sorry baby. Sorry. If I could only take that. Ginawa ko na. Sorry. Stop crying"
"Its okay. Im okay"
Pero tama ba ko? Tama naman diba? Kailangan na naming tangapin to.. all i have to do is ayusin ang mga naiwan ko. Tama. Last night, habang tinitingnan ko yung mga bituin, nagtataka ko, kasi bakit kaya buhay pa ko? Samantalang last month halos mamatay na ko sa sobrang sakit. Akala ko nung mga oras na yun, iiwan ko na sila ei. Before we leave the hospital, sabi ng doctor isang taon. Isang taon na lang at unti unti ng hihina ang katawan ko. Pero bakit parang wala akong sakit na nararamdaman? Ngayon alam ko na kung bakit.
The Great man up there, give me an extension.. para ayusin yung mga bagay na naiwan ko. Im still alive and strong to end the story i made, before I finally leave this place.
----
Huehuehue. •﹏•
Ganto talaga pag bored mga pre.
-EC
BINABASA MO ANG
How To End a Story
Teen FictionSome people hate funerals. I find them comforting. They hit the pause button on life and remind us that it has an end. Every eulogy reminds me to deepen my dash, that place on the tombstone between our birth and our death.